Chapter 1
"So... that's it? 'Yon na ang plano bukas?" tanong ni Blaire.
We're having our group meeting. Nakakainis lang na dalawang linggo palang ang nakakalipas nang magsimula ang pasukan, ang dami na agad pinapagawa sa amin. Mga sabik ata ang mga guro namin para pahirapan kami.
Well, ayos lang naman. Dalawang taon nalang naman ang kailangan naming tiisin at graduate na kami sa high school. I'm now a 3rd year high school student sa San Nicholas High School.
"Well, yeah. All we have to do is to sing," sagot sa kanya ni Fred, ka-group ko.
"Yeah. Kaya naman nating kumanta. Ayos lang 'yon. Laban na!" sang-ayon naman ni Freia.
"Gusto ninyo bang mag-practice?" singit ko sa kanila. "Dala ko naman itong gitara ko. So..." dagdag ko pa na ipinapakita sa kanila ang aking gitara. Buti nalang at palagi kong dala ang gitara ko. Pwede kaming mag-practice.
"Ayon naman pala! Practice tayo, guys! Aba'y bukas na natin ipeperform 'to." Tumingin ako kay Blaire. Mukhang problemadong-problemado, e. Natawa tuloy ako.
"Ano ka ba, Blaire. Mukha kang ano dyan. Magaling ka namang kumanta, e." Natatawa pa rin ako. Ewan ko ba dyan sa babaeng 'yan. Magaling namang kumanta, ayaw niya lang talagang may makakapanood sa kanya kahit pa kami-kaming mga kaklase niya.
She crossed her arms then pout. Isip-bata talaga. Napailing nalang ako. Nakita ko ring napailing sila Fred at Freia.
Nagpractice na kami ng kantang kakantahin namin bukas. Isang kanta lang naman 'yon. Matapos ang ilang ulit na practice ay saka na kami nagpaalam para umuwi. Hindi kasi kami magkakasabay. Actually, ako lang ang hindi kasabay ng tatlo dahil iba ang daan ko pauwi.
Naglalakad lang ako tutal malapit lang naman ang bahay namin sa school. Isa pa, gustong-gusto kong naglalakad tuwing hapon para makatambay ako kahit saglit lang sa park malapit sa amin.
Sa bawat hakbang ko, hindi ko maiwasang mapatingin sa paligid ko. Marami ring naglalakad ngayon, halos mga ka-edad ko lang din.
Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na ang park. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti tuwing mapapadaan ako dito.
May kalakihan ang parke. Sa gitna noon ay isang fountain na pinalilibutan ng mga bulaklak. Pinalilibutan din ng iba't ibang bulaklak ang ibang bahagi ng parke. May mga bench din na pwedeng maupuan. May mga naglalakihan ding mga puno ng mangga na pwedeng masilungan. Isa sa pinakagusto ko dito ay ang mga paru-parong nagliliparan.
Ang ganda talaga ng park na ito.
Naupo ako sa isang bench na malapit sa fountain. Napatingin naman ako sa langit. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Papalubog na ang araw. Sunset.
I love sunset. Gustong-gusto ko ring napapanood ang paglubog ng araw. Mula sa kinauupuan ko ay kitang-kita ko iyon. Hindi ko na naman maiwasang mapangiti.
I'll never get tired watching the sun as it sets.
Kinuha ko ang gitarang dala ko mula sa lalagyan. I want to sing. And that's what I did.
I start to strum the guitar.
Loving you, has never felt more right this night.
Love is falling from the skies, with heaven in your eyes.
I always knew it would come down to you and I.
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?
