Chapter 2
"Nice one, guys! Ang taas ng nakuha nating grade kanina." Tuwang-tuwa si Freia na mataas ang nakuha naming grade. Katatapos lang naming magperform para sa MAPEH activity namin.
Sabay-sabay kaming naglalakad ngayon papunta sa canteen. Sa lahat ng mga kaklase ko, sila ang pinakaka-close ko. Simula first year naman ay magkakaklase na kami. At simula rin no'n ay palagi na kaming magkakasama.
"Yes naman! Ang galing kaya natin," proud na sabi ni Fred.
"Ako talaga ang nagdala sa grupo natin, e. Ako kaya ang pinakamagaling kumanta," pagyayabang naman ni Freia.
"Sus. Ako kaya ang pinakamagaling," sansala naman ni Fred. At dun na nagsimula ang bangayan nilang magkapatid. Yes, magkapatid sila. They are twins, actually. Minsan nga hindi mo aakalaing magkapatid sila. Baka nga akalain mo pang magkasintahan sila na may palaging may lovers quarrel.
"Oy! Tama na 'yan," awat sa kanila ni Blaire. "'Wag na kayong mag-away. Bilisan na natin para makarating na tayo sa canteen. Gutom na ako."
"Oo nga. Gutom na rin ako," sang-ayon ko kay Blaire.
Malapit na kami sa entrance ng canteen nang may naramdaman akong mabigat na pumatong sa balikat ko dahilan para mapatigil ako. Tiningnan ko kung ano ang nakapatong na iyon.
Braso. Nakaakbay sa akin. Base sa itsura ng brasong iyon, mukhang lalaki ang nakaakbay sa akin.
Nilingon ko ang nasa kaliwa ko at tama nga ang hinala ko. Lalaki nga ang nakaakbay sa akin.
Pakiramdam ko biglang umakyat ang dugo ko sa mukha ko.
"Ikaw na naman?!" sigaw ko sa kanya. Pilit kong tinatanggal ang braso niyang nakaakbay sa akin pero hindi ko magawa. Ang lakas niya.
Napansin kong napatigil na rin sila Blaire at tumingin sa pwesto namin. Napansin ko rin na pinagtitinginan kami ng ibang estudyanteng papunta na sa canteen.
Gosh. We're making a scene.
Patuloy pa rin ako sa pagpipilit na maalis ang brasong nakaakbay sa akin. "Ano ba?! Alisin mo nga 'yang braso mo. Ang bigat!"
Naiirita na ako sa kanya. At mas lalo pa akong nairita nang makita kong nakangisi siya sa akin. Pesteng lalaki ito.
"Anong ingini-ngisi-ngisi mo dyan?" singhal ko ulit sa kanya.
"Ang sungit mo talaga," nakangisi pa ring sabi niya. Pinisil pa niya ang ilong ko gamit ang isa niyang kamay kaya lalo akong nainis. "Smile ka naman, bes. Ang pangit mo na, e." Ngumiti na naman siya ng nakakaloko.
Bes? Bes?! Anong bes? Magbest friend ba kami? Ni hindi ko nga siya kilala, e!
Pinapainit niya talaga ang ulo ko.
Narinig ko namang nagbubulungan na ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin.
"Bes? Mag-best friend ba sila?"
"Siguro. Bes ang tawag sa kanya ni Yaj, e."
"Eh? Babae ang best friend niya?"
"Ano ka ba! Uso ngayon ang babae at lalaking mag-best friend, 'no!"
Nairita ako lalo sa bulungan nila. Parang mga bubuyog.
"Anong 'bes' ka dyan? Best friend kita? Ha?!" naiinis na tanong ko sa kanya. "Hindi nga kita kilala, e!" dagdag ko pa. Lalo namang umingay ang paligid namin.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Novela JuvenilHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?