Chapter 25
"GOOD morning!" bati ko sa mga kaklase kong nakatambay pa sa labas ng classroom.
"Good morning din sa 'yo!" bati rin nila. Tinanguan ko sila at saka nilagpasan. Dumiretso na ako papasok sa loob.
"Good morning, Liel!" agad na bati ni Freia nang makita ako. Ngumiti naman ako sa kanya at binati rin siya, pati na ang iba.
"Tingnan mo iyong armchair mo," untag ni Blaire nang makalapit ako sa kanya. Sinisiko pa niya ako.
Napataas naman ako ng kilay. Ano na naman kayang mayroon sa armchair ko?
Lumapit na rin ako roon dahil hindi naman ako titigilan ni Blaire. Nag-landing agad ang tingin ko sa sticky note na nakadikit sa armchair ko.
Binasa ko ang nakasulat doon.
"And today, I'm officially missing you. 🎶
Joke lang, bes. Hehe. Kitakits mamayang break!
- Yaj"
Napailing na lamang ako sa nabasa. Pero aaminin ko, hindi ko maiwasang mapangiti.
Mula nang magsimula ulit ang klase ay palagi nalang na tuwing umaga ay may makikita akong sticky note na nakadikit sa upuan ko. At halos ang laman lang no'n, kung hindi lyrics ng kanta, ay mga kabaliwan niya.
Umupo na ako sa upuan ko at saka tinanggal ang sticky note. Inilabas ko naman ang maliit na box na nasa bag ko matapos iyon. Iyon ang pinaglalagyan ko ng mga sticky note na galing kay Yaj. Hindi ko maiwasang basahin ulit ang ilan na nakalagay sa box. Well, hindi pa naman masyadong marami ang mga iyon since isang linggo pa lang naman ang nagdaan.
"It's like the world is closing around us and we're doing just fine. 🎶
Naalala mo 'yang kantang iyan? Basta bati na tayo, bes ha?
- Yaj"
Napangiti na naman ako nang mabasa ang una niyang sulat 'kuno'. Hindi ko akalaing tanda pa ni Yaj iyon.
Nang unang beses 'kong makatanggap ng ganito kay Yaj ay hindi na agad ako makapaniwala. I mean, si Yaj? Gagawa ng ganito? Para kasing babae lang ang may kaya ng ganito. I didn't know that he can be this cheesy. At sa tuwing makakatanggap ako ng ganito ay hindi ko maiwasang hindi kiligin. It feels like he's courting me everyday.
Well, ayoko namang mag-assume. Hindi maganda ang napapala ko sa tuwing nag-aassume ako. Nasasaktan lang ako.
"Ang sweet naman! Nanliligaw na ba?"
Agad akong napatingin sa likuran ko. Nandoon na si Freia, nakatunghay sa mga sticky note na nasa box. Umiling lang ako sa kanya.
"Alam mo, Liel, minsan hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka. O talagang manhid ka lang," napapailing niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko.
"What do you mean?" takang tanong ko. Umiling lang siya.
"Hay naku, friend! Tsk tsk," kunot-noong umiling-iling siya.
Magtatanong palang ulit sana ako nang dumating na ang guro namin. Kunot-noo kong sinundan ng tingin si Freia. Hindi ko nakuha ang gusto niyang iparating.
Ipinilig ko ang ulo at inalis na muna iyon sa isip ko. Mamaya ko nalang ulit siya tatanungin.
"ANO NGA iyong sinasabi mo kanina?" pangungulit ko kay Freia. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako sinasagot. Titingin lang siya sa akin at saka iiling.

BINABASA MO ANG
For the First Time
TeenfikceHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?