Chapter 21

132 10 3
                                    

Chapter 21

KANINA pa ako paikot-ikot dito sa San Nicholas Public Market para humanap ng Christmas gift. Ilang araw na lang at pasko na pero ngayon lang ako mamimili ng panregalo.

               Actually, isang regalo na lang ang kailangan ko. Tapos ko nang hanapan ng pwedeng iregalo kina mama, papa at kuya. Sina Blaire, Freia at Fred ay nahanapan ko na rin ng regalo. At kahit masama ang loob ko kay Yaj, naisip ko pa rin na bigyan siya ng regalo.

               Heto ako ngayon at hindi malaman kung ano ba ang dapat kong ibigay sa kanya. Hindi ko alam kung ang mapipili kong iregalo ay magugustuhan niya o hindi. Ni hindi ko nga alam kung paano ko maibibigay sa kanya 'yon kung sakali.

                Sandali akong huminto sa paglalakad at saka inilibot ang tingin. Napadako ang tingin ko sa isang botique. Lumapit ako roon at tiningnang maigi ang nakadisplay.

                 It's a cute teddy bear made out of...a towel?

                 "Miss, panregalo po? Maganda po 'yan," tanong ng isang babae. Siya siguro ang nagbabantay dito sa botique. Itinuro pa niya ang tinitingnan ko.

                 "Towel po ba 'yan?" nakangiti kong tanong.

                 "Oo, miss. Ginawa lang naming mukhang teddy bear," sagot niya. Pinakita niya sa akin ang isang towel. Halos katulad lang ng Bench 'n Bath ang towel na 'yon, mas malaki lang iyon.

                 Muli akong napatingin sa towel teddy bear. Ang cute talaga no'n.

                 Tutal volleyball player naman si Yaj at maiiwasang pagpawisan sa larong iyon, ayos na siguro kung ito ang regalo ko. Magagamit pa niya.

                 "Paano po 'yon? Pwede po bang kayo ang mag-form sa towel na maging teddy bear?" naitanong ko. Hindi ko naman kasi alam kung paano iyon gawin.

                 Nakangiting tumango sa akin ang babae. "Pili na po kayo ng kulay na gusto niyo. Ako na pong bahala."

                 At iyon nga ang ginawa ko. Pumili ako ng dalawang magkaiba ang kulay na towel.

                Habang hinihintay kong matapos ang ginagawa nung babae kanina ay nagtingin-tingin muna ako ng iba pa nilang tinda. Napansin kong puro cute stuffs ang nandito sa botique na ito.

                "Liel!"

                Napatigil ako sa pagtitingin ng mga display nang may narinig akong tumawag sa akin. Agad kong hinanap kung sino 'yon.

                "Liel..." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa gilid ko. Tiningnan ko kung sino 'yon.

                "Uy, Craig. Ikaw pala." Nakangiti kong bati sa kanya. "Anong ginagawa mo dito?"

                "Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" pabalik niyang tanong sa akin. Itinaas ko ang kamay kong may bitbit ng pinamili ko kanina. "Christmas gifts, eh? Bibigyan mo rin ba ako?"

                Natawa naman ako sa tanong niya. “Gusto mo ba?”

                “Just kidding!”

                Sinabayan niya rin ang pagtawa ko. Para kaming mga ewan na nagtatawanan. Napahinto lang ako sa pagtawa nang may dumaan sa gilid namin. Nasamyo ko ang bango ng pabangong panlalaki.

                 Parang alam ko kung kaninong pabango 'yon, ah?

                Agad kong sinundan ng tingin ang taong 'yon ngunit tanging ang likod na lamang ang nakita ko. Isang lalaking nakatalikod.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon