"Sis... Tama na yan.. Tama na" Sabi ni Pidz habang yakap yakap ako.
Iyak lang ako ng iyak.
"Sis.. 'Wag ka ng umiyak.. Sige nga, sasaya ang mga nagpusta dahil sa napaiyak ka" Sabi nito.
Kapag ako yumaman. Papakain ko talaga sa kanila ang lahat ng pera na meron ako!
"Pi-Pidz.. Ma-Masakit kasi eh.. Alam mo 'yun siya yung unang lalaki na mahal mo.. Na minahal ko.."
Ngumiti naman si Pidz at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
"Baka nakakalimutan mo. Si Mr.Tiger kaya ang first love mo. Landi nito!" Natatawang sabi niya at kinurot ang tagiliran ko.
Halos pinatawa lang ako ng pinatawa ni Pidz. Sa bahay pa siya natulog. Hindi naman iyon alam ni Tatay na umiiyak ako. Sabi ko kasi sa kanya nanunuod lang kami ni Pidz ng movie.
Cryil calling...
Kinuha ko naman ang cellphone ko at sinagot ang tawag.
"Hello Cy?" Tanong ko dito.
"Saan ka? Hindi ka pumasok ah" Sabi nito.
"Dysmenorrhea ako eh. Pakopya na lang bukas"
"Why? Hindi ka hahabol?" Tanong nito. Wala ba siyang alam sa amin ng Kuya niya? Hindi ba niya alam na mas lumala? Hindi ba niyan alam na umabot na sa puntong nalaman kong pinagpusatahan ako?
"Habol Cy? Nako wag na. Tamad na akong humabol, at isa pa, hahabol ako para ano pa? Isang laro lang iyan. Mas mabuti pang andito lang ako hindi pa ako mapapagod" Sabi ko.
"Hugot ba yun?" Natatawang sabi niya.
Hugot nga ba?
"Hi-Hindi ah!"
"Okay!" He chuckled. Kumirot naman ang puso ko kasi parang Denzel na Denzel ang tawa niya. "Puntahan kita diyan! Anong gusto mo?"
"Wala. Wala na akong gusto. Nakakatamad kaya yan. Yung may gusto ka? Tapos ano? Papaasahin? Nako wag na Cy!" Sabi ko.
"Ayaw mo talaga?"
"Ayaw. Trust issues found"
"Talaga?"
"TOLOGO!" Sagot ko.
Sabi nila noon sa akin, kapag daw ma problema ako ang dali dali lang para sa akin dahil daw dinadaan ko ang lahat sa tawa. Yun ang problema kasi sa kanila, hindi nila alam na nalulungkot at nasasaktan din ang masiyahing katulad ko. Katulad ng mga clown, nagpapatawa sila pero may mga problema din yan.
"Hoy. Pagkain ang sinasabi ko ah" Sabi nito.
"Pagkain nga! Bakit? Akala mo yung Kuya mo? Asa! Wala na!" Sabi ko.
Rinig ko naman ang malakas na tawa ni Cyril sa kabilang linya.
"Ganyan ba kapag brokenhearted?" Natatawang tanong niya.
"Oo. Yung gusto mo na lang umiyak pero ayaw mo din. Yung pinapakita mong okay lang pero hindi naman talaga. Ganito pala 'to no? Ngayon ko lang naranasan eh" Sabi ko. Natahimik naman si Cyril sa kabilang linya.
"Don't worry. I already punched him for you, Tine. Wag kang mag-alala kinuha din pera niya, sasakyan niya at bahay at school lang ang route niya"
"Huh?--*toot toot*"
***
Isang linggo ang nakalipas.
"Next month debut mo na ah!" Sabi ni Ashley.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Fiksi RemajaLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...