Chapter 33
[Freia's Point of View]
Awkwaaaard!
Ang awkward ng feeling! Grabe. Feel na feel ko ang awkwardness sa paligid. Ewan ko lang kung feel din yun ng iba.
Habang tinitingnan ko si Liel, hindi ko mapigilang maawa sa sitwasyon niya. I bet it's hard to see the one you love with someone else. I bet it hurts. Kung ako siguro ang nasa posisyon ni Liel, kanina pa ako umiiyak.
“What did you feel nung prom, Allaine? Kilig na kilig kami sa moment n'yo!” tanong ng kaklase kong feeling close kay Allaine.
Gusto kong mapairap nang marinig ko yun. Duh! Kailangan talagang itanong yun? Ang tagal na nun, ah? Di makaget over?
“Syempre, kinilig ako! Grabe lang! Imagine, ang daming taong nakapanood nung surprise ni Yaj! I didn't expect it. Akala ko simpleng liligawan niya lang ako. May ganun pa pala,” sagot naman ni Allaine na mahina pang natawa.
I rolled my eyes. I don't like her, mukha siyang plastic.
I looked at Liel. Napansin kong natense siya. Mukhang narinig niya ang sinabi ni Allaine at naaapektuhan siya ngayon. Lalapitan ko na sana nang hawakan naman ako ni Blaire.
“Don't,” simpleng sabi niya.
“But...” She motioned me to look back at Liel. Umupo sa tabi niya yung kapatid ni Allaine.
“Tingnan mo pa yun,” sabi pa ni Blaire. Pasimple niyang tinuro yung isang direksyon. Nang tingnan ko, nakita ko si Yaj and he's now looking at Liel and Craig!
Hindi ko alam kung tama ba yung nakikita kong emosyon sa mga mata niya. And if it's true, why? Gusto ko siyang tanungin kung bakit ganito sila ngayon ni Liel.
“Blaire...” mahinang utas ko. “Sa tingin mo, pareho lang sila ng nararamdaman?” Hindi ko alam kung nagets ni Blaire ang sinabi ko. But knowing her, alam kong makukuha niya rin yun.
“Ano ba sa tingin mo?” makahulugan niyang tugon.
I looked around. Masaya nang nagsi-swimming ang iba naming kasama. Ang iba ay naiwan din dito sa cottage upang kumain at makipagkwentuhan. Gaya ng sabi ko kanina, hindi ko alam kung pansin nila ang awkwardness ngayon.
Muli kong tiningnan sila Liel at Yaj. Gosh! They are complicated.
~•~
[Liel's Point of View]
I stiffened when I heard what my classmate asked to Allaine. Mas lalo pa akong nanigas sa kinauupuan ko nang marinig ko ang sagot ni Allaine. I didn't dare to look at them.
Sa narinig ko, hindi ko mapigilang mapatanong sa sarili. Ang daming bakit sa isip ko. Ang daming tanong na hindi masagot.
Bakit ba hindi ko napansin na gusto pala ni Yaj si Allaine? Nung palagi ko silang nakikita ni Allaine na magkasama, nililigawan na ba niya si Allaine? Nung practice nung cotillion. Nagtatawanan sila. Bakit? Did Yaj whispered sweet nothings to get into her heart?
I felt betrayed but I don't know why. Pero higit sa lahat, mas dama ko yung sakit. Heto na naman, nasasaktan na naman ako.
Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.
“Hey...” malumanay na sabi ng katabi ko. Binigyan ko ng tipid na ngiti si Craig.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Ficção AdolescenteHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?