Chapter 40
“The program will start after 10 minutes.”
Kanina pa paulit-ulit yung emcee sa pagsabi niyon. Nakailang 10 minutes na ba sila? Hindi ko na mabilang. Nakakainip na.
Narito ako ngayon sa gymnasium ng University. First day of school at ngayon pa mismo ang orientation para sa freshmen. Medyo marami kaming nandito ngayon. Of course, kasama ko rin sila Freia pero umalis sila saglit para bumili ng pagkain, kaya ako lang ang naiwan para magbantay sa pwesto namin. At ang tagal nilang bumalik ha!
Kinuha ko nalang ang cellphone at earphone ko. Magsa-soundtrip nalang ako habang hindi pa nagsisimula. I clicked the shuffle button then a song plays. Nadadala ako sa simula ng kanta hanggang sa sumapit sa chorus nito.
“'Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why can’t we make it better
'Cause all that I know is found in you…”The song brings me back to that day when I saw Yaj. That day…
I remember how he looked that day, when I saw him at the field and heard him sing. There’s something in his eyes, an emotion I can’t name. Pero agad din na naglaho iyon at napalitan ng malamig na tingin. Ngunit hindi pa rin nagbabago ang boses niya sa tuwing kumakanta. Tulad pa rin iyon ng dati. Naroon pa rin yung emosyon, tila ba binuhos niya sa pagkanta ang lahat ng nararamdaman niya.
Nang makita niya ako noong araw na iyon, tiningnan lang niya ako. Walang bahid ng emosyon sa mga mata niya, maging sa kanyang mukha. Wala akong nagawa kundi ang matulos sa kinatatayuan ko at malunod sa tingin niya. Ilang segundong tumagal iyon hanggang sa bigla nalang siyang umalis.
I closed my eyes as that scene plays in my mind. Hindi ko makalimutan iyon. Lagi namang ganito basta tungkol sa kanya. I sighed.
Hindi ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit kami humantong sa ganito. Dahil ba kay Allaine? Dahil ba nasaktan ako nang hindi niya alam? Dahil ba sa malaman niyang sinabi noong araw ng graduation namin? Ano? Hindi ko alam…
Minsan, gusto ko nalang na bumalik kami sa dati. Yung dati na lagi niya akong inaasar, at ako naman pikon na pikon sa kanya. O kaya bumalik nalang do’n sa panahon na hindi ko pa siya nakikilala para hindi ako nagkakaganito ngayon.
Nagmulat ako nang may tumapik sa akin. Nakabalik na pala sila Freia. Tinanggal ko ang earphone na nasa tainga saka inabot ko ang pagkaing pinabili ko.
“Tagal na naming nawala, hanggang ngayon 'di pa rin nag-start?” nakataas ang kilay na tanong ni Freia na umupo sa tabi ko sa kanan.
Tumango ako habang sumisipsip sa straw ng softdrinks na iniinom. “Tagal ngang mag-start. Nakakainip nga dito. Buti dumating na kayo.”
“Ang dami kasing bumibili kaya natagalan kami,” kibit-balikat na saad ni Blaire, na nakaupo sa tabi ni Freia, saka nito tinuon ang pansin kay Fred. Napailing nalang ako.
Naging abala kami sa kani-kaniyang gawain. Si Freia ay abala sa pagkuha ng pictures. Sina Blaire at Fred, ayun, lalanggamin na sa ka-sweet-an. Nilibot ko naman ang tingin sa buong gymnasium. May ilang estudyante pa na pumapasok. May ilang kakilala rin akong nakita na nginingitian o di kaya’y tinatanguan ko naman.
As I roam my eyes around the place, I admit I was looking for something…someone rather. Ngunit pinigilan ko rin ang sarili sa ginagawa at muli na lang itinuon ang paningin sa unahan. Nawawala na naman ako sa sarili!
“Students, please occupy the seats. Mayroon pang mga bakanteng upuan sa paligid. Huwag na muna kayong magsiksikan diyan sa bleachers,” utos ng lalaking sa tingin ko ay guro rito.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Ficção AdolescenteHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?