Chapter 24

342 9 1
                                    

May text naman akong natanggap sa phone ni Denzel at ang aking pangalan ang naka register doon.

I am home now. I'll go dinner, you eat too. I love you.

Nag reply naman ako sa kanya na tapos na ako at nag I love you too din ako. Ng nakahiga na ako sa kama at hinihintay si Denzel na mag text tiningnan ko naman ang messages niya. May mga unknown numbers siya doon may iba naman na naka save ang pangalan. Kahit ang mga text ng mga kapatid at magulang niya andoon.

Halos inisa isa ko ang mga unknown numbers at mga texts galing sa mga kaibigan niya.

Unknown Number:

Hi Denz! I got your number from my friend. I am Yanie by the way :) palagi kasi kitang nakikita sa tambayan. :)

Denzel:

Sorry this is Denzel's girlfriend. Iba na number niya.

Kumunot naman ang noo ko sa reply niya. Denzel's girlfriend? Hindi naman ako naka text ng ganito sa ibang babae ah? Kapag magkasama kaming dalawa naglalaro lang ako sa phone niya o di kaya nag se-selfie kaming dalawa.

May mga kaibigan din siyang mga lalaki na nagte-text sa kanya. At may convo siya nina Mark. Alam kong pilyo ang isang yun kaya binuksan ko.

Mark:

Dude, nanghingi yung Yanie ng number mo. Binigay ko ah?

Denzel:

Gago ka! Hindi ako interesado.

Mark:

Bakit naman? Napakaloyal mo naman! Hahaha.

Denzel:

Gago ka sa mga pinakagago! Sinabihan kong girlfriend ko nag te-text para tumigil.

Ah. Ayon pala yun.

May mga iba ding hindi nire-replyan ni Denzel. Tumigil ako sa pagche-check ng tumawag si Denzel sa akin.

"Hello"

"Hey baby.."

"Tapos ka na kumain?" Tanong ko.

"Yeah. I am at the pool area with Kuya Nix. Chilling here."

"Nag-iinoman kayo?" Tanong ko. Last time kasi nagtambay din sila ng Kuya Nix niya nag-iinoman sila. Workaholic kasi Kuya niya kaya minsan lang daw sila mag-usap at magsama na nagtatambay.

"Nah. May trabaho siya bukas,  may pasok pa ako. Nag-uusap lang kami about the subdivision na bubuksan nila ni Dad"

"Then talk to him na lang muna. Mamaya ka na tumawag"

"He's on the phone call too. Kaya tumawag ako. We're waiting for Dad. Busy pa sila ni Mom sa kwarto eh" At humalakhak siya.

Napasapo naman ako sa noo ko. Si Denzel talaga ang pinakabaliw na anak nina Tito Ken at Tita Paige.

"Ang dumi talaga ng isip mo" Komento ko.

"Bakit madumi? Ikaw lang namana ang nasa isip ko ah" Uminit naman ang pisnge ko sa sinabi niya. Kinilig ako kaya hindi ako nakasagot kaagad. "I can see your red face here, baby" Sabay tawa na naman niya.

"Asa ka naman" Sabi ko na nakangiti.

Nag-usap lang kami na dalawa hanggang sa binaba na niya dahil daw andiyan na Daddy niya. Hindi ko alam kung ano ginagawa ni Denzel ngayon sa phone ko. Hindi naman iPhone ang phone ko. Mas mahal ang phone niya. Touchscreen din iyon kaso hindi kasing expensive ng sa kanya.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon