Note: Try to play Fall For You by Kyle Echarri while reading. Thank you!
- yourtypicalscribbler
*****
Chapter 30
"ANAK, gising na."
Malulumanay na tapik sa braso ko ang nagpagising sa akin. Kinusot-kusot ko pa ang mata ko at saka tiningnan ang orasang nasa side table.
8:35 am. This is the day. Ilang oras na lang.
I looked around my room. Nakatayo si mama sa tapat ng closet ko at may hinahalungkat.
"Morning, Ma," mahinang bati ko. Napahikab pa ako, kulang pa ako sa tulog.
Humarap sa akin si mama, nakangiti. "Good morning din, anak. Here," iniabot niya ang buttoned long sleeve blouse at shorts na agad kong kinuha. "Iyan ang isuot mo mamaya para hindi ka na mahirapang hubarin kapag susuotin mo na yung gown mo."
"Sige po. Mag-aayos na po ako maya-maya."
Ilang sandali pa muna akong nanatiling nakaupo lang sa kama hanggang sa pumasok ako sa CR para maligo. Nang matapos kong ayusin ang sarili ko, lumabas na ako sa kwarto. Dumiretso ako sa kusina.
"Para sa akin ba 'yan, ma?" Naabutan ko kasing naghahanda si mama ng sandwich.
"Kanino pa ba?" Kinuha ko ang iniabot ni mama na sandwich at kinain iyon.
"Si papa at si kuya pala, nasaan?"
"Ah. Ang papa mo, pinuntahan si kumareng Elsa. Magpapalinis ka pa ng kuko, 'di ba?" Tumango-tango naman ako. "Ang kuya mo naman, may group activity daw sila ngayon."
"Sus, ma! Naniwala ka naman kay kuya! Manliligaw lang 'yon! Valentine's pa naman ngayon," natatawang sabi ko. If I know kasi, wala namang group activity 'yon talaga. Isa pa, ang alam ko, Feb Fair sa kanila ngayon!
"Hayaan mo na ang kuya mo. Malaki na 'yon. Ang maigi pa'y tapusin mo na 'yang pagkain mo."
Hindi nalang ako nagsalita pa ulit. Pero naiisip ko pa rin si kuya. Nai-imagine ko pa nga ang mukha niya ngayon. At mukhang alam ko na kung sino ang posibleng puntahan no'n ngayon.
Saktong pagkatapos kong kumain, dumating naman si aling Elsa. Agad niya akong nilinisan ng kuko sa paa't kamay. Pinili kong scarlet red ang ilagay na nail polish sa kuko ko. And I love the color!
Ilang oras pagkatapos kong magpalinis ng kuko, buhok naman ang inayos sa akin. Kukulutin kasi ang dulo ng mahaba kong buhok kaya kailangan nang ayusin agad para kumulot talaga.
Mabilis na lumipas ang oras. Last na check ko kanina ng oras ay 2:40 pm na. Ilang oras pa ang pwede kong ipagpahinga bago ako makeup-an. 5:30 pm pa naman ang assembly time ng prom.
Habang hinihintay ko ang oras kung kailan ako mi-makeup-an, dumating si kuya. As usual, hindi makukumpleto ang araw niya na hindi ako inaasar.
"Aba, aba! Tingnan mo nga naman. Nasaan 'yong pangit kong kapatid?" pang-aasar niya. Napasimangot naman ako saka umirap.
"Sige lang, kuya. Asarin mo lang ako. Natutuwa ako, e, 'no?" Note the sarcasm.
"Sige. Sabi mo, e. Pangit!"
Lalo lang akong napasimangot. Kapag pangit talaga ang naging hitsura ko, kasalan 'yon lahat ni kuya! Kaasar!
Hanggang sa may naisip ako. Ha! Tingnan nga natin.
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?