Chapter 9

146 9 1
                                    

Chapter 9

Namimigat pa ang talukap ng aking mga mata nang magising ako.

Hating-gabi na nang makatulog ako kagabi. Hindi ako pinatulog sa kakaisip sa sinabi ni ate Yas. Wala naman dapat akong maging pakialam sa kung sino mang babae ang tinutukoy ni ate Yas. Wala dapat pero hindi ko mapigilan ang pag-iisip.

"Gusto ko pang matulog," bulong ko sa sarili.

Gusto ko pang matulog ngunit alam kong kailangan ko na talagang gumising. Ayokong ma-late, Lunes na Lunes pa man din. Kaya kahit na inaantok pa rin ako, pinilit kong tumayo at dumiretso sa C.R. ng kwarto ko. Naligo na ako at nag-ayos para pumasok. Nang matapos ako ay bumaba na agad ako at pumunta sa dining area. Naabutan kong nakaupo na si kuya at si papa na nagbabasa ng dyaryo. Si mama naman ay abala sa pag-aayos ng mga pagkain.

"Magandang araw, Cuevas!" Bati ko sa kanila.

"Ang aga-aga, nakasigaw ka d'yan! Siguradong rinig na rinig 'yang sigaw mo hanggang sa labas!" pang-aalaska sa akin ni kuya Levinn. Sinimangutan ko naman siya.

"Panget!" ganting pang-iinis ko sa kanya.

"Mas panget ka!"

"Oh. Tama na nga iyan. Ang aga-aga nag-aaway kayong dalawa." Singit ni mama sa bangayan namin. "Maupo ka na, Liel para makakain ka na."

Sinunod ko ang utos ni mama at naupo na. Nagsimula na rin kaming kumain. Hindi naman nawala ang paminsan-minsang asaran namin ni kuya. Routine na namin ang ganito araw-araw kaya sanay na ako.

Nang matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa kanila. Ilang minuto na lang kasi ay magsisimula na ang flag ceremony namin at kailangang nando'n ako.

"Ma, pa, una na po ako." Nagmano muna ako sa kanila para magpaalam at tsaka ko binalingan si kuya. "Bye, kuyang panget!" paalam ko sa kanya tsaka ako tumakbo palabas sa bahay namin. Saglit akong naghintay ng tricycle. Nang may tumigil na sa tapat ko ay agad akong sumakay.

Maya-maya pa ay nakarating na ako sa school namin. Dali-dali akong nagbayad kay manong driver tsaka bumaba. Tinakbo ko na ang distansya papunta sa school field kung saan ginaganap ang flag ceremony. May ilan pa akong nabanggang estudyante dahil sa pagtakbo ko. Ang tanging sinasabi ko na lang ay 'sorry'.

"Hah!" Hinihingal ako nang makarating ako sa linya ng section namin.

Note to self: Huwag nang magpupuyat. Nakakainis! Ang aga-aga, haggard na yata agad ako.

"Oh? Hingal na hingal ka yata, Liel?" Boses iyon ni Freia. Tiningnan ko siya.

"Hindi mo ba nakita, Freia? Tumatakbo 'yan kanina papunta dito," ani Blaire.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

"Akala ko kasi male-late ako. Alam n'yo namang ayokong nale-late," paliwanag ko.

Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagsasalita ko ay napansin ko na ang panlalaki ng mga mata nilang dalawa. Nagsisikuhan pa sila. Tiningnan ko si Fred na nasa line ng boys na katapat lang namin, ayun at walang pakialam. Ibinalik ko ang tingin ko kila Blaire at nakita kong nagsisikuhan pa rin sila. Nagtaka na ako.

"Anong nangyayari sa in—?"

Hindi pa ako tapos magsalita nang may maramdaman akong nagpupunas ng noo ko. Tiningnan ko kung sino bigla nalang gumawa no'n. Para bang automatic nang nagsirko ang kung anumang nasa sistema ko nang makita kong si Yaj ang gumagawa no'n.

Right in front of me is Yaj, looking so fresh. He's wiping the beads of sweat on my forehead.

"Ang aga-aga, pawis na pawis ka na agad." Seryosong siya nang sinabi niya ang mga salitang iyan. Nakatingin lang ako sa kanya. May gusto akong sabihin na hindi ko maisatinig. Para akong naputulan ng dila.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon