CHAPTER 38
Mabilis lang lumipas ang bakasyon. Sa mga araw na iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang magbasa. Minsan naman ay nakakasama ko sila Freia, Blaire at Fred. Gumagala kami sa kung saan naming matrip-an. Syempre pa ay may bonding time din kaming pamilya. Pumunta kami sa isang eco park.
It was a fun yet different summer vacation. Pakiramdam ko kasi parang may kulang? Hindi ko alam kung anong kulang. Or maybe I know what it is yet I keep on denying it.
Mariin akong napapikit at saka nagpakawala ng malalim na hininga.
“Earth to Liel! Hello!” tapik sa akin ni Freia na nakapagpapitlag sa akin.
“What?” I asked.
“Duh. Tinatanong kaya kita!”
I looked at Blaire. She’s busy looking at her cellphone while sipping on her juice. Naramdaman niya yata na nakatingin ako sa kanya kaya nagsalita siya.
“Tinatanong niya kung kailan ka raw mag-eenroll.”
“Yes! Kanina pa kita tinatanong. Kung saan-saan na naman yata napunta 'yang iniisip mo,” umirap pa si Freia.
“Uh… Sorry,” hinging paumanhin ko. “Baka sa Monday, mag-enroll na ako.”
“Oh-kay! Sabay-sabay tayong tatlo na mag-enroll.”
Tumango lang kaming dalawa ni Blaire sa sinabi niya. Binalik ko na ulit ang tingin ko sa ginagawa ko kanina.
Nandito sila Freia at Blaire sa kwarto ko. Nagkukwentuhan kami kanina hanggang sa nauwi na sa kanya-kanyang pinagkakaabalahan ang bawat isa sa amin. Si Blaire nga ay naging busy sa kanyang cellphone samantalang ako ay naging busy sa pagbabasa. Hindi ko naman napansin na si Freia pala ay nagpatuloy sa pagsasalita at pagtatanong ng kung ano-ano.
“Teka nga,” muli akong nag-angat ng tingin kay Freia. May naalala kasi ako. “Paano tayong magkakasabay bukas? Ang layo pa ng paggagalingan ninyo ni Blaire, ah?”
She rolled her eyes and said, “Eh di hintayin mo nalang kami doon sa school.”
Hindi ko rin mapigilang mapairap. “'Wag ako, Freia. Kung si Blaire pa, okay ako kasi hindi yan male-late. Kapag ikaw, siguradong late ka na naman makakarating.”
“Hindi ako male-late.”
“Siguraduhin mo lang, ha? 9 am kailangan nasa school ka na!” panlalaki ko pa ng mata sa kanya.
“Oo na,” pagtatapos niya sa usapan naming saka bumaling kay Blaire. “Uy! Hindi maalis ang tingin mo riyan sa cellphone mo!”
Tinulak ni Blaire ang mukha ni Freia dahil pilit itong dumudungaw sa cellphone niya.
“'Wag kang magulo, Freia. May katext ako,” suway ni Blaire.
“Sus! Lagi kayong magkatext ni Fred! Hindi ba kayo nauubusan ng pag-uusapan?”
“Ewan ko sa'yo.”
At nagpatuloy pa ang pangungulit ni Freia. Natawa nalang ako sa kanilang dalawa.
Monday came.
Maaga akong nagising para mag-ayos. Ngayon ang araw na mag-eenroll na ako. This is it! College.
Nang matapos ako sa pag-aayos ay agad na rin akong bumaba. Naabutan ko sila mama na nasa dining area.
“Buti naman at bumaba ka na. Kakain na tayo,” ani Mama. Binati ko sila saka naupo na sa pwesto ko.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Ficção AdolescenteHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?