Chapter 34

308 7 0
                                    

Unang gabi ni Tatay at halos hindi ako umalis sa gilid ng kabaong. Nakatingin lang ako sa kanya. Ulo ang nabagok sa kanya.

Iyak pa din ako ng iyak. Unang gabi at madami ng pumupunta. May mga umiiyak, may nagbibigay ng tulong, pero halos lahat hindi ko muna makausap. Gusto ko lang tingnan si Tatay dito.

"Andiyan na Tine sina Denzel kasama mga pamilya niya" Sabi ni Pidz sa akin. Tumango naman ako kay Pidz pero ang mga mata ko nakatingin pa din sa Tatay ko.

"Hi." Tiningnan ko naman si Denzel na luampit sa akin. Niyakap niya naman ako at hinalikan. Nanatili ang isang kamay niya sa bewang ko at ganun din yung sa akin.

"Hindi ka pa daw kumakain" Sabi niya. "May dala kami, kumain ka na" Dagdag niya. Tumango naman ako.

Tiningnan ko muli si Tatay at umalis na doon.

Nandoon nga sina Tita Paige, Tito Ken, Kuya Nix, Cyril at Kennedy. Pagkalit ko sa kanila, niyakap kaagad ako ni Tita Paige.

Tumulo na naman ang luha ko. Ang saya at ang kumpleto ng pamilya ni Denzel. Napakaswerte niya na andiyan talaga ang mga magulang niya sa kanya. May mga kapatid pa siya.

Nagkwentohan kami sandali at pumasok ako sa loob para kumain. Sinamahan naman ako ni Denzel. Pinag-uusapan lang naming dalawa ang libing ni Tatay.

"Hindi ko alam. Sa public cemetery na lang siguro. Wala kaming ipon" Sabi ko.

"Tine, we can help" He said.

"Denzel, sobra na ang naitulong niyo. Sa lawyer pa lang malaking tulong na iyon. Nagbigay na din ang mga kakilala ni Tatay ng maliit na tulong. I will try to go on a lending. Mag sto-stop muna ako after this school year. Magtra-trabaho---"

"No." Putol ni Denzel sa akin. Tiningnan ko naman siya.

Palibhasa hindi niya ako maintindihan kasi madami silang pera.

"Anong no? Ako mag de-desisyon sa buhay ko" Sabi ko at niligpit ang pinagkainan ko.

"Celestine" Sunod niya sa akin.

"Denzel naman! Huwag mo akong paandaran ng pagiging bossy mo!" Inis kong sabi. Tiningnan niya naman ako.

"Palibhasa na sa iyo na ang lahat! May kumpleto kang pamilya! May pera kayo! Nakakapag-aral kayo! Kahit hindi ka mag-aral, may kinabukasan ka pa din! Mabubuhay ka pa din! Kasi ako Denzel kapag hindi ako magta-trabaho, saan ako pupulutin?" Inis kong tanong sa kanya. Hindi naman siya sumagot at umiwas ng tingin sa akin.

Napahilamos naman ako sa mukha ko. "Sorry" Sabi ko.

Pagod ako. Nasasaktan ako. Namo-mroblema ako! Hindi ko na alam! Gulong gulo na ako!

"Sorry" Ulit ko. Napatingala naman ako habang nakatukod sa lababo. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Denzel. Pinunasan ko naman ang luha ko gamit ng isa kong kamay.

"Denzel, sorry" Pag-uulit ko.

"Shh.. It's okay" Sabi niya at hinalikan ako sa ulo. Humarap naman ako sa kanya at niyakap siya. Umiyak naman ako sa dibdib niya.

Sobrang papasalamat ko dahil may Denzel ako sa buhay ko. Kahit naiinis na siya, hindi niya ako iniiwan. Alam kong ang layo ng ugali ni Denzel sa Denzel na kasama ko. Hindi mahaba ang pasensya niya pero para sa akin napapahaba niya. Hindi na siya ang Denzel na suplado at masakit magsalita, ngayon siya na yung Denzel na palagi na lang sorry at nagpapatawad.

"Celestine, your father won't allow you if you stop. Celestine may pinang-hahawakan akong pangako sa Tatay mo. Ayaw kong gibain iyon."

"Denzel please. Sa ngayon lang. Babalik naman ako sa pag-aaral eh" Sabi ko.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon