Chapter 19

343 10 0
                                    

Tine

"Hi Ate Tine!" Sabi ni Kennedy sa akin. Kumaway naman ako sa kanya at bumeso.

"You're looking great Kennedy" Sabi ko. She giggled.

"You too! You look blooming" Ganti niya.

"Kakain tayo o kakain?" Tanong ng supladong driver namin ni Kennedy.

Hindi na sumasama si Cyril kay Denzel dahil may sasakyan na ito.

"Kuya, just drive. Naghihintay na sina Mommy at Daddy" Sabi ni Kennedy.

Along the way, tawa lang kami ng tawa ni Denzel kay Kennedy. Kwine-kwento niya kasi ang mga profs niya, may iba na naging prof ko rin. Ang iba naman kilala lang daw ni Denzel.

"I got a 3 over 10 score last time. She scolded me! Like what the egg? Hindi nga ako pinapagalitan ni Dad kapag three over ten good job pa daw dahil hindi ako nag cheat!" Sabi ni Kennedy. Tumawa naman ako.

"Baby girl, ayaw lang ni Dad masaktan ka. Kaya good job kahit hindi naman good" Nakangising sabi ni Denzel, hinampas naman siya ni Kennedy sa braso.

"Kennedy! I am driving!" Galit niya dito. Inirapan naman siya ni Kennedy.

"Bakit ba kasi!? Sabi ni Dad okay na yun kesa nag cheat ako! Yung iba nga zero eh! Yung iba 5 lang dahil nag cheat! Ako hindi ako nag cheat! Partida pa iyon Kuya Denz kasi hindi niya na discuss ang quiz niya! See? Aren't you proud of me?" She said.

I smiled at Kennedy. Denzel just shook his head.

Nililigawan pa lang ako ni Denzel. Dalawang araw ang nakalipas ng nag-usap kami at nalaman ko na siya pala yung batang suplado slash Mr. Tiger na yun.

Kwinento ko nga kay Pidz iyon, ayun tili ng tili. Dinaig pa ako sa kilig.

"Ikaw Ate? Tell me then what's happening between you and Kuya Denz" Sabay lean ni Kennedy sa dalawang upuan namin ni Denzel. Sa backseat kasi siya, hinintay pa nila ako ng 10 minutes dahil late na ang dismissal namin.

"Huh? What about us?" Tanong ko.

Tiningnan ko naman si Denzel at nakangisi ito.

"Come on Ate Tine. Tell me, I read Kuya Denz' status on facebook. I saw his recent post on FB and IG" Sabi pa niya. Uminit naman ang pisnge ko na naalala ko yung mga post ni Denzel.

Denzel Nate Ferguson: See 1000 girls, know 100 girls, talk to 10 girls but I love only 1 girl. -Celestine Marie Gomez.

Denzel Nate Ferguson: Taken by Celestine Marie Gomez.

Nag comment naman ako sa pangalawang status niya. Kahit madaming nag co-comment nakisali din ako. May mga kaibigan siyang nag co-comment nire-replyan niya lang ito ng emoji na cactus.

Celestine Marie Gomez: What? Taken agad? :smirks:

Denzel Nate Ferguson: Oops sorry. Doon din naman papunta 'yon :hugs and kisses: ;)

Parang dumuwal ako ng rainbow sa kilig nun.

Yung sa instagram naman ay yung litrato ko kahapon na kumakain ako, as in madaming pagkain sa harap ko. Kapag kasi on the way red flag na ako, palagi akong nag cre-crave.

Sumusubo pa ako ng lasagna sa litrato at may caption pa si Denzel na.

Eat well baby. Kahit maging mataba ka at maging XXXL ang size mo, mahal na mahal pa din kita. ;)

Kahit sa FB na upload niya iyon. Gumulong gulong ako sa kilig ng nabasa ko iyon, kahit sa comments kinilig ako. May iba pang inaasar si Denzel.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon