Chapter 15

111 10 0
                                        

Chapter 15

Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na kinaroroonan namin ni Yaj.

May mangilan-ngilang estudyanteng nakaupo sa hindi kalayuan. Ang ilan ay masaya pa na nagkukwentuhan. May ilan din akong nakita na sa tingin ko ay magkasintahan. Ang iba sa kanila ay nakaupo sa damuhan. At ang ilan ay nakaupo sa bench, tulad namin ni Yaj. Nakaupo kami sa bench na katapat ng isang fountain.

Kanina pa nakakunot ang noo ko mula nang dalhin ako ni Yaj dito. Tulad ng sinabi niya ay inilibre nga niya ako, ngunit hindi ito tulad ng inaasahan ko.

"Wow!" Nilingon ko si Yaj na tahimik na kumakain sa tabi ko. Lumingon din siya sa akin. "Ito na ba 'yung sinasabi mong Giardinos? Sa park? At ito na 'yung sinasabi mong ililibre mo ako? Ang galante mo, ha!" sarkastikong dagdag ko pa.

Napatawa si Yaj sa sinabi ko. Nakuha pa niyang tumawa! Sinamaan ko siya ng tingin.

Ililibre niya raw ako. Sa Giardinos. Giardinos, tunog sosyal. I had imagined the place to have a cozy ambiance. Kahit pa sa pagkakaalam ko ay walang ganoong kainan dito sa lugar namin, nag-assume pa rin ako na sa ganoong lugar ako ililibre ni Yaj. Ngunit hindi, eh. Sa park niya ako dinala.

At napakagalante nga naman talaga ng lalaking ito! Sa sobrang galante, fishball at kikiam na sinamahan ng palamig ang inilibre niya sa akin. Hindi naman sa ayoko ng pagkaing iyon, nag-assume lang ulit ako na ang pagkaing ililibre niya sa akin ay tulad ng cake man lang.

Napapala nga naman ng pag-aassume, naisaisip ko na lamang.

Napapailing na lamang ako. Sinimulan ko nang kainin ang fishball na inilibre niya.

"Sorry naman, bes." Napatingin ako sa kanya nang magsalita siya. "Nakalimutan ko na wala nga pala akong dalang pera para mailibre kita sa Giardinos. Ito lang ang kaya ko sa ngayon," bahagya niyang itinaas ang pagkaing tulad ng sa akin na hawak niya. "Hayaan mo, next time babawi ako."

Napatitig ako sa mukha ni Yaj. Nakangiti siya sa akin matapos niyang sabihin iyon. Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko, hindi lang dahil sa ngiti niya ngunit dahil na rin sa naiisip ko. Aniya ay babawi siya, next time. Ibig bang sabihin noon ay may susunod pa?

Sa isipin pa lang na iyon ay hindi ko na mapigil ang pagsilay ng ngiti sa aking mukha. Oh, my! Kinikilig ako.

"Nginingiti-ngiti mo d'yan?" untag niya sa akin. Iniiwas ko naman ang aking mukha't hindi na siya sinagot. Sa halip ay pinili ko na lamang na ibahin ang aming usapan.

"Saan nga pala 'yung sinasabi mong Giardinos? Meron ba no'n dito?" tanong ko sa kanya bago isubo ang fishball. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Oh? Itinatawa-tawa mo d'yan?"

Umiling siya. "Hindi mo alam kung saan ang Giardinos?"

Inirapan ko naman siya. "Itatanong ko ba kung alam ko naman na?"

Muli na naman siyang tumawa. Maya-may lang ay naramdaman ko na ang pag-akbay niya. Napaigtad pa ako nang gawin niya iyon. Nakakainis! Kailangan ba talaga akong akbayan?

"Alam mo kasi, bes, dapat maging gala ka minsan," natatawa niyang sabi. Sinamaan ko naman siya ng tingin at saka siniko. "Malapit lang sa simbahan ang Giardinos. Hayaan mo. Kapag nagkapera na talaga ako, ililibre kita do'n."

"Sus. Kailan pa kaya 'yun?" bulong ko sa sarili.

Matapos iyon ay natahimik na kaming dalawa. Pinagpatuloy naming kainin ang pagkaing binili niya. Sa gilid ng aking mga mata, nakikita kong napapatingin si Yaj sa paligid. Ako, kuntento na akong palihim siyang pagmasdan.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon