Chapter 32

337 8 0
                                    

"Anak.." Tawag ni Tatay sa akin.

"Ano po 'yon Tay?"

"Hinatid ka ni Denzel kagabi. Okay na kayo?" Tanong niya. Tumango naman ako, ngumiti naman si Tatay.

"Mabuti naman kung ganun. 'Wag mo na siyang awayin ulit" Sabi niya.

Hindi ko naman sinabi kay Tatay ang totoong rason basta yung alam niya lang hindi kami okay ni Denzel na dalawa.

"Opo Tay." Sabi ko. May bumusena naman kaya nagdali dali naman ako.

"Hindi kapa nag aalmusal, Tine!" Sabi ni Tatay.

Tiningnan ko naman ang orasan ko. 7am pa lang. Late na naman kasi akong nagising.

"Sa school na lang Tay"

"Ay hindi! Kumain ka muna o magdala ng pwedeng mabaon para may kinakain ka habang papunta doon"Sabi ni Tatay.

"Naghihintay si Denzel sa labas"

"Papapasokin ko. Diyan ka lang" Sabi ni Tatay. Wala na rin naman akong nagawa kaya tiningnan ko na lang ang pwede kong madala. May bagong gawa na si Tatay ng crinkles, magdadala ako nito paborito ito nina Ashley at Rona eh.

Narinig ko naman ang boses ni Tatay at Denzel na palapit na sa kusina namin.  Nakangiti naman si Denzel na nakatingin sa akin kaya tumingin at ngumiti din ako.

"Ipagbabalot na kita Tine. Nako Denzel 'yang girlfriend mo ang tigas ng ulo. Minsan hindi na kumakain kapag aalis ng bahay. Kahit noong nag-aaway kayo" Sumbong ni Tatay.

"Tay!" Tawag ko.

Umupo naman si Denzel sa upuan na iginaya ni Tatay sa kanya habang kami ni Tatay nakatayo sa gilid ng mesa.

"Totoo naman. Paano kung wala pala ako? Pababayaan mo sarili mo? Mabuti at andiyan si Denzel paminsan minsan para tulungan ako sa'yo" Sabi ni Tatay. Nagkatinginan naman kami ni Denzel at hindi nawawala ang ngiti sa labi niya.

"Hijo kapag inaaway ka ni Tine pag pasensyahan mo siya. Ang hilig kasi niyang magtampo tapos ang bilis magalit" Tatay.

"Wala lang po iyon sa akin, Tito. Kahit po araw araw sinusungitan ako ni Celestine." Sumbong din niya. Inirapan ko naman siya.

"Mga bata pa kayo. Enjoy kayo muna na dalawa. Huwag kayong mag madali. Pinagkakatiwala ko si Tine sa'yo Denzel. Malaki ang respeto ko sa pamilya niyo at sa'yo, sana huwag mong saktan at paiyakin si Tine. Wala kasing ama na hindi nasasaktan kapag nasasaktan din ang anak nila." Tatay. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Ang OA Tay ah" Natatawang sabi ko. Tumawa naman sila ni Denzel.

"Malinaw ba iyon Denzel?" Tatay.

Tumango naman si Denzel. "Opo. Aalagaan ko po si Celestine ng mabuti. Hindi ko po siya iiwan. Makakaasa po kayo"

Tumango naman si Tatay at binigay ang paper bag sa akin.

"Sige na at baka malate kayo. Denzel, ingatan mo anak ko ah? Tine, wag kang pasaway kay Denzel"

"Opo" Sabay naming sabi ni Denzel.

Si Denzel naman nagdala ng bag ko at ng paper bag habang palabas ng bahay. Pinatunog niya naman ang sasakyan niya at binuksan ako ng pinto.

Habang nasa biyahe kami, hindi ko mapigilan ang sarili ko na huwag titigan si Denzel.

Okay na talaga kami. Sa wakas. Tama nga sila. Love is a cycle, when you love, you get hurt, when you get hurt, you hate. When you hate, you try to forget. When you try to forget, you start missing. And when you start missing, you eventually fall in love again.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon