Chapter 4
What the hell?!
Nagulat ako sa nakita ko nang bigla akong lumingon.
It's Yaj, looking so serious.
Sa mga nababasa at napapanood ninyong love story, ano ang nangyayari kapag biglang napaharap ang babae sa isang lalaki? Nanlalaki ang mata ng babae sa gulat dahil sa hindi inaasahang nasa tabi niya ang lalaki, hindi ba? At ang mas nakakagulat ay ang hindi inaasahang paglalapat ng kanilang mga labi.
Well, buti nalang at hindi iyon ang nangyari sa akin! Buti nalang talaga. Kung sakaling iyon ang nangyari, naku! Naku lang talaga!
"What the hell are you doing here?!" sigaw ko sa kanya. Agad din akong umusod palayo sa kanya dahil masyado kaming malapit sa isa't isa at paniguradong kaunting galaw lang ng isa sa amin ay magkakadikit ang mga labi namin. At ayokong mangyari 'yon!
Mula sa seryosong mukha ni Yaj, unti-unti iyong napalitan ng isang nakakalokong ngisi.
Aba't! Ayan na naman siya sa ngisi niyang iyan! H'wag siyang masyadong ngumisi dahil lalo siyang gumagwapo.
Ay! Ano ba?! Anong gwapo, Liel? Ano?! Tss.
"Baka ikaw ang dapat kong tanungin niyan? What are you doing here?" Nakangisi pa rin siya sa akin.
"Bakit? Sa'yo ba itong lugar na ito? Hindi naman 'di ba?" asik ko sa kanya. Nagsisimula na naman akong maiinis. Nakakainis kasi talaga ang pagmumukha niya. "Ikaw nga itong biglang sumusulpot d'yan, e! SInusundan mo ako 'no? Aminin mo na!" Tinaasan ko pa siya ng kilay at pinagkrus ko ang mga braso ko para magmukha akong mataray.
Sa totoo lang, ang lakas ng tibok na nararamdaman ko sa may dibdib ko. Nagulat talaga ako nang makita ko siya. He's just inches away from me, sino ba namang hindi magugulat do'n?
Bigla naman siyang tumawa kaya napakunot ang noo ko.
"Sinusundan? Ikaw?" Tumawa siyang muli, this time mas malakas na. "Bes naman. Ano ka, chicks?" Tumawa na naman siya.
Wow ha? Parang sinabi niyang hindi ako maganda! At nakakainsulto pa 'yong tawa niya. Peste!
Tiningnan ko naman siya ng masama. "Kapusin ka sana sa hangin dahil d'yan sa kakatawa mo. Bwisit!" Inirapan ko pa siya. Napatingin ako sa nasa gilid niya. Gitara.
Don't tell me, siya 'yong kumakanta kanina?
Para malaman ko kung siya nga ang kumakanta kanina, tinanong ko na siya. Natigil naman siya sa pagtawa.
"Ah. 'Yong kumakanta ng 'not such a bad thing to fall in love with me'?" Kinanta pa niya 'yong last line ng kanta kanina.
Walang duda, siya nga ang kumakanta kanina. Binabawi ko na ang sinabi kong ang ganda ng boses niya! Naaasar ako sa kanya, e.
Pero saan siya nakapwesto kanina? Bakit hindi ko napansing nandito lang pala siya?
"Saan ka nakapwesto kanina? Ba't hindi kita napansin?" mahinahon na tanong ko sa kanya.
Ngumisi na naman siya. "Uy. Curious ka?" Tinaas-baba pa niya ang mga kilay niya. Naiinis na naman ako.
"Tse! Para kang tanga. H'wag mo nang sagutin." Inilagay ko na ang librong hawak ko sa bag. Tumayo na ako para umalis nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko ang kamay kong hawak niya pagkatapos ay ang mukha naman niya ang tiningnan ko.
Ayan na naman ang seryoso niyang mukha na parang kanina lang ay hindi niya ako pinagtatawanan. Tuwing ganyan ang itsura niya, bigla nalang naghuhuramentado ang sistema ko.
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?