Chapter 20
"NATULALA ka na d'yan?" untag sa akin ni Freia.
Hindi ko mapigilan ang hindi mapatulala. Hanggang ngayon, naglalaro pa rin sa isipan ko ang sagot kanina ni Yaj. Pinilit kong ipagsawalang bahala 'yon pero wala.
Ayoko mang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan. Nasaktan ako sa sinagot niya. Ang dating kasi sa akin noon ay parang nagsisisi pa siya na nakilala niya ako.
Ano na bang nangyayari? Napag-iiwanan na yata ako. Hindi ko na alam ang nangyayari sa paligid ko.
"Liel, ano ba? Kung ayaw mong kainin 'yang pagkain na yan, akin na lang. Hindi 'yung pinaglalaruan mo lang." Akmang kukunin na niya ang pagkain ko nang mapigilan ko iyon.
"Kakainin ko 'to. Ikaw talaga, ang takaw mo para kang kakambal mo." Pinasigla ko ang boses ko para hindi niya mapansin na wala na ako sa mood.
Saglit niya akong tinitigan. Nag-iwas naman ako ng tingin at ibinaling na lang iyon sa pagkain ko. Nandito kami sa isang fast food chain ng mall para saglit na kumain at magpahinga. Maraming tao. Maingay ngunit hindi namin iyon alintana.
"Hindi ka okay," Blaire stated as a matter of fact. Muntik na akong maiyak nang sabihin niya iyon. Kilalang kilala niya talaga ako.
Ngumiti ako sa kanya. "Okay lang ako. Paano namang magiging hindi?"
"Huwag kang ngumiti kung hindi mo kaya, nagmumukha ka lang ewan."
Tuluyan nang nawala ang ngiting ipinapakita ko. Hindi ko na napigilan ang mga luhang kusang umalpas sa mga mata ko.
"Sabi na, eh. Tama ang hinala ko." Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Freia. Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ngayon, kailangan ko lang gawin ay umiyak.
"Si Yaj, 'di ba?"
Ang simpleng marinig lang ang pangalan niya ay lalong nakapagpabigat ng nararamdaman ko.
"Bakit gano'n? Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Hindi ko alam kung may nagawa ba ako? Pakiramdam ko kasi may nagawa akong kasalanan. Hindi niya ako pinapansin. Ni hindi niya ako kinakausap. Parang dati naman..." Pinunasan ko ang luhang patuloy na tumutulo sa aking mga mata. "Tapos... 'yung sinabi pa niya kanina. Parang isang malaking pagkakamali pa na nagkakilala kaming dalawa, gano'n ba yun? Bakit ba gano'n siya? May nagawa ba ako sa kanya? Sana man lang sinabi niya sa akin. Hello! Siya nga 'tong lapit nang lapit noon sa akin," pagak akong napatawa. Nababaliw na ako sa kaiisip.
"Tama na 'yan. Huwag mo nang pakaisipin pa si Yaj. Ano naman ngayon kung hindi ka niya pinapansin? Kung hindi ka niya kinakausap? At ano naman sa 'yo kung ganon ang naging sagot niya? Wala naman dapat 'yun sa 'yo 'di ba? Bakit? May gusto ka ba sa kanya?" Maang akong napatingin kay Blaire. Tama naman siya. Wala naman dapat sa akin 'yon. Wala. "Baka naman kaya ka nagkakaganyan dahil nasasaktan ka? Mahal mo na?"
![](https://img.wattpad.com/cover/72981128-288-k194017.jpg)
BINABASA MO ANG
For the First Time
Fiksi RemajaHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?