Chapter 28

118 7 2
                                    

Chapter 28

"WILL you be my prom date?"

Hindi ko maiwasang mapangiti nang muling maglaro sa isip ko ang sinabi ni Yaj sa akin kanina. Hanggang ngayon na narito na ako sa kwarto ko at mag-isa ay 'yon ang paulit-ulit sa isip ko. Kung pwede nga lang akong tumili rito ay ginawa ko na. Sobrang kinimilig talaga ako sa tuwing maaalala ko iyon!

His prom date proposal, hindi iyon gaya ng mga nababasa sa libro o napapanood sa pelikula at teleserye. It's not even a romantic one! But the mere fact that he did his best just to ask me to be his date, ay naku! Ibang kilig ang hatid sa akin no'n!

But when I asked him kanina kung bakit ako ang gusto niyang maging date, nawala yung kilig ko.

"Why did you choose me to be your date sa prom?" I asked. Pauwi na kami at, as usual, ihahatid pa niya ako.

Tiningnan niya ako at saka siya ngumiti. "Sino pa ba'ng ibang pipiliin kong maging date kung nandyan naman ang best friend ko?"

Ang lakas lang talagang makasira ng moment at makabasag ng kilig, e.

Pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano. Kahit pa sabihan ko ang sarili ko na huwag mag-assume, hindi ko mapigilan e.

Naisip ko lang, what if ito na ang sign? What if gusto na rin ako ni Yaj? What if?

Hindi ko kasi mapigilang mag-isip. First time ko sa larangang ito. First time kong magmahal. Yes, aaminin ko na. Hindi na simpleng gusto lang itong nararamdaman ko. At kahit na bago sa akin ang pakiramdam na ito, alam ko kung anong ibig sabihin nito. Malalim na ang kinahulugan ko, at mukhang hindi na ako makakaalis doon.

Natatakot ako. Natatakot ako na ngayong inamin ko na sa sarili ko na mahal ko na si Yaj ay matinding sakit na ang maidulot niya sa akin. Hindi ko na yata kakayanin na masaktan na naman nang dahil sa kanya this time.

Nahiga ako sa kama at saka bumuntong hininga.

Gusto kong sabihin kay mama ang lahat ng nasa isip ko. Gusto kong marinig ang mga magiging payo niya sa akin, pero nahihiya ako sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang mga gusto kong sabihin.

Gusto ko ring sabihin ito kila Freia at Blaire. But knowing Freia, siguradong isang I told you so line ang sasabihin niya. Siguro ay kay Blaire ko nalang sasabihin at mas matino pa iyon kaysa kay Freia.

"Will you be my prom date?"

Muli na namang umulit sa isip ko ang sinabi ni Yaj. And again, for the nth time, I smiled.

Kung hindi pa man sign iyon na gisto na rin ako ni Yaj, hahayaan ko nalang ang sarili kong patuloy na mahalin si Yaj. This is my first. I don't have any experience with this thing called love. Hahayaan ko nalang na mangyari ang dapat mangyari.

And for the first time in my life, I'll let destiny play its game.




KASABAY ng pagtugtog ng musika ay siyang simula ng sayaw.

I take a step closer then bow like a princess. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakalahad na ang kamay ni Yaj sa akin. I took it and we started to dance.

Practice namin ngayon ng cotillion. Two weeks na kaming nagpra-practice, actually, at ilang araw na lang ay prom day na. And thank goodness at nagagawa namin ng maayos ang steps.

Nagulat pa ako nung una, marunong palang sumayaw si Yaj. Akala ko sa pagkanta lang siya magaling, hindi pala! Siya pa nga ang nagguide sa akin sa steps. And thanks to him, nakuha ko ang mga steps.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon