Chapter 36
Naiwan akong tulala dito sa field. Tuluyan ng nakaalis si Yaj. Natuyo na rin ang aking mga luha. Pero ang bigat at sakit sa dibdib ko, hindi nawala.
Bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit ang sakit magmahal?
Napayuko ako at muli na namang tumulo ang luha ko. Akala ko wala na akong mailuluha. Ang nakakatawa pa, dapat masaya ako ngayon dahil graduate na ako, e. Ngunit ano ito?
“Liel...” Isang marahang tapik ang naramdaman ko sa aking balikat.
Mabilis kong pinalis ang mga luha at inangat ang tingin. Agad namang yumakap ng mahigpit sa akin si Freia. Naiyak na naman ako.
“Tahan na...” alo niya sa akin. Naramdaman ko rin ang isa pang marahang tapik. Si Blaire iyon, alam ko.
Nanatili kami sa ganoong posisyon. Yakap ako ni Freia habang tinatapik ni Blaire ang balikat ko. Nang kumalma na ako't hindi na umiiyak, kumalas na ako sa yakap ni Freia.
“Tara na,” aya ko sa kanila, pilit akong nakangiti.
Pinakatitigan naman ako ng dalawa. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila dahil ayokong makita ang pag-aalala sa mga mukha nila. Hindi sila dapat nag-aalala sa akin. Kaya ko naman. Kakayanin ko pa.
Bumuntong hininga si Blaire at sinabing, “Sige. Tara na. Kanina pa tayo hinihintay ng mga magulang natin.”
Wala kaming imik hanggang sa makabalik sa court na pinagdausan ng graduation namin.
Hanggang sa makauwi kami ay nanatili lang akong tahimik. Feeling ko kasi, kapag nagsalita ako, maiiyak lang ako.
I sighed.
After 11 months, ngayon nalang ulit ako nagkaganito. Sabagay, pinilit ko kasing maging masaya. At sa pagpipilit kong iyon, si Craig ang naging sandalan ko.
Si Craig... Isa pa siya sa iniisip ko ngayon. Hindi ko talaga alam na may gusto siya sa akin. Ano na ang gagawin ko ngayon?
“Uy, panget!”
Napatingin ako kay kuya nang magsalita siya. Bahagya pa nga akong nagulat sa boses niya.
“Anong drama yan? Tulala lang?” Ngumisi siya.
Kung sa ibang araw nangyari ito, malamang nasagot ko na siya agad. Ngayon kasi ay wala akong lakas para sagutin siya. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako.
Mukhang napansin naman niyang hindi ko feel makipag-asaran sa kanya.
“Sasabihin ko lang sana na kanina pa tumutunog ang cellphone mo. Wala ka bang balak sagutin yan?”
Napatingin naman ako sa cellphone ko na nasa center table. Tumutunog nga iyon.
Kinuha ko iyon at tiningnan.
Freia's Calling...
“Pupuntahan ko lang sila papa at tito sa labas.”
Hindi ko na pinansin si kuya. Sinagot ko ang tawag.
“Ipapaalala ko lang, friend! May sleepover tayo ngayon dito kila Blaire.” Iyon agad ang bumungad sa akin.
Saka ko lang naalala ang napag-usapan namin noong nakaraan.
“Di pwedeng ipostpone 'to. Napag-usapan na natin 'to.”
For the nth time, I sighed.
“Sige. I'll be there in a few.” I hung up.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Dla nastolatkówHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?