Chapter 6

180 13 1
                                        

Chapter 6


"Kasama ka... Kasama ang taong gusto ko..." narinig kong sinabi ni Yaj. "Idadagdag mo iyon 'no?" nakangising dagdag niya na itinataas-baba pa ang kanyang kilay.

Napangisi na rin ako. Ang lakas talaga ng imagination ng lalaking ito.

"Believe din naman ako sa'yong lalaki ka! Grabe! Lalo atang lumamig. Biglang humangin, e." Sarkastikong sagot ko sa kanya. Inirapan ko pa siya saka muling ibinalik ang tingin sa langit. May itinuturong constellation ngayon ang speaker gamit ang laser niya.

"Sus! Ayos lang naman kung aamin ka, bes. You see, ang romantic ng ambiance. Nakahiga tayo habang nakatingin sa langit na puno ng nagkikislapang bituin at-" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.

"Fine! Idudugtong ko nga dapat 'yon, pero 'yong last sentence lang." Nilingon ko siya nang sabihin ko iyon. Nakita kong natigilan siya, nanlalaki pa ang mata niya. At kahit madilim, parang nakita kong namula ang mukha niya sa tulong ng liwanag ng buwan. O mali lang ang nakita ko.

Kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Namumula ka?"

Ipinatong niya ang isa niyang braso sa mukha niya para matakpan iyon. Anong nangyari dito? Sinundot-sundot ko pa ang tagiliran niya.

"H'wag mong sabihing nagb-blush ka?" natatawang sabi ko. Bakit kaya ganito ang inaakto nitong lalaking ito?

"Kasama ang taong gusto ko..." nanunuksong sabi ko. Inilapit ko pa ang mukha ko sa bandang tainga niya. Napaiwas naman siya.

"Lumayo-layo ka nga muna, Liel," aniya. Grabeng pagpipigil naman ng tawa ang ginagawa ko dahil halatang naiilang siya. Hindi ako lumayo at muling bumulong sa kanya.

"Kasama ang taong gusto ko..." huminto ako saglit bago nagpatuloy. "...gusto kong bigwasan." At hindi ko na napigilan ang tawa ko matapos kong sabihin iyon.

Bigla niyang inalis ang braso niyang nakatakip sa mukha niya. Halatang gulat siya sa sinabi ko. Hindi naman nagtagal ay biglang kumunot ang noo niya nang bumaling siya sa akin.

Hala, nagalit ata.

"Pinagtitripan mo ba ako, Liel?" Seryoso niyang sabi.

Napalunok naman ako. Ayoko sa lahat ay kapag nagseseryoso siya. Iba ang epekto no'n sa akin, mas gugustuhin ko pang lagi siyang nakatawa at nanti-trip. And the way he say my name sent shiver all over my body.

Nakatingin lang kami sa isa't isa. Pareho pa rin kaming nakahiga. Ang lapit lang ng mukha niya sa akin. Walang gustong mag-iwas ng tingin sa aming dalawa hanggang sa biglang may kumislap na bagay dahilan para mapalayo ako sa kanya at mapaupo. Nakarinig ako ng hagikhikan. Nilingon ko kung saan iyon at nakita ko si Freia at Blare, may hawak na cellphone.

"Oh, gosh! We should edit this, Blaire, then post this on facebook. Ang caption ay, "Yung best friend mong ganitong makatingin". Hashtag best friend goals," ani Freia.

"Hashtag relationship goals nalang. Mukha naman silang couple d'yan, e." Natatawang sabi ni Blaire.

"Oh. Mas gusto ko 'yon!" Nag-apir pa silang dalawa at saka mahinang nagtawanan.

Tiningnan ko ang paligid namin at laking pasasalamat ko na lahat ng estudyanteng kasama namin ay tutok na tutok sa discussion. Muli kong binalingan sila Freia.

"Kayong dalawa!" Napatingin sila sa akin. "H'wag kayong magkakamaling i-upload 'yan!"

"Oops! Sorry! Just finished uploading it awhile ago," ani Freia saka mapang-asar na tumawa.

"And look! Ang dami ng likes at nagpu-puso! Ang benta ninyo!" dagdag pa ni Blaire na nakatingin sa cellphone niya.

Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bag. Agad kong binuksan ang facebook ko. Pagkabukas na pagkabukas ko, iyong picture agad ang bumungad sa akin. Naka-tag pa talaga kaming dalawa ni Yaj at ang dami na ngang likes. Sigurado rin na marami na ang nakakita ng picture na ito.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon