Chapter 32
Agad akong tumalikod at tinahak ang ibang direksyon papunta sa classroom namin. Nakita ko kasing makakasalubong ko si Yaj.
It has been two weeks mula nang iwasan ko siya. It's hard, really, lalo pa at ang liit lang ng mundong ginagalawan namin. Halos lagi ko pa siyang nakikita.
There were times na feeling ko gusto akong kausapin ni Yaj at gumagawa ako ng paraan para hindi mangyari yun. At sa tuwing iiwasan ko siya, nasasaktan ako.
I miss him. I miss talking to him. I miss his annoying voice. I miss everything about him pero wala akong magawa kundi ang iwasan siya. Yes, it hurts pero alam kong para sa akin din naman iyon.
I looked back at him. He's looking around, para bang may hinahanap siya.
I sighed then continue walking to my classroom.
Nadatnan ko ang mga kaklase kong maingay na naman at may kaniya-kaniyang ginagawa.
“Uy, Liel!” tawag sa akin ni Freia. Kasama niya sila Blaire at mukhang may pinag-uusapan sila.
Nilagay ko muna ang mga gamit ko sa upuan ko at saka lumapit sa kanila.
“Anong meron?”
Freia beamed. “Wala naman. Nag-uusap lang kami tungkol sa bakasyon. Yay!”
Oo nga pala. Ilang linggo nalang at tapos na ang klase. Wala na kaming masyadong ginagawa ngayon at mukhang pati mga teacher ay tinatamad nang magturo.
“Eh? May plano ba para sa bakasyon?” tanong ko ulit. Nung nakaraan kasi ay nag-swimming kaming buong section.
“Yep! Tulad pa rin nung dati kaya lang...” Hindi niya tinapos ang sinasabi niya, para bang nag-aalangan siyang sabihin sa akin.
Nagtaka naman ako dahil doon. Anong meron?
“What? Go on. Ituloy mo na.” I urged. She looked at Blaire as if asking for help.
“Sabihin mo na. Malalaman din naman niya,” kibit-balikat niyang sabi.
Narinig ko ang paghinga ng malalim ni Freia.
“Magkakaroon tayo ng swimming...kasama ang section B.”
I stiffened. Images of what would happen during that outing came flashing on my mind.
“B-bakit kasama s-sila?” I stuttered.
“Mas masaya daw kasi 'pag marami tayo,” Blaire answered in a flat tone.
Hindi ako makahinga. Ang daming pumapasok sa isip ko.
“Hindi ako sasama...” nasabi ko bigla. Napailing naman si Freia.
“Wag kang KJ, Liel. Sumama ka.”
Umiling din ako. “Ayoko.”
“Bakit? Ang KJ mo! Dati naman sumasama ka, ah?” I glared at her. Nakalimutan niya yata kung anong posible kong dahilan kung bakit ayaw kong sumama.
“Alam ko kung bakit ayaw mong sumama.” Napatingin ako kay Blaire. “Hindi habang-buhay kang patuloy nalang na iiwas, Liel. Wala namang mangyayari kung patuloy mong gagawin yun. You have to face it, Liel. Face him.”
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong maidepensa sa sinabi ni Blaire. I know she has a point, lagi naman.
“Oo nga pala,” sabat ni Fred na ngayon lang umimik. “Hinahanap ka kanina ni Yaj.”

BINABASA MO ANG
For the First Time
Ficção AdolescenteHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?