Chapter 11

121 9 3
                                    

Chapter 11


"In love ka na ba kay Yaj?"

That question caught me off guard. Hindi ako nakapagsalita. Ni hindi rin ako nakagalaw sa kinauupuan ko.

Bakit naman ako tinatanong ni Blaire ng gan'yan?

Ako? In love na? Kay Yaj?

Tiningnan ko ang kambal na sina Freia at Fred. Nakatingin lang din sila sa akin, tila hinihintay ang isasagot ko sa tanong ni Blaire.

"In love ka na ba sa kanya, Liel?" tanong ulit ni Blaire. Napaisip ako.

Aaminin ko. Sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Yaj, ramdam ko ang biglang pagtalon ng puso ko. Sa tuwing makikita, makakasama o malapit siya sa akin, bumibilis ang tibok ng puso ko. Nariyan din ang nararamdaman kong tila mga paru-parong nagliliparan sa loob ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman, ni hindi ko alam kung anong tawag sa nararamdaman ko. Hindi naman ako nagkakagano'n pagdating kay Fred.

Ngayon, kung sasabihin ko sa kanila - sa mga kaibigan ko - ang nararamdaman kong ito, masasabi ba nila kun ano ito? Is it love already? Sapat na bang basehan ang nararamdaman kong iyon para masabing in love na ako kay Yaj? Sapat na ba iyon?

Muli ko silang tiningnan. Nakatutok pa rin sa akin ang kanilang atensyon. Sa halip na sagutin ko ang tanong na iyon, mas pinili ko na lang na tumayo at umalis sa lugar na ito.

Sa paglalakad ko ay napadpad ako sa field. Huminto ako nang mapatapat ako sa isang bench na naroon. Umupo ako doon. Malayo ang kinauupuan kong ito sa may puno kung saan lagi kaming tumatambay nila Yaj.

Tinanaw ko ang malawak na field. May mangilan-ngilang estudyanteng kumakain na nakaupo rin sa ibang bench.

Ang taas ng sikat ng araw. Mabuti nalang at may puno akong nasisilungan dito kaya hindi ako naiinitan.

Pumasok na naman sa isip ko ang tanong kanina ni Blaire. Kung sasagutin ko ang tanong na iyon, baka ang maisagot ko ay 'hindi ko alam' at sigurado akong kukulitin nila ako kung bakit iyon ang sinagot ko.

Eh, sa hindi ko naman talaga alam. Ang dami kong hindi alam. Hindi ko alam kung bakit iba ang nararamdaman ko sa tuwing nand'yan si Yaj sa malapit. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman. Bakit kay Fred hindi ko iyon nararamdaman? Hindi ko alam kung anong tawag dito sa pesteng nararamdaman ko. At hindi ko alam kung bakit ko ba pinoproblema ito!

Nakakainis! Naiinis ako! Pakiramdam ko ngayon ang bobo ko kasi ang dami kong hindi alam. Unang beses ko pa lang na naramdaman ang ganito. At tanging kay Yaj ko lang naramdaman ito!

"Nakakainis! Bakit ba ginugulo mo ang isip ko?!" Naisigaw ko na sa sobrang frustration. Ayos lang naman dahil malayo sa akin ang ibang estudyante. "Nakakainis talaga!" Sinipa ko ang maliit na batong nasa paanan ko.

"Sino namang kinaiinisan mo?"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang maramdaman kong may bumulong sa may tainga ko. Napatayo ako at saka hinarap kung sino iyon.

How nice. Nasa harapan ko na ngayon 'yung taong kanina lang ay nasa isipan ko.

Naupo si Yaj sa bench na kaninang inuupuan ko. Nanatili akong nakatayo sa harap niya at pinagmamasdan ang bawat galaw niya. Muli siyang tumingin sa akin.

"Kanino ka naiinis? Uy! May kinaiinisan ka na bukod sa akin. Baka naman crush mo 'yang kinaiinisan mo!" Tinukso-tukso pa niya ako. Napailing ako.

'Kung alam mo lang na ikaw ang kinaiinisan ko baka bawiin mo iyang sinabi mong crush na 'yan.' Naisaisip ko. Sandali akong natigilan.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon