Chapter 29

308 6 2
                                    

Monday at may pasok na.

Kahapon pumunta si Denzel sa bahay pero hindi ako lumabas. Sabi ko kay Tatay huwag din siyang papasokin sa loob. Nagtanong naman si Tatay kung bakit sabi ko may away lang kaming dalawa.

"Tine." Tawag ni Cyril sa akin.

May activity kasi kami at by pair. Kami ni Cyril habang si Rona at Ashley naman.

"Lutang ka. Ako na lang muna mag a-answer ng lahat" Sabi niya.

"Salamat ah" Sabi ko.

"Nah. I don't accept thank you. I only accept explanation why are you like this now" Sabi niya. Hindi na lang din ako sumagot. Pinatuloy naman ni Cyril ang pag gawa niya.

Natapos ang klase namin at vacant na. Sabay naman kaming apat pumunta sa Cafeteria para mag lunch. Naka off ang phone ko at sobrang ingat na ingat ako ngayon baka makita ko si Denzel.

"Hindi pumasok si Kuya, Tine" Sabi ni Cyril. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Ah. Bakit daw?" Parang normal kong tanong. Kumunot naman ang noo ni Cyril sa akin.

"Hindi mo alam ang rason? Hindi ko din alam eh. Hindi lang siya pumasok. Hindi ko siya nakasama kumain kanina. Sabi ni Mommy na sa kwarto lang daw siya" Tumango na lang din ako.

"Nag-away ba kayo?" Tanong niya. Nagkatinginan naman kami ni Rona at Ashley. Ngumiti naman sila parehas sa akin.

"Hindi" Sabi ko.

"So bakit?"

Tiningnan ko naman si Cyril. "Hindi kami nag-away kasi wala na kami, Cyril. Niloko na naman ako ng Kuya mo" Sabi ko.

Nagtiim bagang naman si Cyril.

"What?"

Tumango naman ako. "Nung Saturday. Sa event nila. May hinahalikan siya" Sabi ko.

"Maybe he was drunk, Tine. O di kaya ang babae---"

"No" Madiin kong sabi at tiningnan siya. "Nakita ko iyon. Siya ang nag initiate ng halik, Cyril." Sabi ko.

Hindi naman nagsalita si Cyril. Natapos ang vacant namin na wala masyadong nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Cyril.

***

7:30 dismissal at sumabay ako palabas ng campus sa kanila.

"Sabay ka na sa akin, Tine" Sabi ni Cyril.

"Wag na Cy. Okay lang ako"

"No. I won't allow you to go alone" He said with his serious  voice.

"Sige na Tine. Punta na kayong parking lot ni Cy. Mag-ingat kayo" Sabi ni Rona sabay halik sa pisnge ko at ganun din si Ashley. Nagpaalam din sila kay Cyril.

Tahimik lang kami ni Cyril habang lumalakad papunta sa parking lot.

"Celestine" Natigil kaming dalawa sa paglakad ng bumaba si Denzel sa sasakyan niya. Lalapit sana siya sa akin ng sinuntok siya ni Cyril.

"Gago ka parin pala, Kuya!"

"Cyril!" Sabi ko ng sinuntok din siya ni Denzel. Napaupo naman si Cyril, mabilis naman akong dumalo sa kanya.

"Ano ba Denzel!" Sigaw ko. Mapupungay ang mga mata ni Denzel na nakatingin sa akin.

"Let's talk Celestine" Sabi niya. Hindi ko naman siya pinansin at tinulungan si Cyril sa pagtayo.

"Tara na Cy" Sabi ko.

"Celestine!" Natigil ako ng hawakan ako ni Denzel sa braso.

"Ano ba!" Pagpupumiglas ko.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon