Bakit nga ba napanatag ang loob ko sa mga pinapakita ni Denzel sa akin? Magagawa niya pa rin talaga akong lokohin. Akala ko seryoso na siya. Akala ko okay kaming dalawa. Laro pa din pala.
"Celestine" Tawag niya sa akin ng nilagpasan ko lang siya sa pwesto na malapit sa last class ko. Kung saan niya ako palaging hinihintay.
Nagpaalam naman ako sa mga kaibigan ko. Nakakunot lang ang noo nila na nakatingin sa akin na sinusundan ni Denzel.
"Hey" Sabay hawak ni Denzel sa braso ko.
"Ano ba, uuwi ako" Sabi ko.
Halos pinigilan ko kanina ang luha na nagbabadya sa mga mata ko. Pinilit kong makisabay kanina sa kanila para hindi mahalata na naiinis ako at nasasaktan. Hindi ko din naman sinabi sa kanila.
"Uuwi na nga tayo" Sabi ni Denzel at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Tiningnan ko naman siya, seryoso din siyang nakatingin sa akin.
"Ano bang problema? Tinawagan at tinext naman kita kanina. Hindi ka sumasagot at nag re-reply" Sabi niya.
"Ah tumawag ka na at nag reply dahil hindi na kayo kasama ni girlfriend number two? Ay teka. Pang ilang girlfriend mo siya? Tapos ako pang ilan din? Sipag mo naman mag girlfriend, andami" Sabay kuha ko ng braso ko sa kanya at padabog na lumakad ulit.
Halos nagmura ako ng hinigit na naman ako ni Denzel ng pwersahan.
"What did you say?" Sumingkit ang mga mata niyang tanong sa akin. "Alam mong ikaw lang ang girlfriend ko, Celestine. Ikaw lang ang mahal ko."
"How could a heart like yours ever love a heart like mine?" Nakangisi kong tanong. Parang naguluhan naman siya. May history nga pala siya na bilang playboy. Ang bilis ko naman nakalimutan iyon.
"Celestine what's the problem?" He asked.
"Problem? Ask your other girlfriend!" I said and pull my arm back.
Halos ako ang nahihiya kay Denzel. Tinatawag tawag niya ang pangalan ko. May mga estudyante pa at mga higher level ito sa akin kaya nakakahiya.
"Damn it!" Sabi niya at hinila na naman ako. Ngayon pwersahan na.
"Ano ba!" Sabi ko. "Bitawan mo nga ako!" Pagpapalag ko. He was stuck in my thoughts every minute of the day but he don't give a shit because he was busy on entertaining someone else.
"Denzel----" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng diniin niya ang labi niya sa labi ko. Halos nagulat ako. Na sa gitna kami ng University, may mga taong dumadaan, may mga taong nakatingin. Oh my gaaadd!!
"Now you're calm" Sabi niya at binuhat ako. Halos hindi ako nakagalaw. Nabigla ako. Hindi kami nag P-PDA ni Denzel sa University. Minsan mga simpleng gestures lang pero yung nag kiss kami dito? What the?
Nabalik na langa ko sa huwisyo ko ng sinara niya ang pinto ng kotse niya ng malakas.
"Now what's the problem?" He asked with his serious voice.
Minsan ang pagiging Kuya ni Denzel ay nadadala niya sa aming dalawa. Matanda nga siya ng dalawang taon sa akin. Para akong bata kapag pinapagalitan niya.
"Answer me. Naging ganyan ka na lang. Wala naman akong ginawa" Sabi niya. Tiningnan ko naman siya at seryoso din ang mga titig niya.
Parang gusto ko siyang suntokin.
"Celestine! I am asking you!" Sabi niya.
"Naglaro ka ng billiards kanina?" Tanong ko habang nakatingin ng diretso.
"Yes. Kami nina Christian"
"Iniwan mo phone mo sa babae?"
"Oo kay Kristine" What the hell? May Tine din yung babae na sumagot ng tawag ko at girlfriend din siya ni Denzel!
"Girlfriend mo daw siya? Hilig mo pala sa may mga Tine" Nakangisi kong sabi sabay punas ng luha na tumulo sa mga mata ko.
"What?" Mahinang sabi ni Denzel. Hindi ko na siya sinagot at patuloy ako sa pag punas ng luha ko.
"Hey.. Baby..." Tawag ni Denzel sa akin at pilit na kinukuha ang palad ko sa mukha ko.
"You're my only girlfriend, Celestine. Ikaw lang ang may Tine na sobrang mahal ko"
"You played again" I said between my sobs. Naramdaman ko namana ng pag yakap ni Denzel sa akin.
"And you didn't trust me again" He said. "Kristine Co is Christian's twin. She is just my friend, baby. Hindi ko siya girlfriend. Maniwala ka sa akin. Ang hilig niya lang kasing mantrip, akala niya kasi playboy pa din ako at may mga babae pa din" Dagdag niya. Patuloy lang ako sa pag iyak at nakabaon lang ang ulo ko sa dibdib niya.
"Baby.. Don't cry.. You're the one I really love. You're my one and only. You're my forever. You're my lifetime. You're my girl alone, Celestine. My one and only Celestine"
Hindi naman ako sumagot. Mas lalong humigpit ang yakap ni Denzel sa akin.
"Wag ka ngang maniwala sa iba. Sa akin ka lang maniwala. Kasi kung talagang girlfriend ko siya at kasama ko siya kanina, hindi na kita sinundo pa" Patuloy lang ako sa pag hikbi. Hinalikan naman ni Denzel ang ulo ko ng ilang beses.
"You're the only one who is allowed to be Mrs. Denzel Ferguson, baby. No other girl, just you."
***
Hindi ko pa din pinansin si Denzel kahit ang gaan ng mga sinasabi niya. Hindi ko alam, nag-iinarte na naman siguro ako.
Ng pinark na niya ang sasakyan niya sa labas ng bahay, hindi ko pa din siya pinansin. Mukhang naiinis na ito. Kinuha niya naman ang cellphone niya at may dinial dito.
Sino naman kaya tatawagan niya?
"Hello Kristine?" Napatingin naman ako sa kanya. "What the fuck did you do? You're a witch! Talk to her and say sorry!" Inis na sabi niya sa kabilang linya. Nilahad niya naman sa akin ang iPhone 6 plus niya. Tiningnan ko naman iyon at nandoon nga ang pangalan ni Kristine.
"Answer it" Utos ni Denzel. Umiling naman ako. Wala siyang choice kaya niloudspeak niya.
"Speak now, witch" Denzel.
"I am not a witch, asshole! Mabuti nga yan na galit girlfriend mo sa'yo para karmahin ka! Langya ka!"
"Naka loudspeak na 'to! Naririnig ka na niya!" Inis na sabi ni Denzel.
"Okay!... So hi Denz's girlfriend. I am so sorry. Akala ko kasi nagloloko lang si Denzel. Magkaiba kasi kami ng University at hindi ko alam nagse-seryoso na siya. I am really sorry, I hope you forgive me kahit siya wag na. I just want to clear things to you. And he's really serious about you ikaw pala ang bukambibig niya sa akin kanina"
"Uhmm.. Ahh.. O-Okay na" Nauutal kong sabi. Tiningnan ko naman si Denzel at nakatingin din siya sa akin. Umiwas naman kaagad ako ng titig.
Pinatay naman ni Denzel ang tawag at kinuha ang palad ko at nilagay doon ang cellphone niya.
"Let's exchange phone for a month. Ikaw bahala sa ma nagte-text. Naka log in lahat ng social accounts ko diyan. Feel free to check it too, baby" He said and it touched my heart.
"Wa-Wag na" Sabi ko.
"Wag na tayong mag away Celestine. Let's exchange for a month. Kahit alam kong wala ka namang ine-entertain at tinatago sa akin" Of course! Wala talaga!
"Denzel..."
"I want a relationship with no doubt, baby. After this, promise me you will trust me and you will always remember that I am only in love with you. So much."
I bit my lower lip to hide my smile. I nodded at Denzel. Tumango din siya at hinalikan ako sa labi.
Pagpasok ng bahay, tiningnan ko naman ang phone niya. Nilapag ko muna iyon sa kama ko at nag-ayos. Mamaya ko na lang i-check.
Handa na ba ako kung may makita man ako sa phone niya?
BINABASA MO ANG
Love Wins
Teen FictionLumaki si Denzel Ferguson na may kumpleto at masayang pamilya. Halos nakukuha na nito ang lahat, yung I don't work for life, life works for me ay napapatunayan niya. Money, girls, and everything. Halos lahat nakukuha niya. Naniniwala ito sa tunay na...