Chapter 19
RAMDAM ko ang pananakit ng aking leeg dahil sa kanina pa ako nakabaling sa labas ng bus. Ayokong tumingin sa kung saan. Mas gugustuhin ko pang sa labas nalang ako tumingin kaysa ang masulyapan ang hindi ko nais sulyapan.
Gaya nga ng nalaman ko kanina, ang section nila Yaj ang kasama namin ngayon sa bus. I don't know what to do now. Naiilang ako samantalang ang mga kasama kong estudyante ay parang wala lang na nag-iingay.
I feel so out of place at this moment.
"Ang tahimik mo?" narinig kong untag sa akin ni Freia. Siya ang kalapit ko ngayon.
"Ayoko lang magsalita. Wala naman akong sasabihin, e," tanging naging tugon ko na hindi siya nililingon. Hindi naman na siya muli pang nagsalita.
"Mic test. Mic test... Naririnig n'yo ba ako?" Natuon ang aking pansin sa biglang nagsalita. Nanahimik ang paligid. Hindi ko nilingon iyong nagsalita ngunit nakikinig naman ako sa kanyang sinasabi. "So, good morning everyone! I am Ate Minerva, your tour guide for today."
Narinig kong muling nag-ingay ang aking mga kaklase pati na rin ang tagakabilang section lalo pa't nagsimula na ang pag-usad ng bus.
This is it, I sighed.
"Ayan. Magsisimula na ang ating mahaba-habang byahe. Excited na ba kayo?" masiglang sabi ni ate Minerva.
"Yes naman!"
"Kahapon pa po ako excited!"
"Hindi nga po naligo itong isa sa sobrang pagka-excite!"Nagtawanan ang lahat sa huling sinabi ng isang estudyante, pati ako ay natawa rin.
"Ay, may gano'n?" natatawang pahayag ni ate Minerva. "Okay. So much for that. May tanong pala ako." Bahagyang tumahimik ang lahat. "Kung bibigyan kayo ng pagkakataong balikan ang nakaraan, babalikan n'yo ba?"
Lalong tumahimik ang paligid, tila iniisip talaga ang sinabi ni Ate Minerva. Napaisip din ako sa sinabi niya. Kung may pagkakataon nga bang balikan ko ang nakaraan, babalikan ko ba? May dapat ba akong balikan?
"Depende po sa nakaraan na babalikan, ma'am," biglang sagot ng isang babae.
"Paanong depende?"
"Depende po kung yung nakaraan na babalikan ay masaya o masakit na nakaraan," muling sagot ng babae. "Kapag masakit na nakaraan yun, bakit pa babalikan? Maaalala mo lang ang dahilan kung bakit ka nasaktan. 'Wag na lang kung gano'n." Narinig ko ang pagsang-ayon ng halos lahat sa sinabi ng babae.
"Huwag na lang kasing balikan ang nakaraan! Nakaraan na nga, e. Bakit babalikan pa?" segunda ng isang estudyanteng lalaki. Nagsisang-ayunan naman ang iba.
"Ako, ayos lang sa akin na balikan. Ayos lang kahit masaktan ako. So what? Malay mo kapag binalikan mo ang nangyaring iyon, that time, matututo ka nang mag-let go at magmove on," pagsalungat naman ng isa na sinang-ayunan din ng iba.
Nagkagulo na ang lahat dahil sa iba't ibang nilang pananaw, kung hindi pa siguro nagsalita si Ate Minerva ay hindi sila matitigil.
"Kung ganoong ayaw n'yo naman palang balikan ang nakaraan, bakit sumama pa kayo sa fieldtrip na ito? Hindi n'yo ba alam na babalikan natin ngayon ang nakaraan?" natatawa nalang na sabi ni Ate Minerva.
"Oo nga, 'no?" narinig kong sabi ni Freia.
Napatingin na ako sa kanya, maging sa iba pa naming mga kasama. At sa hindi inaasahang pagkakataon ay saglit na nagtama ang tingin namin ni Yaj. Saglit lang dahil ako na mismo ang agad na nag-iwas ng tingin.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?