Chapter 24

134 8 1
                                        

Note: It's been a month, mga bes! Pasensya na't bigla akong hindi nakapag-update. But now, I am back!

Enjoy reading! Mwa! 😘

***

Chapter 24

LUMIPAS ang buong araw na nagpapaulit-ulit pa rin sa isip ko ang naging pag-uusap namin ni Yaj. Paulit-ulit na sumasagi sa isip ko ang hitsura niya. Kung paano siyang natigilan. Kung paano siyang hindi nakapagsalita. Kung paanong nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Lahat 'yon. Lahat-lahat.

Ganoon pa man, pinilit kong gawing abala ang sarili ko. Hanggang sa nakatulugan ko na lamang ang lahat ng iniisip ko.

MAGKAKASUNOD na katok sa pinto ng aking kwarto ang gumising sa akin. Narinig ko rin ang pagbukas niyon matapos ang pagkatok.

“Bumangon ka na r'yan, Liel! Tanghali na!” narinig kong sigaw ni Kuya.

Sa inis ko ay binato ko siya, nang hindi tumitingin sa kanya, ng unan na nakuha ko.

“Umalis ka nga rito! Nakakainis ka, Kuya!”

“Gumising ka na, panget!” mas malakas pang sigaw niya, hindi pinansin ang sinabi ko.

“Oo na! Oo na! Panira ka ng araw, aba!”

Inis akong bumangon at naupo sa kama habang kinukusot-kusot ko pa ang mata. Tiningnan ko nang masama si Kuya na nakatayo sa may pinto at ngingisi-ngisi. Nakakaasar ang mukha niya! Inambahan ko siya na babatuhin ng alarm clock na nasa side table ko. Mabilis naman siyang umalis.

Kahit kailan talaga si Kuya, nakakainis. Napapailing nalang ako sa naisip.

Kahit inaantok pa ay pinilit ko ang sariling kumilos upang mag-ayos. Ilang minuto ang lumipas at natapos na ako.

Wala sa sariling bigla akong napatingin sa cellphone ko na nakapatong sa side table.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Sa loob-loob ko ay umaasa akong tutunog 'yon at makikita kong si Yaj ang tumatawag. Para akong baliw. Tanga. Na matapos nung nangyari sa amin kahapon ay umaasa pa rin ako ngayon na baka sakali–baka lang naman–ay kukulitin niya ako hanggang sa maging ayos na ulit kaming dalawa.

Baliw ka na ngang talaga, ani isang tinig sa isip ko.

Huminga ako nang malalim at napapikit. This is the last day of the year, Liel. Might as well enjoy it and make it a day to remember.

Bumaba na ako at dumiretso sa kusina. Doon ay naabutan ko si mama na busy'ng busy na agad sa paghahanda para mamaya sa pagsalubong sa bagong taon.

“'Morning, Ma,” bati ko. Nag-angat siya ng tingin sa akin.

“Good morning din, 'nak.”

Agad din niyang ibinalik ang tingin sa ginagawa. Ako naman ay nagsalin ng tubig sa baso at ininom 'yon. Matapos 'yon ay muli akong bumaling kay mama.

“May maitutulong ba ako, Ma?”

Hindi niya ako nilingon. “Ikaw na ang bahala sa graham, 'nak.”

Napangiti ako sa sinabi niya. “Oh, sure!” masayang pagpayag ko.

Agad kong hinanda ang mga kakailanganin ko sa paggawa ng graham. Bigla akong naexcite! 'Yon kasi ang pinakagusto kong gawing dessert. Specialty ko 'yon, kumbaga.

Nang magsimula ako sa paggawa, sinabayan ko rin ng pag-hum ng kanta. Nagsisimula na akong mag-enjoy sa ginagawa.

“Liel, imbitahan mo ang mga kaibigan mo na pumunta rito bukas. Paniguradong hindi natin mauubos itong ihahanda natin kaya papuntahin mo sila rito,” bigla sabi ni mama.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon