Chapter 3

396 12 0
                                    


"Kuya" "Denzel" Sabay naming tawag ni Cyril sa kapatid nito.

"Mom. Dad. If you ask me why I am busy these past few days, it's because of her. Celestine Gomez" And again, my jaw dropped.

"Si Denzel, magseseryoso na?" Hindi makapaniwalang tanong ng Tito Tommie nila.

"Of course Tito. It's all because of her" Sabi ni Denzel. Napatingin naman ako sa kanya, kumindat naman ito sa akin. Naramdaman ko naman ang pagkawala ng mga paro paro sa tiyan ko.

Naghiyawan naman sila doon.

"Denzel Ferguson for three!" Sigaw ng Tito Nick nila. I heard Cyril cussed.

"Ah.. E-Excuse me po, washroom po ako. Denz pasama" Sabi ko at hinigit siya. Kinaladkad to be exact.

"What the hell was what!?" Inis kong tanong sa kanya. Nag kibit balikat naman ito.

Tinulak ko naman siya at umalis doon. Padabog akong lumabas ng bahay nila, hanggang sa papunta ng gate. Peste yun! Nakakabanas!

"Wait!" Hila nito sa akin ng nakalabas na ako ng gate nila.

"Ano ba! Hindi magandang biro yun! Kung iinisin mo ako wag yun! Pinahiya mo ako!" Sabi ko.

"Pinahiya? Hindi ba dapat magdiwang ka kasi pinakilala kita?"

"Hell no! Para ano? Dahil pinakilala mo akong girlfriend mo? Asa ka! Hinding hindi kita magiging boyfriend!" Sigaw ko sa kanya at hinatak ang kamay ko doon at sinimulang umalis ulit pero hinigit niya lang ako ulit.

"Ano ba!?" Sigaw ko.

Lumapit naman siya sa akin at sobrang lapit na ng mukha naming dalawa, nakasuporta naman ang isang kamay niya sa likod ko. Sobrang seryoso ng mukha ito. Ang makakapal niyang kilay, ang kumikislap niyang mga mata, ang matangos niyang ilong, ang lips niyang napakalalaki talaga, at isa na din yung bango niya.

"Kakainin mo din yang sinabi mo, Celestine" Madiin nitong sinabi.

Napalunok naman ako.

"Hindi ka pa nga nahahalikan, natutulala ka na. Paano pa kaya kapag tumama na?" Sabay layo niya at ngisi. Sumingkit naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Ang taas talaga ng tingin sa sarili!

"Hintayin mo ako diyan, ihahatid kita. Wag ka ng tumakas pa, hahabolin at hahabolin kita" Sabay kindat nito at tumalikod na.

Naiinis ako! Naiinis ako kasi biglang tumibok ng mabilis ang puso ko! At mas lalo akong naiinis kasi pwede naman akong tumakbo at umalis na lang dito pero hinintay ko talaga siya!

Ughhh!

Binuksan naman ni Denzel ang front seat gamit ng na sa loob, pumasok naman ako doon. Na conscious naman ako bigla.

Walang nagsalita sa aming dalawa hanggang sa hinatid niya ako sa bahay. Nagpasalamat lang ako at lumabas. Mabilis niya ding pinaharurot ang sasakyan niya.

***

"Sorry talaga sa ginawa ng Kuya ko nung Friday night, Tine"

"Ano ba Cy. Ilang beses na sorry na yan" Natatawang sabi ko. "Gaya nga ng sabi mo, may lahing abnormal yang kapatid mo"

"Ganyan lang kasi talaga yan. Ang hilig mantrip" Sabi nito.

Tumango lang naman ako. Sabay naman kami ni Cyril na kumain, pero nagpaalam akong aalis ako para umuwi dahil walang akong kaming next class.

"Hatid kita gusto mo?" Tanong nito. Umiling naman ako.

"Nako Cyril, wag na. Kaya tayo natutukso sa classroom eh" Natatawang sabi ko. Tumawa din ito.

Love WinsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon