Chapter 34
11 Months Later (March)
Dinama ko ang ihip ng hangin. Maaliwalas ang panahon kaya ang daming nakatambay ngayon dito sa park. Naaaliw akong pagmasdan ang bawat isa na may kani-kaniyang ginagawa. Nakakarelax silang panoorin.
“Hey...”
Nilingon ko si Craig na tumabi sa akin. Nakangiti siya kaya't ngumiti rin ako. Iniabot niya ang binili niyang tubig.
“Thanks,” nakangiting sabi ko. Muli kong binalik ang tingin ko sa mga taong narito sa park. Gustong-gusto ko pa rin talaga ang lugar na ito.
“Liel...” narinig kong tawag ni Craig. Hindi ako lumingon.
“Hmm?”
“Okay ka na ba?” malumanay niyang tanong.
Halos matawa ako sa tanong niya. Lagi niyang tinatanong sa akin iyon mula nung nangyari. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na.
Tiningnan ko siya at pinagmasdan. Hindi maipagkakailang gwapo si Craig. Ang dami ngang may crush sa kanyang schoolmate ko. Mabait pa siya at gentleman.
Sa nakalipas na halos isang taon, siya ang madalas kong kasama. Hindi ko alam kung paano nangyari. Ang alam ko lang, isang araw nakita ko siya sa labas ng school na parang may hinihintay. Nakauniporme pa siya ng college nila noon. Akala ko nga hinihintay niya ang kapatid niya. Nalaman ko nalang na ako pala ang pakay niya. Hanggang sa, ayun, lagi na kaming nagkakasama.
Naissue pa nga kami sa room namin. Akala ng mga kaklase ko, boyfriend ko siya. Ganun din ang tingin ng mga kaibigan ko. Tumatanggi naman ako dahil hindi naman iyon totoo. Sinong gugustuhin pang umibig ulit matapos masaktan? Kung sa iba, hindi sila takot, ibahin ako. Nadala na ko dahil unang beses ko pa lang umibig, ayun, nabigo pa.
Humilig ako sa balikat niya at sinandal ang ulo ko doon. Sa tagal ko na siyang nakakasama, nasanay na 'kong laging ginagawa yun. Ni hindi ako nakakaramdam ng pagkailang. Ayos lang din naman sa kanya kung gawin ko iyon.
“'Yan na naman ang tanong mo. Alam mo naman ang sagot ko dyan.”
He sighed. “As in, okay na okay ka na ba?”
Tumingala ako at tiningnan siya. “Bakit mo ba laging tinatanong kung okay na ako? Okay naman talaga ako. Okay na okay.”
Tumingin din siya sa akin. Matagal, seryosong tingin. Ilang sandali bago siya nagsalita.
“Kasi... kung ganun nga, liligawan na kita.”
Natigilan ako sa narinig. Batid kong nanlaki pa ang mga mata ko. Hindi magsink in sa utak ko ang sinabi niya. Tama ba ang rinig ko? Baka guni-guni ko lang yun?
“Uy! Nice joke. Natawa ako!” pilit akong tumawa at umalis sa pagkakahilig sa kanya. Grabe. Ang awkward naman nito.
Kumunot ang noo niya. Lalong naging seryoso ang mukha niya.
“Mukha ba akong nagbibiro?”
Napalunok ako. Nanuyo yata ang lalamunan ko. Napailing nalang ako. Sa tagal ko siyang nakasama, may ganito pala siyang iniisip? Liligawan?
Kriiing!
Napaigtad ako sa tunog ng cellphone ko. I sighed in relief. Hulog ng langit kung sino man ang tumatawag na ito!
Muli akong tumingin sa seryoso pa rin na si Craig. Ipinakita ko ang hawak na cellphone.
“Sagutin ko lang to.” Tumalikod ako sa kanya saka sinagot ang tawag. “Hello?”

BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?