Chapter 26

112 5 1
                                    

Chapter 26

HINDI ako mapakali. Kanina pa ako nagpapabalik-balik dito sa loob ng kwarto ko.

It's Sunday. At isa lang ang ibig-sabihin noon, makikita ko mamaya si Yaj. Hindi ko lang siya makikita, makakasama pa! Nitong nagdaang Sabado ay pinaalala pa sa akin ni Yaj sa text ang tungkol ngayong Linggo. Sinabi pa niyang may pupuntahan daw kami.

At ngayon, hindi ko na alam kung anong gagawin ko!

Napatingin ako sa orasan. 3:30 PM na at hindi pa rin ako nakakapag-ayos.

“Ano ba kasing pumasok sa isip ng lalaking 'yon at pupunta pa rito?” wala sa sariling nasabi ko. Napakamot ako sa ulo at saka naupo sa kama. “Hindi ko na alam ang gagawin ko!”

Pasalampak akong humiga at nagpagulong-gulong ako sa kama. Nang mapagod ako ay tumitig na lamang ako sa kisame.

“Alam mo ba kung bakit pupunta si Yaj dito? Alam mo, minsan, naguguluhan na ako kay Yaj! Ay, nako!” Inis akong muling napakamot sa ulo ko. “Bakit ko ba kinakausap ang kisame?”

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatitig lang sa kisame. Napapitlag na lang ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

“Anak, nasa ibaba si Yaj,” anas ng nasa labas.

Nandito na siya? Agad akong napatingin sa orasan at eksaktong 4 PM na. Napabangon ako at mabilis na tinungo ang kabinet ko.

“Sige, Ma. Pakisabi, sandali lang po,” sagot ko habang naghahanap ng susuoting damit.

I settled for a simple white shirt, jeans and rubber shoes. Wala na akong mapili, eh. At wala na rin akong oras na mamili nang matagal.

Mabilis kong naayos ang sarili. Nang matapos, mabilis na akong bumaba at doon ay nakita kong prenteng nakaupo si Yaj.

Nag-angat siya ng tingin sa akin at tumitig. Napalunok naman ako at pasimpleng tiningnan ang kabuuhan niya.

Para naming pinag-usapan ang damit na isusuot ngayon. Parehong-pareho ang suot naming damit. Ang kaibahan lang namin ay mayroong dog tag si Yaj.

Para kaming couple sa ayos namin ngayon.

Ipinilig ko ang ulo dahil sa naisip. At talagang naisip ko pa iyon ngayon, ha? Tuluyan na akong bumaba at dumiretso kay Yaj.

“Pasensya na at natagalan,” hinging paumanhin ko.

Tumango naman siya. “Ayos lang. Hindi pa naman tayo late sa pupuntahan natin,” aniya at saka ngumiti.

Nag-iwas ako ng tingin nang ngumiti siya. Hinanap ko na lamang si mama at saka nagpaalam.

“Sige. H'wag masyadong gabihin, ha? Yaj?” paalala ni Mama. Tumango naman si Yaj. Ako naman ang binalingan ni Mama. “Ako na ang magsasabi sa papa mo. Mag-iingat kayo.”

“Si Tita talaga. Hindi naman po kami lalayo rito,” natatawang sabi ni Yaj dahilan para matawa rin si Mama.

“Gano'n talaga, hijo. O, siya.”

Lumabas na kami ng bahay. Bago tuluyang makalayo ay kinawayan ko pa muna si Mama.

“Saan tayo?” tanong ko kay Yaj, pagbabasag sa katahimikan sa pagitan namin.

Naglalakad lang kami, magkatabi. At kanina pa walang nagsasalita sa amin kaya ako nalang. Tumingin naman siya sa akin.

“Sa simbahan tayo,” sagot niya. Tumango naman ako. Mukhang magsisimba kami. Mabuti nalang at maayos ang suot ko.

Medyo may kalayuan ang simbahan dahil nga sa naglalakad lang kami. Inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid dahil hindi naman ako kinakausap ni Yaj. Ang tahimik na naman niya ngayon. Nakakapanibago.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon