Chapter 38

396 12 2
                                    


Malapit na po sa epilogue. :) #WPMisstot (IG and FB only)

***

New Year.

"Tine, ilagay mo na 'to sa mesa" Sabi ni Mama sabay bigay ng blueberry cheesecake na gawa niya. Kinuha ko naman iyon at ipinatong sa mesa.

Nakakamiss si Tatay. Siguro kung andito siya ngayon ang sobrang saya niya. Unang New Year ulit sana namin na magkasama na pamilya.

"New Year na!!" Sigaw ni Pidz pagpasok ng  bahay.

Tiningnan ko naman siya.

Hindi kami umalis ni Mama sa bahay. Nire-rentahan pa din namin. Naghahanap kami ng malilipatan pero ayaw muna ni Mama. Gusto niya dito na lang daw dahil para kasama lang namin si Tatay.

Nakahanap si Mama ng trabaho dito. College graduate siya at mabilis lang iyon, may business siya sa Japan kasama ng kaibigan niya at may pera naman na pumapasok sa account niya at may savings pa din siya.

Hindi ko tinanggap ang scholarship, hindi din tinanggap ni Mama dahil sobra na ang naitulong ng mga Ferguson sa amin.

"Pupunta ba si Papa Denz dito?" Tanong ni Pidz sa akin. Umirap naman ako sa kanya.

"Inaasar mo ba ako?" Inis kong tanong sa kanya. Tumawa naman siya.

"'To naman! Hindi na ma joke!" Sabi niya. "Pero seryoso, friend? Hindi pa umuwi?"

Umiling naman ako. Nakakamiss na siya!

"Edi rumampa ka muna kay Jake sa bagong kapit-bahay! Kumerengkeng ka muna! Ang loyal mo!" Natatawang sabi niya. Imbis na magalit ako, natawa ako.

Naalala ko kasi si Denzel na selos na selos kay Jake.

"Hi Tine!" Bati ni Jake sa akin pagkababa ko ng sasakyan ni Denzel. Kakalipat lang nila sa kabilang bahay nung isang araw.

"Uy Jake!" Sabi ko.

"Gumaganda ka lalo ah" Natatawang sabi niya.

"Bolero!" Ganti ko.

Narinig ko naman ang malakas na pagsara ni Denzel sa pinto niya. Suplado itong lumapit sa amin.

"Ka-klase mo?" Tanong ni Jake sabay tingin kay Denzel. Tiningnan ko naman si Denzel na masama ang tingin.

"Hindi---"

"Boyfriend niya" Sulpot niya. Tiningnan ko naman siya.

Napa oh naman si Jake at napatango.

"Jake nga pala pare. Kaibigan ni Tine" Pakilala ni Jake sabay lahad ng kamay niya. Siniko ko naman si Denzel pero hindi niya iyon tinaggap, tiningnan niya lang iyon. Nahihiyang binaba naman ni Jake ang kamay niya.

"Hindi ako nagtanong. Hindi ako interesado" Sabi ni Denzel. Seryoso din ang titig ni Jake sa kanya.

"Denzel" Tawag ko sa kanya. Bumaling naman siya sa akin. Lumambot naman ang mukha niya.

"I'm going. I'll text you when I'm home" He said and kissed me. Tumagal iyon ng ilang segundo.

Ngumisi naman siya at umalis.

Napakaseloso!

"Tine, si Denzel online sa skype" Sigaw ni Mama.

Dali dali naman akong lumapit sa kanya na hawak hawak ang phone niya. Kinuha ko naman iyon at andoon nga si Denzel.

"I am calling you on skype" Supladong salubong ng boyfriend ko sa akin.

"May ginagawa kasi ako--"

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon