Tatlo kami sa isang room nina Rona at Ashley, sa isang room naman sina Ate Stacey, Kennedy at si Arla. Iisang room din si Pidz, Aldrin at Cyril. Tapos si Denzel, isa lang sa room niya. Nag-iba siya eh, baka may dadalhing babae dun. Well, yan ang joke na sinabi ni Aldrin sa kanya kanina na tinawanan niya lang.
"Kita tayo mamaya ah?" Sabi ni Ate Stacey.
Pumasok naman kami sa suite namin. Pagkapasok ng pagkapasok tumili naman si Rona at humiga sa kama at nagpagulong gulong doon.
"Ay? Ay? Ano yan?" Ashley.
"Oh my gosh! Hindi pa ako ready! Sheettt!" Sabi pa nito.
"Huh?" Sabay pa naming sabi ni Ashley.
"I invite Denzel earlier, sabi ko after dinner maglakad lakad kami, he accepted it naman. I am just thinking of the possibilities" Sabi nito. Nakitili din si Ashley sa kanya. Ano naman napakagat na lang sa labi ko. Ayan ba ang usapan nila kanina kaya magkasama sila?
Lumapit naman ako sa kama ko at nandoon ang jacket ni Denzel at ang cap niya. Isasauli ko muna 'to sa kanya. Nagpaalam naman ako sa dalawa na lumabas.
Seriously, ngayon lang ako nakaramdam ng awkward sa dalawa kong kasama. Noon naman kapag kinikilig sila kay Denzel ay hindi naman ganito eh.
Siguro naiinis lang ako dahil kinagat ni Denzel iyon? Dahil pinansin sila?
Kumatok nama ako sa suite ni Denzel, magkaharap kasi yung suite naming dalawa.
Sa pangalawang katok ko, nabuksan na niya ito. Topless apa ito at gulo gulo ang buhok.
"Why?" He asked.
"Uhm.. Your things" Sabay lahad ko sa kanya ng jacket at cap niya. Tiningnan niya naman iyon.
"Sa'yo na yan" Sabi nito.
"Ha? Lalabhan ko na lang tapos isauli ulit sa'yo kung---"
"No. Just accept it. Ganyan ka ba talaga, Celestine? Kapag may binibigay ako sa'yo iniisipan mo ito ng kung ano?" What? Wala naman akong sinabi ah!
"Hindi---"
"Just accept it! Damn!" Sabi nito at sinara ang pinto. Napa-atras naman ako.
Problema ba nun?
***
3pm ng nag swimming kami. Hindi nakisali si Denzel, hindi ito lumabas ng suite niya. Si Rona naman nainis dahil daw nag two piece pa ito para kay Denzel tapos hindi naman daw makikita.
Papahuli ba ako? Siyempre hindi. Nagsuot ako ng itim na two piece, pero may maong shorts ako sa ilalim pero nakabukas lang ang butones at zipper nito para makita ang itim na bottom ng two piece ko.
Halos namangha ako kanina ng lumabas si Ate Stacey suot suot ang pink nitong two piece. Those curves!
Nakaupo lang ako sa lounger at tinitingnan si Ate Stacey na nag pi-pictorial sa gilid, si Kennedy naman ang photographer nito, papalit palit silang dalawa.
Ganda talaga!
"Pidz! Pasok muna ako sa suite namin! May kukunin lang ako" Paalam ko sa kanya. Tumango naman ito at tumakbo papunta sa dagat.
5pm na kasi, nalalamigan na ako. Kanina pa kami naliligo.
Nasalubong ko naman si Denzel ng papasok na sana ako. Palabas ito ng suite niya. Tumaas naman ang kilay niya ng nakita niya ako. Nahiya naman ako sa suot ko.
"Ah. Ano.. Ah.. Ha-Hanap ka nila" Sabi ko.
Seryoso naman ang titig niya sa akin.
"Where's my jacket?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Love Wins
Novela JuvenilLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...