Chapter 12
Pilit akong ngumiti kila Blaire at saka tumango.
"Tara na," aya ko sa kanila. Tumalikod ako. Sa ibang direksyon na lang ako dadaan para hindi ako makita ni Yaj, para rin hindi ko na sila makita.
Nararamdaman ko namang nakasunod sa akin sila Blaire. Tahimik lang kami. Walang gustong magsalita sa amin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas sa school.
"Sige, Liel. Ingat sa pag-uwi. Bye!" Si Freia na ang bumasag sa katahimikan.
Tiningnan ko siya. Nakangiti siya sa akin at kumakaway. Kahit pakiramdam ko ay hindi ko kayang ngumiti ay pinilit ko pa rin. Nginitian ko siya, pati na rin sila Fred at Blaire.
"Sige. Ingat din kayo." Paalam ko at kinawayan sila.
They give me one last look. Siguro iniisip pa rin nila 'yung nakita namin kanina. Sus. Wala lang naman iyon. Wala lang talaga.
Muli ko silang nginitian, assuring them that I am okay. Pagkatapos nilang makita ang ngiti ko ay tumalikod na sila. Tinanaw ko sila hanggang sa hindi ko na sila makita.
Huminga ako nang malalim at saka humarap sa daan pauwi sa bahay namin. Mabagal lang ang paglalakad ko. Medyo maaga pa naman, hindi pa papalubog ang araw, kaya ayos lang. Marami pa akong kasabay na mga estudyanteng naglalakad din.
Nadaanan ko na naman ang paborito kong park. Hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ko iyon.
Agad akong lumakad papunta sa isang bench na nandoon. Umupo ako at saka inilibot ang tingin sa paligid. May mga estudyante rin na nandito at nakatambay. Ang iba naman, sa tingin ko, ay may group work.
Huminto ang tingin ko sa fountain na hindi kalayuan sa akin. Tumatama ang sinag ng papalubog pa lang na araw sa tubig ng fountain. Ang gandang tingnan.
Maya-maya lang ay may narinig akong parang nag-strum ng gitara. Hinanap ko kung saan iyon nanggaling. Mabilis ko lang din na nahanap kung saan dahil halos nasa tabi ko lang ang naggigitara.
Sa katabi kong bench ay isang lalaking naggigitara. Sa tingin ko ay may lahing Australian ang lalaking iyon base sa nakikita kong foreign features niya. Napansin ko rin sa 'di kalayuan ang ilang mga dalaga na nakatingin din sa kanya. Mukha pa silang kinikilig.
Ang lakas ng appeal, ah.
Biglang napatingin sa akin 'yung lalaki. Nagulat ako. Hindi ko malaman kung iiwas ba ako ng tingin o ngingitian siya. Nang nakita kong ngumiti siya ay napangiti na rin ako.
Tumayo siya. Akala ko ay aalis na siya, hindi pa pala. Lumipat lang ng pwesto. Sa tabi ko.
"Hey. I hope you don't mind me sitting beside you." Nginitian ko lang siya bilang tugon. "Ah... kumakanta ka ba?" Nagulat ako nang muli siyang magsalita. Nagtatagalog naman pala ito.
"Yes. Why?"
"Gusto ko kasing may makasamang kumanta. Pwedeng ikaw na lang?" Napakunot naman ako ng noo. Ang weird naman nito. Gusto lang na na may makasamang kumanta talagang dito pa dumayo?
"Talagang dito ka pa dumayo para lang d'yan." Hindi ko maiwasang sabihin. Natawa naman siya sa sinabi ko. Napanguso naman ako. May mali ba sa sinabi ko?
"Mas gusto ko kasi na sa park kumakanta tapos stranger iyong kasama kong kakanta." Nakangiti niyang sabi. Ang weird lang talaga niya. Mas gusto niyang stranger ang kasama niyang kakanta. Eh, paano kaya kung magnanakaw pala ako? 'Di napa'no na 'to. "So, pwede ka ba?"
Napahinga ako nang malalim. Wala namang masama, 'di ba? Mukhang ito nalang naman ang una at huli naming pagkikita.
Tumango ako sa kanya. "Sige."
BINABASA MO ANG
For the First Time
Підліткова літератураHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?