Chapter 7

143 11 3
                                    

Chapter 7


"Gotcha!"

Nagulat ako nang biglang may umakbay sa akin. Tahimik akong naglalakad pauwi nang maramdaman ko iyon at marinig na may sumigaw. Nang makilala ko ang boses na iyon, bigla akong natigilan.

Oh, my!

"Ang tagal kitang hindi nakita, ah," ani Yaj. Oo, siya nga. "Halos isang linggo na rin pala. Tell me, Liel. Pinagtataguan mo ba ako?"

Napalunok ako dahil sa tanong niya. Nakita kong kunot na kunot na ang noo niya at halos magdikit na ang mga kilay niya. Heto na naman tayo. Ang seryoso na naman niya.

"H-hindi naman, Yaj..." nauutal pang sagot ko. Nanatili siyang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.

Naiilang ako sa tingin niya na parang binabasa ang kung anumang nasa isip ko.

"Really? You're not a good liar."

Napasinghap ako sa sinabi niya. He can read me now? I admit, pinagtataguan ko nga siya. Ayoko siyang makita kahit man lang ng ilang araw. Ayokong madikit sa kanya. May mga bagay kasing gumugulo sa akin at hindi nakakatulong ang palagi akong malapit kay Yaj. Siya kasi ang dahilan ng mga bagay na gumugulo sa akin.

But I'll not tell it to him. I will never tell him.

Inismiran ko siya upang mapagtakpan ang gulat sa mukha ko. "Bakit naman kita pagtataguan, aber?" Humalukipkip pa ako sa harap niya. Bumuntong-hininga naman siya bago nagsalitang muli.

"I don't know. Pakiramdam ko kasi..." Pinutol ko na ang kung anumang sasabihin pa niya.

"Don't overthink things, Yaj. Just because you didn't see me for almost a week, doesn't mean I am hiding from you." Iiling-iling pa ako habang nakatingin sa kanya. "At isa pa, hindi sa lahat ng oras dapat lagi mo akong nakikita o kasama. Huwag mong paikutin ang mundo mo sa akin. May mga bagay na, sa tingin ko, ay mas mahalaga kaysa sa akin. Besides, we're just friends."

Okay. Why does it hurt when I said the words "we're just friends"? Tila may mumunting bagay ang tumusok sa puso ko nang bitawan ko ang mga salitang iyon, parang hindi ko matanggap na magkaibigan lang kami. Lalo pang nadagdagan ang kirot sa dibdib ko nang makita ko ang hitsura niya.

Bakit parang nasaktan siya? Bakit parang ang lungkot niya? Bakit?

Inalis ko iyon sa isipan ko. Siguro'y guni-guni ko lang iyong nakita ko lalo pa't bigla rin naman iyong naglaho. Napalitan agad ang emosyong bumalatay sa kanyang mga mata.

"Hindi ko naman pinapaikot ang mundo ko sa'yo. Ikaw lang ang nakaisip niyan. Baka naman..." aniya. Ngumisi pa siya habang tinataas-baba ang kilay niya. It's his playful side again. Inirapan ko naman siya saka siya tinalikuran. Nakakainis talaga ang lalaking iyon! Nagsimula na ulit akong maglakad pauwi. Bahala siya sa buhay niya!

Maya-may pa'y naramdaman ko na siya sa tabi ko. Palibhasa'y ang lalaki niyang humakbang kaya agad akong naabutan.

"Saka, Liel, we are not just friends. We're more than that." Umakbay pa siya sa akin. Napatingin naman ako sa kanya. Nakatingin rin pala siya sa akin, nakangiti pa siya.

Heto na naman ang puso ko, nagugulantang na naman.

"E-eh?"

Lalo pang lumawak ang ngiti niya. "We're best friends, remember?" Ginulo pa niya ang buhok ko pagkasabi niyon.

Para namang akong binagsakan ng kung ano nang marinig ko ang sinabi niya. Right. Para sa kanya, best friend niya ako.

Bakit? Ano ba sa tingin mo ang dapat niyang sinabi? Tanong ng tinig sa isip ko.

Wala. Nevermind.

Tinapik ko naman ang kamay niyang ginugulo ang buhok ko. "Whatever!"

Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Napakaraming kinukwento ni Yaj sa akin. Ni hindi ko naman masyadong maintindihan ang mga iyon. Pakiramdam ko nga ay para akong wala sa sarili. Ewan ko kung bakit.


***


Sunday.

Maaga akong nagising para makapaghanda sa misa. Nakagawian na naming pamilya na magsimba nang sama-sama.

Halos isang oras ang itinagal ko sa pag-aayos. Nang matapos ako ay bumaba na ako. Naabutan kong nakaayos na rin sila mama at papa, pati na rin si kuya.

"Oh, ayan na pala si Liel," ani papa nang makita ako. "Tara na't baka mahuli tayo sa misa."

"Mabuti pa nga. Bweno," pagsang-ayon ni mama. Umabrisiete pa siya sa braso ni papa at nauna nang lumabas. Kasabay ko naman si kuya.

"Ang panget mo talaga, bunso." Nagsimula na naman si kuya sa pang-aasar sa akin. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Kung panget ako, gano'n ka rin!" Nakangusong sabi ko at inirapan siya.

"Hindi rin." Humalakhak pa siya. Hindi ko nalang pinansin. Wala kasing magawa sa buhay kaya ako ang pinagdidiskitahan.

Halos magsisimula na ang misa nang makarating kami. Agad kaming humanap ng mauupuan. Dahil apat lang naman kami, may space pang natira sa tabi ko na pwedeng maupuan ng siguro ay tatlong tao.

Inilibot ko ang paningin sa loob ng simbahan. Wala namang nabago sa simbahan ngunit hindi ko maiwasan ang paglibot ng tingin ko. Para akong may hinahanap na hindi ko alam kung ano. Nagkibit-balikat nalang ako sa naisip. Lately, nagiging weird na ako.

Nagsimula na ang misa. Tahimik lang akong nakikinig at ang atensyon ko ay sa harap lang nakatuon. Ni hindi ko na nilingon ang taong naupo sa tabi ko.

Nasa parte na ang misa kung saan magsasabihan ng 'peace be with you'. Naririnig ko na ang ilan na sinasabi iyon sa kanilang mga katabi. Tumingin ako kila mama at papa.

"Peace be with you, ma..." utas ko sabay halik sa pisngi niya. Gano'n din ang ginawa ko kay papa. "Peace be with you, pa." Tiningnan ko si kuya. Ngumiti siya sa akin.

"Peace be with you, bunsong panget," aniyang nakangiti saka marahang tinapik ang ulo ko. Napangiti ako. Hindi showy si kuya pero alam kong mahal niya kami. Siya 'yong kuyang nakakainis pero kapag may nanakit sa'yo, siya ang unang magtatanggol sa'yo.

Nilingon ko ang katabi ko para kahit papaano'y mabati rin. Nakangiti pa ako nang humarap sa kanya para lang magulat sa mukhang nabungaran ko.

"W-what---?" Hindi ko matapos ang kung anumang sasabihin ko. Ngumiti ang lalaking katabi ko.

"Peace be with you, bes." Tinapik din niya ang ulo ko.

"Y-yaj..."

Gulat pa rin ako. Hindi ko inaasahan na siya ang katabi ko. I mean, yes, maaaring nandito rin siya para magsimba ngunit hindi ko inaasahan na sa dami ng pwedeng maupuan ay sa tabi ko pa.

Napatingin ako sa tabi niya. Nakita kong nakangiting nakatingin sa akin ang mga magulang niya, pati ang kanyang ate.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon