Chapter 27

131 9 0
                                        

Chapter 27

TAHIMIK akong naglalakad patungo sa classroom namin nang may tumawag sa akin. Sa boses pa lang ay alam ko na agad kung sino iyon.

Nakakunot ang noong humarap ako sa direksyong naringgan ko ng pagtawag sa akin. At doon ay nakita ko si Freia na parang batang nakawala at tumatakbo. Sa likod niya ay nakasunod si Blaire

“Ano namang problema mo? Kung makasigaw ka...” agad kong sinabi nang makalapit siya sa akin.

Kahit hinihingal dahil sa pagtakbo niya ay nakuha pa niyang ngumiti. Iyon 'yong ngiting may nalaman siya na hindi ko alam. Basta!

“Ano na naman?” kunot ang noong tanong ko pa.

“Saan ka galing kahapon?” balik tanong niya, tinataas-taas pa ang kilay niya.

Inirapan ko naman siya at saka nagpatuloy na sa paglalakad. Hindi ko na siya sinagot dahil mukhang alam niya naman ang sagot. Hindi siya magtatanong ng gan'yan kung wala siyang nalaman. Saan naman kaya niya nalaman, kung ganoon?

“Hayaan mo nga iyang si Liel, Freia. Ang aga-aga, nakikichismis ka na agad,” ani Blaire na nakalapit na sa amin.

Nang sulyapan ko sila ay kasama na rin pala nila si Fred. Hindi pa rin ako umimik pero makulit talaga si Freia at hindi nagpapigil.

“Si Liel kasi, e! Naglilihim sa atin! Nag-date pala sila ni Yaj kahapon!” malakas na sabi ni Freia dahilan para mapatingin ang mga estudyanteng malapit sa amin.

Kung may kinakain lang siguro ako, malamang ay nabulunan na ako. Date?!

“Anong date naman ang sinasabi mo, Freia?!”

Nagpipindot siya sa cellphone niya. Nang matapos siya ay pinakita niya sa akin ang kung anong ginawa niya.

Bumungad sa akin ang Facebook app niya nang tingnan ko ang cellphone niya. Agad kong kinuha iyon at pinakatitigan ang nakaview na picture. Tiningnan ko rin ang caption noon.

“What... What the?!” naibulalas ko.

The caption says, “Oh, look! Looks like they're on a date!”

Ang nasa picture ay iyong nasa Dunkin' Donuts kami. Nasapo ko ang noo ko. Siguradong iyong dalawang babae na pinag-uusapan kami ang kumuha ng picture.

Hindi na dapat ako magulat. I mean, sigurado namang may iba pang nakakita sa amin ni Yaj na kilala kami na magkasama kami kahapon. Pero hindi na naman dapat iyon pinost pa sa Facebook. At anong ‘date’?!

“Mali naman 'yang caption! Hindi naman kami nag-date!” depensa ko.

“So, magkasama nga kayo kahapon?” pagkukumpirma ni Freia. Natutop ko ang bibig at hindi nakasagot. “Saka, anong tawag mo sa babae't lalaki na sila lang ang magkasama na kumakain sa kainan? Hindi ba't date iyon?” dagdag pa niya, binigyang diin ang salitang date.

“Freia, 'wag kang tsismosa. Pabayaan mo na lang si Liel,” suway ni Fred sa kapatid. “Tara na. Male-late na tayo.” Nauna nang umalis si Fred.

Kinawit naman ni Freia ang isang kamay sa braso ko, pati na rin ang isa pa niyang kamay sa braso ni Blaire.

“Basta, ha! May utang kang kwento!” pinal na sabi niya sa akin bago kami hinila ni Blaire.

Nagkatinginan kami ni Blaire. Nagkibit-balikat lamang siya. Wala na akong magagawa, kailangan kong magkwento sa kanila mamaya.

“NANG papasok na sana ako sa loob ng bahay, mukhang may gusto pa sanang sabihin si Yaj. Hindi lang niya naituloy,” pagtatapos ko sa kwento.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon