Chapter 39

113 5 1
                                        

Chapter 39

Nilagpasan niya lang ako...

Sinundan ko ng tingin ang direksyong dinaanan ni Yaj. Nakapamulsa siyang tumungo sa linya para sa College of Computer Science. Prente siyang tumayo roon at naghintay. Samantalang hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya.

He has changed, physically. Hindi ko alam kung nagbago rin pati ang ugali niya.

"Gosh! Ang gwapo niya ano?"

"Sino siya? Gwapo!"

"Si Yaj yan! Gwapo talaga yan. Ang ganda pa ng boses."

Dinig ko ang bulungan at bungisngisan ng ilang kababaihan sa paligid ko. Hindi ko sila masisisi. Talaga namang kasing gwa—

Napakurap ako nang mapalingon siya sa pwesto ko. Agad akong humarap sa linya kung nasaan ako at napayuko.

Oh my gosh! Nahuli niya ba ako?! Halos mapatili ako sa naisip.

Okay. Kalma lang, Liel. Kalma lang.

Itinuon ko na lang ang isip ko sa pag-eenroll at hindi na muli pang nakita si Yaj.

Sumapit ang tanghalian. Nagtext si Blaire na nasa cafeteria sila ni Fred, kasama na rin nila si Freia. Dumiretso na ako roon.

Agad ko namang nakita kung saan sila pumwesto at saka sila nilapitan. Nakatingin lang sila sa akin hanggang sa makaupo ako.

"Uy!" pitik ko sa harap nila. "Anong tingin naman 'yan?"

Nanatili lang silang nakatingin sa akin at tahimik. Parang mga ewan.

Inabala ko nalang ang sarili sa kunyaring pagbubuklat ng bag ko para hanapin ang wallet. Sa totoo lang, mukhang alam ko na kung bakit sila ganyan makatingin.

Dahil likas na palasalita si Freia ay mukhang hindi na siya nakatiis. Siya na ang bumasag sa katahimikan.

"So... how's your day, Liel? Hmm?" pasimple nitong tanong. Nagkibit-balikat ako.

"Fine, I guess?" nangalumbaba ako't tiningnan sila.

"Nothing special happened huh?" dagdag pa ni Freia.

"Uh-huh," simple kong sagot. Ayokong ikwento sa kanila ang nangyari at sigurado naman akong alam na nila iyon.

“Di nga?”

Nanatili akong tahimik. Pasasaan ba at mapapagod din siya sa kakatanong.

"You didn't see Yaj?" Blaire asked directly. Napamaang ako.

I expected this. I mean, alam kong magtatanong ng ganito si Blaire. Knowing her, direct to the point siya. Ngunit nagulat pa rin ako.

Tahimik lang akong nakatingin sa kanila. Maging sila ay nakatingin sa akin, tila pinag-aaralan ang reaksyon ko.

"Nakita mo siya," ani Blaire. Hindi iyon tanong dahil sigurado siya sa sinabi. Dahan-dahan akong tumango.

"I... Nakita ko siya... Kanina."

"And?" ani Freia nang hindi na ako magsalita.

Nagkibit-balikat nalang ulit ako.

“Yun lang.” Ayokong magkwento sa kanila. Not now.

"Hayaan n'yo na nga si Liel. Kung 'di n'yo pansin, ayaw niyang magkwento sa inyo kaya bumili nalang tayo ng pagkain dahil gutom na ako. Okay? You're welcome, Liel," singit ni Fred na nakaakbay kay Blaire. Napangiti naman ako sa kanya. Saved by him!

"Gutom ka na naman!" biglang bulyaw ni Freia sa kakambal at binatukan ito. Napa-aray tuloy si Fred. Napatawa naman kami ni Blaire.

Our lunch went well. Marami-rami rin kaming napag-usapan tungkol sa enrolment. Alam ko rin na gusto pang magtanong nila Freia tungkol sa nangyari kanina. Ipinagpapasalamat ko nalang na hindi na muna sila nangulit. Siguro kapag nagkaroon ulit kami ng bonding time, saka nila itatanong iyon.

Nagkahiwa-hiwalay ulit kami matapos kumain. Magkakaiba kami ng course na kukunin kaya't hindi kami magkasama-sama sa pag-eenroll.

Ilang oras akong nagpaikot-ikot sa campus dahil kung saan-saan ako pinapapunta. Mabuti nalang at natapos na rin ako. Sa wakas! Pahinga na.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. 3:46 PM.

Maglilibot-libot pa muna ako sa rito sa campus para ma-familiarize ako sa bawat sulok nito.

Napadpad ako sa malawak na gymnasium. May ilang nagpra-practice doon ng basketball. Napunta rin ako sa iba't ibang area ng bawat colleges, sa pool area na para sa swimming lessons, sa floating restaurant na para sa HRM students at sa kung saan-saan pa.

Huli kong pinuntahan ang malawak na field. Mukhang soccer field ito. May nakapalibot na mga puno. Mukhang pwedeng tumabay rito at maggawa ng school works kung sakali dahil may ilang mesa at mga upuan din sa paligid. Parang tulad lang ito roon sa school ko noong high school, mas malawak nga lang talaga ito.

May mangilan-ngilan din na tao rito. Mukhang dito nila naisipan tumambay matapos makapag-enroll.

Pinili kong tumayo nalang malapit sa may puno. Dinama ko ang ihip ng hangin sa aking balat. Rinig ko rin ang iba't ibang ingay mula sa mga taong narito. May naririnig pa nga akong malumanay na nagta-tap. Mukhang sa isang mesa sa paligid ang ingay ng pag-tap na iyon. Hindi ko nalang pinansin dahil maganda namang pakinggan.

Napapikit ako. Ah... Gusto ko ang lugar na ito. Mukhang dito na ako makakatambay tuwing vacant time ko kapag pasukan na.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti.

Maya-maya pa'y narinig kong sinabayan ng pagkanta ang pag-tap na kanina ko pa naririnig. Napamulat ako.

"If I had just one more life
If I had just one more day
You would be my whole world
Be the only one I adore and
The next time, I hold you close
I won't hesitate no more
'Cause baby this time
We're gonna fly high
And I will never let you go...

'Cause baby I know that you still love me
And baby know that I love you too
So tell me why can't we make it better
Cause all that I know is found in you..."

Napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses na iyon.

Halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ako nagkamali. Boses nga niya iyon.

He's looking at me. His eyes looked cold but not his voice. His voice... How I missed his voice.

Parang nangyari na ito noon...nung una kong marinig ang boses niya habang kumakanta. Yung puso ko...muling nabuhay at ngayo'y nagwawala na. Tanging sa kanya lang ako nagkakaganito.

Sa kanya lang.

"Yaj..."



•••

Author's Note:

That's it! Alam ko pong maikli. Pasensya na po. Ngunit naisip ko kasing mas ayos na ito, kaysa naman sa pahabain ko pa, e, hindi naman importante ang mga idadagdag kung sakali.

Pasensya na sa tagal ng updates. Ang totoo niyan, dapat talaga noong Jan. 1 ay may update ako. Kaya lang, sumama ang pakiramdam ko. Actually, hanggang ngayon ay sinasama pa rin ako. Hehe. Pasensya na po.

Ayan, nasa pangalawang yugto na tayo ng kwento. Ano nang mangyayari kila Liel at Yaj? Abangan.

Song used: Still In Love by Jason Chen

— Ellesee (yourtypicalscribbler)

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon