Chapter 7

295 6 0
                                    


"Mauna ka ng umuwi Pidz" Sabi ko sa kaibigan ko at tinulak tulak pa ito.

"Aray sister ah! Oh sige na nga! Ciao!" Sabi nito at hinigit pa ako para makapagbeso. Ng umalis si Pidz, ay dali dali naman akong lumapit kay Denzel sa pwesto niya. Sakto naman na kakatapon niya lang ng yosi niya, may kinuha naman ito sa bulsa niya.

Tumikhim naman ako para makuha ang atensyon niya.

"Denz" Tawag ko. Tumaas naman ang isang kilay niya.

"What?"

Bakit nga ba? Bakit nga ba ako pumunta? Bakit ko naman siya nilapitan?

Tanga talaga Tine eh! Susulong sulong hindi naman handa!

"Nagyo-yosi ka pala?" Tanong ko. Boba!

"So?" Supladong sabi nito.

"Masama yan" Sabi ko.

"Ano naman pake mo? You're just 17, and I am 19. You have no say to that" Sabi niya at lumakad, ng dumaan ito sa akin hinila ko naman ang braso niya.

"What?" Inis nitong sabi sa akin. Napakagat naman ako sa lower lip ko.

Ano ba yan Celestine!

"Ba't hindi ka na namamansin?" Tanong ko.

"Why not? We're not even close"

"I-I know. Pero diba, nambwe-bwesit ka naman sa akin lagi? Ba't ka nag ka ganyan?" Tanong ko.

Ngumisi naman ito at tumingin sa akin, napaiwas naman ako ng titig sa kanya.

"Pinagtripan lang kita, remember?" He said. Nawalan naman ako ng lakas, binaba ko naman ang kamay ko na nakahawak sa braso niya.

Ganun yun? Pilit na ngumiti naman ako sa kanya at tumango.

"Sa-Sabi ko na eh" Sabi ko at tumalikod sa kanya. Tumakbo naman ako palayo doon. Ng nakalayo layo ako, pinakalma ko muna ang sarili ko.

Bakit ako nasasaktan? Hindi naman masyadong nasaktan, pero nasasaktan pa din! Bakit ganito?

Ugh! I can't even explain how I feel anymore, my thoughts are so messed up in my head that I don't even understand them.

***

Months passed.

"So saan ka mag sa-summer, Tine?" Tanong ni Rona sa akin.

Patapos na yung first year college journey ko! Hooray for that!

"Ewan. Wala naman kaming pupuntahan at isa pa walang pera" Sabi ko.

Sa dumaan ang ilang buwan, hindi lang si Cyril ang nakakasama ko. Nadagdagan kaming dalawa ng dalawang kaibigan. Nang second semester na lang namin nakilala sina Rona at Ashley.

"Ayan na naman, Tine" Sabi ni Ashley. Tumawa naman ako.

"Totoo. Sa bahay lang talaga ako. Hindi ako katulad ni Cyril na pupuntang NY" Sabi ko at kinurot si Cyril sa gilid.

"Aww" Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Bagay talaga kayo!" Tili ni Ashley. Tumawa naman kami ni Cyril sa kanya.

"Best friends" Sabay naming sabi ni Cyril. Ngumuso naman si Ashley.

"Gasgas na yan eh! Hello! Best friends are the new couples kaya" Sabi nito.

"Hindi kami updated" Natatawang sabi ko.

"Tse! In denial pa" Sabi naman ni Rona.

"Ikaw ligawan ko diyan eh" Natatawang sabi ni Cyril sa kanya. Rona just made a face.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon