Chapter 3

248 15 2
                                    

Chapter 3 


Isang linggo na ang nakalipas mula ng makilala ko si Yaj. At isang linggo niya na rin akong binubwisit. Well, tuwing weekdays niya lang naman ako nabubwisit dahil 'yon lang ang mga araw na nagku-krus ang landas namin.

Hindi ko alam kung isa ba sa laro ng tadhana ang pagtagpuin kaming dalawa o ano. Minsan, magugulat nalang ako tuwing makikita ko si Yaj. Halos kung nasaan ako, nandoon din siya. Para siyang kabute na bigla nalang sumusulpot.

Nakakainis. Naiinis ako sa pagmumukha niya. Minsan, wala pa siyang sinasabi, iyong tipong makakasalubong ko lang naman siya, makita ko lang ang mukha niya ay naiinis na agad ako.

Napakakulit niya. Papansin pa. At hindi pa rin niya ako tinatantanan sa kakatawag sa akin ng 'bes' kaya lalo akong naiinis. Idagdag mo pa ang nangyari sa amin, a week ago.

Halos hindi maalis sa isip ko ang nangyari ng araw na iyon. Sa tuwing maaalala ko 'yon, bigla na lamang maghuhuramentado ang puso ko. Para kasing may iba sa sinabi niya no'n. Pero mas lamang ang inis na nararamdaman ko kapag maaalala ko 'yon.



"Ayokong bitiwan ka, baka mawala ka na naman sa akin."

Ang mga salitang iyon... Ang mga salitang sinabi niya, ang siyang naging dahilan upang maghuramentado ang sistema ko.

Pareho kaming natigilan matapos niyang bitiwan ang mga salitang iyon.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Parang may laman iyong sinabi niya.

Nakatingin lang kami sa mata ng isa't isa. Hindi ko makayanan ang klase ng pagtingin niya sa akin. Naiilang ako kung kaya't ako na ang bumasag sa katahimikang bumalot sa amin.

"Y-Yaj..." nauutal kong tawag sa kanya.

Nanatili naman siyang nakatingin sa akin. Hanggang sa mapansin kong kumikibot ang mga labi niya, tila nagpipigil ng tawa. Napakunot naman ako ng noo. What the?

At tuluyan na nga siyang bumunghalit ng tawa. Tawa lang siya ng tawa. Kulang na nga lang ay maglupagi siya sa daan na kinatatayuan namin.

"A-anong nakakatawa?" Nauutal pa rin ako. May nakakatawa ba?

Hinihingal-hingal pa siya dahil sa pagtawa nang magsalita siya. "You should've seen your face. It's epic!" Tumawa na naman siya.

Nagsisimula na naman akong mainis sa kanya. Pinagti-tripan niya ba ako?

"Ha! Masaya ka na niyan?" I asked. Note the sarcasm in my tone.

Tumingin siya sa akin. "Oo!" Muli na naman siyang tumawa pagkasabi no'n.

Seriously? Hindi ba siya titigil sa kakatawa? Mukhang ang saya-saya niya talaga, ha? Peste!

Pinukol ko siya ng matalim na tingin.

"Kabagan ka sana sa kakatawa mo! Asshole!" Sinipa ko pa ang tuhod niya pagkasabi ko niyon. Sinipa ko siya nang pagkalakas-lakas, 'yong paniguradong masasaktan siya. Maya-maya lang ay nagtatatalon na siya habang hawak-hawak niya ang tuhod niyang sinipa ko.

Ha! Buti nga sa'yo, isip-isip ko.

Nagsimula na ulit akong maglakad at nilagpasan siya. Bahala siya sa buhay niya. Pasalamat nga siya hindi 'yong 'ano' niya ang sinipa ko, e. 

Malayo-layo na ako sa pwesto niya nang marinig ko siyang sumigaw.

"Pasalamat ka't babae ka!"

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon