Chapter 29
ILANG araw pa kaming paulit-ulit na nagpractice ng cotillion. At sa bawat araw na nagdadaan, nararamdaman kong naeexcite ako sa papalapit na prom day.
Hindi rin naalis sa isip ko ang note na iniabot sa akin ni Yaj. Dahil doon, lalo kong gusto nang dumating ang araw ng prom. Ewan ko ba. Kinakabahan ako na naeexcite. Ang daming scene na naglalaro sa isip ko, kung ano ba ang sasabihin ni Yaj at kung ano ang mangyayari.
At ngayon, isang araw bago ang prom, lalong umusbong ang excitement ko. Huling araw na rin ngayon ng practice namin. Inaayos nalang ang ilang steps at positions namin. So far, so good. Nakukuha ko na nang maayos ang steps ngayon.
We're doing the last part of the dance right now, wherein I'm facing Yaj. And I'm afraid that he might see the excitement in my eyes. At higit na natatakot akong may iba pa siyang emosyong makita sa aking mga mata habang nakatingin ako sa kanya. Dahil alam ko, isinisigaw ng aking mga mata na “gusto kita, Yaj!”
Gayunpaman, nanatili akong nakatingin sa kanyang mga mata. Nakangiti naman sa akin si Yaj at sinusuklian ang tingin ko. Gusto kong isipin na ang mga mata niya ay may isinisigaw din sa akin, na isinisigaw niyon ang kapareho ng sa akin.
Siguro ay pareho kaming nalunod ni Yaj sa aming tinginan, na nagkaroon na kami ng sariling mundo, kaya hindi namin napansin na tapos na pala ang kanta ngunit patuloy pa rin kami sa banayad na pagsayaw. Kung hindi pa siguro nanukso ang mga kasama namin ay hindi pa kami hihinto.
“Ano na? Walang balak huminto sa pagsasayaw, mga bes?!” narinig kong tukso ni Freia. Boses pa lang, kilala ko na.
“Sweet naman!” Hiyaw ng isa na binuntutan ng ‘ayiiieee’ ng ilan.
Agad akong napabitiw kay Yaj at napapahiyang nagtungo sa kinalalagyan ng bag ko.
“Tingin lang 'yon, Liel, ha. Iba na agad ang nagagawa sa akin,” mahinang sabi ko sa sarili. Pakiramdam ko ay namumula pa yata ang mukha ko sa kahihiyan.
Tahimik akong naupo sa isang tabi at kunwaring may hinahanap sa bag ko. Gusto kong maalis sa isip ang pagkapahiya ko kanina.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang isa sa teacher na nagbabantay sa practice namin. Ang lahat ay natahimik upang mapakinggan ang kung anumang sasabihin niyon.
“So, juniors, as you all know, this is the day before your most awaited prom. At dahil d'yan,” bahagyang ngumiti sa amin si sir Cadapan bago nagpatuloy, “maaga naming tinatapos ngayon ang inyong practice to give way to the girls' so called beauty rest. And for the boys, too, of course.”
Hindi mapigilang maghiyawan ng ilan sa amin. Sino ba namang hindi matutuwa? Early dismissal 'to!
“So, yeah. You can go now. Please don't forget the steps for your dance, okay? Tomorrow's a big day.”
“Yes, sir!” sabay-sabay naming sagot.
Nagkanya-kanya nang ayos at uwi ang lahat. Nilapitan ko na muna sila Blaire bago ako umuwi.
“Uy, guys! See you tomorrow! Excited na ako!” masayang sabi ko.
Freia smiled, the kind of smile that means something I don't know. “Ako rin! Excited na ako bukas!” aniya, tinataas-baba pa ang kilay. Hindi ko nalang pinansin iyon. I smiled even wider instead.
“I can't wait to see you, girls, in your gowns!”
Blaire just smiled at what I've said. Maybe she's not in the mood to talk. I looked at Freia. Alam na niya kung ano ang gusto kong iparating.
“'Wag mo nang pansinin 'yan. Wala lang 'yan sa mood,” she said, but her smile tells otherwise.
“Sabi mo, e,” I shrugged. “O, sige na. Uuwi na ako. Bye!”
They just waved their hand then bid goodbye.
Malapit na ako sa labas ng gym nang makita ko sila Yaj at Allaine na nag-uusap. Base sa nakikita ko, mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.
Kahit ayokong nakikita silang magkausap, hindi naman ako bastos para guluhin sila. Isa pa, wala naman akong karaparang makisali sa usapang iyon.
Umiwas ako sa kanila. Akala ko, hindi ako nakita ni Yaj pero nagkamali ako. Nagulat nalang ako na nasa tabi ko na siya.
“Bakit hindi mo 'ko hinintay?” hinihingal na tanong niya.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Hindi ko naman alam na dapat pala kitang hintayin?”
He just smiled at what I've said. That same annoying smile na ginamit niya noong una ko siyang nakita.
“What?” I snapped. Hindi por que gusto ko siya ay hindi ko na siya kayang sungitan.
He pinched my nose. “Namiss ko 'yang pagsusungit mo.”
I rolled my eyes. “Ah, gano'n?”
He let out a soft manly chuckle. “Minsan mo nalang kasi akong sinusungitan. I wonder why. Hmm...” he said. He even acted as if he's really thinking of something.
Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko. Gosh! Baka kung anong isipin niya!
Bakit? Ano bang iisipin niya? Na may gusto ka sa kanya kaya minsan mo nalang siyang sinusungitan? Tama naman 'yon, ah? hirit ng isang parte ng isip ko.
Oh, no! Hindi sa ganitong sitwasyon, na pauwi kami, ko naiimagine na malalaman ni Yaj na may gusto ako sa kanya!
I avoided his gaze. I don't know what to say.
“Siguro...” Tila nang-aasar na bitin niya sa sasabihin.
I can't stop my self not to look at him. And all I can do was to arched my brow up.
Umiling-iling siya. “Oh. Ayan na pala ang sa inyo.”
Napatingin ako sa paligid. Nandito na nga kami sa amin.
Inihatid niya ako hanggang sa may gate ng bahay namin. We stared at each other for a brief moment. He is the one who break the silence.
“So... Ready for tomorrow?”
Napalunok ako. Hindi ko alam kung anong tinutukoy niya. Kung ready na ba ako para sa prom o para sa sasabihin niya?
“H-ha?” tanging lumabas sa bibig ko.
“What I mean is, ready ka na sa prom?”
I nodded my head. “Yup. Naihanda na lahat. Isa pa, nandyan si mama. Mas excited pa nga iyon sa akin.”
Bahagya siyang tumawa, para bang may naalala siya. “Pareho sila ni mama,” aniya at natawa rin ako sa sinabi niya.
“Sige, Yaj. Papasok na ako. See you tomorrow.” Tumalikod na ako sa kanya. Nakakailang hakbang na ako palayo nang tawagin niya ako. Nilingon ko siya. “Hm?”
“I hope you're really ready for tomorrow, not for the prom but for what I am going to tell you.”
Heto na naman ako. Hindi ko mapigilang ma-excite at kabahan lalo pa't siya mismo ang nagpaalala sa akin ng tungkol doon. Ni hindi ko inakala na babanggitin niya iyon.
Hindi ako nakapagsalita. Wala akong mahanap na salitang maaaring isagot sa kanya. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.
Nahawak siya sa batok niya at bahagyang ngumiti.
“Sige na. Pumasok ka na at magpahinga. Have a good night!” Iyon lang at tumalikod na siya.
Ilang sandali akong nakatingin lang sa dinaanan niya bago ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin.
Napailing ako. I really hope that I'll get a good night tonight.
***
NOTE: Sorry for the super duper late update. Busy pa po talaga ako. Sa May pa kasi ang vacation namin at ngayon ay midterm pa lang namin. Kailangang magsipag lalo na't ang hirap ng major ko, Math. 😭
Next update: Have no exact date.
Thank you for reading. Mwa! 😘 xoxo
— yourtypicalscibbler ♡
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?