Chapter 31

79 6 1
                                    

Chapter 31


"Liel..."

Lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap kay Yaj nang akmang ilalayo niya ako sa kanya.

Hindi. Ayoko pang bumitaw. Ayokong makita mong nasasaktan ako. At gusto ko pang maramdaman ang init ng iyong yakap Yaj. Kahit kaunting sandali pa.

Ayoko pang bumitiw sa kanya dahil pakiramdam ko, ito na ang huling pagkakataon na mayayakap ko siya ng ganito. Pakiramdam ko, ito na ang huling pagkakataon na makalalapit ako sa kanya nang ganito.

Habang tumatagal, lalo kong nararamdaman ang sakit. Ang sakit-sakit. Sa lahat ng araw, bakit ngayon ko pa naramdaman ito?

Now, I have a reason to hate Valentine's Day.

Pinilit kong pigilin ang bawat hikbi. Kasabay niyon ay patuloy pa rin kami sa banayad na pagsayaw ni Yaj.

Walang umiimik. Tanging malalalim na paghinga ang maririnig sa pagitan namin.

Huminga ako nang malalim at nagsalita.

"C-congrats ulit sa inyo ni Allaine..." pinilit kong hindi mautal. "Iyon ba ang gusto mong sabihin sa akin? Na nililigawan mo si Allaine? Hindi mo naman sinabi agad. Nakakatampo. Akala ko ba bestfriend mo 'ko?" Pagak akong tumawa. Sana lang ay hindi niya mahalata na peke ang tawa ko.

I felt his grip tightened.

"Liel..." tanging nasabi niya.

Gusto kong matawa. Yun lang ang kaya niyang sabihin? Puro pangalan ko nalang ba ang lalabas sa bibig niya? Yun lang? Wala man lang paliwanag?

Sobra akong umasa na para sa akin yung kinanta niya kanina, na ako yung gusto niya. Alam kong mali ako dun kasi sino ba naman ang nagsabi sa akin na umasa ako? Wala naman, eh. Pero... para saan yung mga sulat? Yung mga pahiwatig? Para saan yun? Wala lang? Pakiramdam ko tuloy pinaglaruan ako ng tadhana.

Nakakaloko ka naman tadhana, eh. Bakit ako yung pinaglalaruan mo?

"Pwede na ba tayong maupo? Pagod na ako," nasabi ko nalang.

Hindi ko na hinintay ang pagsang-ayon niya. Nauna na akong bumalik sa table namin. Nadatnan ko roon ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay nakatingin sa akin, yung tingin na nag-aalala.

I smiled at them. They don't have to worry about me. Ayokong masira ang gabi nila.

"Pwede na sigurong umuwi, 'no? Magpapasundo na ako kay Kuya Levinn," parang wala lang na pahayag ko.

"Ihahatid ka na namin," alok ni Freia na sinang-ayunan nila Fred. Tiningnan ko sila at saka ngumiti.

"Hindi na. Enjoy the night! 'Wag niyo na akong alalahanin."

I started to type a message for Kuya Levinn. Nang matapos ako ay agad kong sinend iyon.

I looked around.

Ang saya ng lahat. Tanging ako lang yata ang hindi kaya mas mabuti nang umalis ako dito.

Nakita kong palapit sa table namin si Yaj, kasabay noon ay ang pagvibrate ng cellphone ko. Binasa ko ang message.

Kuya Levinn

Nandito na ako sa labas ng school mo.

"I'm going," agad kong paalam kay Yaj nang makalapit siya.

"Huh?" Bakas sa mukha niya ang pagkagulat at pagkalito.

I smiled at him. Ngiti lang, kaya mo yan Liel.

"Uuwi na ako. Pagod na ako at inaantok na rin. Kaya..." Kibit-balikat kong paliwanag.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na kailangan. Stay here and just enjoy the night with your girl." Hindi ko inalis ang ngiti sa aking mukha habang sinasabi iyon.

"But..." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"No more buts. Enjoy! Be happy," humina na ang tinig ko nang sabihin ang huling mga kataga.

Agad akong tumalikod sa kanya dahil ramdam ko na naman ang muling pagbabadya ng mga luha ko.

Tinalikuran ko na siya at tinahak ang daan palabas dito sa school. Bawat hakbang na ginagawa ko ay siyang pagbigat ng dibdib ko. Kasabay din no'n ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko. Pakiramdam ko, sa pag-alis ko ay parang paglayo ko na rink ay Yaj. Ang sakit sa dibdib.

Bakit kailangang maging ganito kasakit?

Nang matanaw ko si Kuya, hindi na ako nagdalawang-isip at agad na tinakbo ko ang distansya namin. Mabilis ko siyang niyakap. Mahigpit. Doon, humagulgol na ako ng iyak.

"What's wrong, pangit?" malumanay niyang tanong. Tinapik-tapik niya ang likod ko na lalong nagpaiyak sa akin.

"K-kuya... Ang sakit... Ang sakit-sakit..." humihikbing sumbong ko sa kuya ko.

Hindi siya nagsalita, tila alam na niya kung anong nangyayari. Iginiya niya ako sa sasakyan at saka kami umalis.

Pagkadating namin sa bahay, agad akong dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko na muna pinansin ang nagtatakang mga tingin nila mama.

I locked the door and slumped myself to the bed.

Pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang pag-iyak ko. Sa tuwing maaalala ko yung eksena kanina, bigla nalang akong napapaiyak.

Umiyak lang ako nang umiyak.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon