Chapter 36

347 6 0
                                    

Denzel

Tinitingnan ko si Celestine habang mahimbing natutulog sa kwarto niya. Ang mga mata niyang kaninang pang napapagod sa kakaiyak ay nakapikit na.

Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil napapaiyak ko siya. Pakiramdam ko ako na ang gago sa mundong 'to kapag napapaiyak ko siya.

"Dude, isang kagagohan ang ginawa mo" Sabi ni Christian sa akin.

"Lasing ako"

"Hindi ka lasing. Kung lasing ka bakit mo nahabol si Tine?" Sabi pa niya. Hindi naman ako sumagot sa kanya.

Malay ko bang andoon si Celestine!

"Ang sabihin mo, hindi ka makalayo sa ex mong modelo!" Natatawang asar niya. Masama ko naman siyang tiningnan ko.

"Hindi ko 'yon minahal, Christian! Inakit niya ako!"

"Bakit ka nagpaakit!?"

Hindi na lang ako sumagot. Baka mali na naman ang sabi ko.

God knows how I love my girlfriend so much. Especially when something happened to us, that night hindi ko makatulog sa kakaisip. Sobrang saya ko. Ganoon pala sa feeling ang make love na sinasabi nila. Hindi lust, puros love. Mas lalo kong minahal ang girlfriend ko. At nung kinabukasang iyon, nagkauusap kami ng Tatay niya.

"Denzel, salamat sa pagmamahal sa anak ko" Sabi ni Tito Arnold. Hinihintay ko si Celestine dahil may lakad kaming dalawa. Nagbibihis pa siya habang ako naghihintay sa kanya sa sala nila.

"It's my responsibility, Tito. It's my choice loving her. This is what I want" Sabi ko.

Tumango naman si Tito Arnold sa akin.

"Huwag mong pababayaan si Tine, Denzel ah? Sobrang saya ng anak ko sa'yo. Alam kong matanda ka sa kanya ng dalawang taon at sana gabayan mo siya kung wala ako. Huwag mong sasaktan si Tine. Ayaw kong umiiyak ang Prinsesa ko."

"Makakaasa ka Tito."

"Kapag dumating ang panahon at mahal na mahal niyo pa rin ni Tine ang isa't isa kapag nakatapos na kayo. Nakuha mo na ang basbas kong pakasalan ang anak ko."

I will strive harder for that. Gusto ko ng makatapos sa pag-aaral. I am really sure my feelings for her won't fade, because my feelings for her everyday getting deeper and deeper. At sana ganun din ang nararamdaman niya sa akin.

"Denzel" Tawag ni Daddy sa akin ng nakauwi ako.

"I'll go upstairs. Maaga pa tayo bukas for Arnold's burial" Paalala ni Mommy. Humalik naman ako sa pisnge ni Mommy at naghalikan na naman sila ni Dad sa harap ko. Iniwas ko naman ang titig ko dun.

"Oh please" Sabi ko. Tumawa lang silang dalawa.

12 midnight pa lang. Nag-aya naman si Dad na lumabas at pumuntang pool area. Doon naman kami nag-usap na dalawa.

"So what do you think about the subdivision?" He asked.

"It's good Dad. 2-3 years, I will build houses their" Sabi ko.

Tumango naman si Daddy sa akin at tinapik ako sa balikat. Binigay niya sa akin ang bubuksan niyang subdivision. Kapag naging Engineer na ako, ako ang mamahala ng mga bahay na itatayo doon.

"By the way Dad, can I have the biggest lot there at the center?" Tanong ko sa tatay ko. Tumawa naman siya na para bang alam niya ang plano ko.

"Do everything in the name of love, son"

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon