Chapter 23

134 8 2
                                        

Chapter 23

"TAYA!"

Napapangiti na lang ako nang mapatingin ako sa mga batang masayang naghahabulan sa kalye. Mabuti na lang at walang masyadong nagdadaan na mga tricycle kaya malaya silang nakapaglalaro. Naalala ko tuloy noong kasing edad lang nila ako. Katulad din nila ako noon.

Saglit ko pa silang pinanood bago muling ibinalik ang tingin ko sa hawak na gitara. Nandito ako sa harap ng bahay namin at nakaupo. Kanina ay tumutugtog pa ako habang nag-iisip-isip. Tumigil lang ako saglit.

Nag-i-strum lang ako sa gitara ko nang may biglang pumasok na kanta sa isip ko. Nangingiting tinugtog ko 'yon.

"Nakatulala tuwing gabi, iniisip ang iyong mga ngiti. Damdamin ay hindi mapakali, ang puso ay bumibilis ang pintig..."

Nakangiti lang ako habang kumakanta. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Ang alam ko lang, nang maisip ko ang kantang ito, si Yaj na ang unang pumasok sa isip ko.

Speaking of Yaj, mula noong nagcelebrate kami ng Pasko na magkasama ay naramdaman ko na unti-unti na kaming bumabalik sa dati. Nandyan na naman yung asaran namin, pati na rin ang kakulitan ni Yaj ay bumalik. Pero hindi naman nawala sa isip ko ang mga nangyari, lalo na noong Pasko.

Isa lang ang masasabi ko. Masaya ako sa kung ano ang mayroon sa akin ngayon kahit pa marami pa ring gumugulo sa isip ko.

♪ Naisip kong sumulat na lang,
Doon ko ipahiwatig sa 'yo.
Damdamin kong hindi mapakawalan,
Hanggang tingin na lang ba ko sa 'yo... ♪

Agad kong hinanap kung sino ang bigla na lang kumanta ng susunod sanang lyrics.

Pinilit kong pigilan ang nagbabadyang ngiti sa aking mga labi.

Standing in front of me is Yaj looking handsome as ever. Kahit simpleng damit panlarong basketball lang ang suot niya, sa paningin ko ay ang gwapo pa rin niya.

Iba talaga ang epekto sa akin ng lalaking ito.

"Ano namang ginagawa mo rito?" kunwaring asar na tanong ko sa kanya. Sinamahan ko pa 'yon ng pag-irap.

"Masama na palang pumunta dito sa inyo?" natatawang tanong rin niya.

"You're crazy."

"Neoege michida."

Napakunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Isama pa ang dahilan na nang sabihin niya iyon ay kinindatan pa niya ako.

"Ano namang pinagsasasabi mo? Alien ka ba?" kunot-noo pa rin na tanong ko. Natawa naman siya.

"Wala ka pala, e."

"Ano ba kasi 'yung sinabi mo? Minumura mo ko?" asar pang tanong ko ulit.

"Wala. Wala." Umasta pa siyang parang balewala lang ang sinasabi niya.

"Ano ba kasi 'yon? Anong salita? Saan mo natutunan?"

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung anong ibig sabihin ng sinabi niya. Iba kasi ang pakiramdam ko do'n e.

Umasta ulit siya na parang nag-iisip naman ngayon. "Kay Ate ko natutunan 'yon. Palibhasa kasi mahilig siyang manood ng drama na iba ang salita."

"So, ano ngang ibig sabihin no'n?"

"Secret," nakangisi niyang sagot. Inirapan ko naman siya. "Pahiram na nga lang niyang gitara mo."

Agad niyang kinuha ang gitara ko. Naupo siya sa tabi ko at saka yumuko upang tingnan ang gitara. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na sinusundan ng tingin ang bawat galaw niya.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon