Chapter 14

113 9 3
                                        

Chapter 14


"Mine!"

"Mine!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko ang mga sigaw na iyon. Papunta ako sa faculty room para dalhin doon at iabot sa isa naming guro ang folder na naglalaman ng mga activities namin. Saktong nadaanan ko ang gymnasium. Sinilip ko ang loob. May mangilan-ngilang estudyante ang nandoon. Ang ilan ay nakaupo sa bleachers samantalang ang iba ay nakatayo malapit sa entrance ng gymnasium at pinanonood ang mga naglalaro.

Hindi ako lumayo sa entrance ng gym. Pumwesto ako sa gilid kung saan kita ko pa rin naman ang mga naglalaro.

"Ah, excuse po," agaw ko sa pansin ng babaeng kalapit ko. Lumingon ito sa akin ngunit nanatili itong tahimik. "Ano pong meron? Bakit sila naglalaro?"

Agad naman siyang sumagot. "Ah, practice game daw ng players ng volleyball," aniya saka muling ibinalik ang tingin sa mga naglalaro.

Practice game? Para saan?

Muli kong nilingon ang court kung saan naglalaro ang mga player ng volleyball. Volleyball boys ang naglalaro.

I scanned the faces of the players. Nakita kong naroon si Fred. Kaya pala wala siya kanina. Muli kong tiningnan ang mga naglalaro. Ewan ko ba. Pakiramdam ko'y may hinahanap akong mukha sa mga naglalaro. And I confirmed it when I saw a familiar face.

Seryoso siyang naglalaro ng volleyball. Tagaktak ang kanyang pawis. Hindi ko akalain na nakapasok pala siya nung nag-tryout siya.

Kipkip ko ang folder na hawak ko habang pinapanood pa rin ang bawat galaw ni Yaj. Hindi ako mahilig manood ng volleyball ngunit sa tingin ko ay isang magaling na manlalaro si Yaj. Ang bilis ng mga kilos niya. Ibang klase ang bawat tira niya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatayo lang dito sa gilid habang pinapanood ang laro... habang pinapanood si Yaj.

Napabuntong-hininga ako. I admit, I miss him. I miss his playful remarks. It's been three weeks since the last time that I've been with him but it feels like three years for me.

Dati, tinatanong ko kung bakit ko ba nararamdaman ito? Bakit ko siya namimiss? Bakit ako nasasaktan dahil sa kanya? Bakit hinahanap-hanap ko siya? Hindi ko kasi alam kung bakit. Hindi ko alam noon pero ngayon, alam ko na kung bakit. And it's all beacuse of that four-lettered word I never thought that I'd feel.

And it sucks.

Pumito ang coach nila, hudyat na tapos na ang laro.

Nanatili akong nakatingin sa grupo nila Yaj. Sinusundan ko ang bawat galaw niya. Nakita kong seryoso siyang nakikipag-usap sa kanyang mga kasama. Nanatili lang akong nakatitig sa mukha niya nang mapadako ang tingin ko sa kanyang likuran.

Sa likuran niya'y naglalakad ang isang babae habang may hawak na maliit na towel. Siya rin 'yung babaeng nakikita kong kasa-kasama ni Yaj. Siya na naman.

Tumalikod na ako nang makita kong lumapit ang babaeng iyon kay Yaj at pinunasan ang mukha niyang pawisan.

Sino ba ang babaeng iyon? Bakit lagi silang magkasama ni Yaj?

Bahagya akong napayuko at napahawak sa aking dibdib nang makatalikod na ako. Heto na naman itong nararamdaman kong ito. Lagi na lamang.

Napailing ako at saka mapait na napangiti. Ihahakbang ko na sana ang aking mga paa nang marinig ko ang boses na tumatak na yata sa isip ko.

"Liel?"

Hindi muna ako agad na lumingon. Kinalma ko muna ang sarili ko. Sana hindi na niya kasama ang babaeng iyon, paulit-ulit na dalangin ko sa aking isip.

Dahan-dahan akong lumingon sa aking likuran nang may ngiti sa labi na bahagyang naglaho dahil sa aking nakita. Tunay ngang hindi lahat ng naisin mo ay siyang makukuha mo.

Bumaba ang tingin ko sa braso ni Yaj kung saan nakakapit ang kamay ng babaeng iyon. Sandaling nanatili doon ang aking tingin bago ko tingnan ang mukha ni Yaj.

"Oh? Yaj," tanging nasabi ko. Muli kong pinaskil ang pilit na ngiti sa mukha ko.

Naglakad siya palapit sa akin na naging dahil upang mapabitiw sa pagkakakapit ang babaeng kasama niya. Bahagya pa akong nagulat nang maramdaman kong yakap-yakap na ako ni Yaj. Heto na naman ang agarang pagbilis ng tibok ng aking puso.

"Uy, Yaj." Natatawang itinulak ko siya nang kaunti. Natatakot akong maramdaman niya ang bilis ng tibok ng aking puso kaya ko iyon ginawa. Lumayo naman siya at saka nakangiting tiningnan ako.

"Grabe," aniya na bahagya pang natawa, "parang ang tagal kitang hindi nakita, ah?"

Natawa na rin ako. "Oo nga, eh." Lagi mo kasing kasama ang babaeng nasa likuran mo, nais ko sanang idagdag.

"At dahil ngayon lang ulit kita nakita, manlilibre ka!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Talagang ako pa ang manlilibre, ha? May utang kaya siya nung birthday ko! Nung birthday ko... Nevermind.

Hinampas ko si Yaj sa braso. "Grabe ka! Ako pa talaga ang manlilibre? Ako? Nakakahiya naman sa 'yo ano?" Tumawa siya nang malakas at saka ako inakbayan. Ginulo pa niya ang buhok ko.

In fairness, mabango pa rin siya kahit hindi pa niya napapalitan ang pawisan niyang damit.

"Sus. Binibiro lang kita. Ikaw talaga, bes." Ayan na naman 'yang bes na 'yan. But then, natawa na lang ako. Tumawa rin siyang muli.

Natigil lang ang tawanan namin nang makarinig kami ng malakas na pagtikhim. Agad na nabaling ang atensyon namin sa babaeng nakatayo sa harapan namin -- sa babaeng kanina'y kasama ni Yaj.

Kumalas sa pagkakaakbay sa akin si Yaj. "Oo nga pala. Liel, si Allaine, kaklase ko. Siya 'yung transferee na naging kaibigan ko na rin," aniya at saka inilahad ang kamay sa tinukoy niyang si Allaine. "Allaine, si Liel, best friend ko."

Lihim akong natawa sa isip ko nang marinig ko ang pakilala sa akin ni Yaj. Best friend. Yeah. Best friend. Ano pa bang aasahan kong pakilala niya sa akin? At, ano? Kaibigan niya lang ang Allaine na ito? Kung titingnan sila kanina'y tila hindi sila magkaibigan lang.

Tiningnan ko si Allaine. Nakatingin na rin siya sa akin. Siya na ang naunang maglahad ng kamay sa akin.

"Hi. Nice meeting you, Allaine," bati ko sa kanya nang tinanggap ko ang kamay niya at nakipag-shake hands.

"Nice meeting you, too."

Ewan ko kung ako lang ba o ano. Nakangiti naman siya sa akin nang sabihin niya iyon ngunit iba ang naramdaman ko. Ang dating sa akin ng ngiti niya ay may pagkaplastic, 'yung parang hindi totoo. Lalo pang tumindi ang pakiramdam kong iyon nang maramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko.

Saglit lang at ako na ang unang bumitiw sa pakikipagkamay. Napalingon ako kay Yaj nang magsalita siya.

"Wait me here, okay? I'm just going to take a shower then kain tayo sa Giardinos? Libre ko na." Tumango lang ako sa sinabi niya. Binalingan niya si Allaine. "Sasama ka rin ba, Allaine?"

Nakita kong ngumiti si Allaine kay Yaj bago sumagot. "Hindi na. Mauuna na ako't marami pa akong gagawin." Tumango lang si Yaj sa sinabi niya at saka na siya naglakad patungo sa shower room ng gymnasium.

Nakasunod ang tingin ko kay Yaj hanggang sa hindi ko na siya matanaw. Nabaling naman ang tingin ko kay Allaine. Nag-aayos na siya ngayon ng kanyang gamit. Marahil ay naramdaman niyang may nakatingin sa kanya kung kaya't napalingon siya sa akin.

I saw her smile, or is it more like of a smirk?

Hindi ko namalayan na naglalakad na siya palapit sa akin. Bago pa man niya akong malampasan ay narinig ko ang sinabi niya.

"Bye, Liel." Nakita ko pang ngumiti siya bago tuluyan akong lampasan, hanggang sa tuluyan na nga siyang makalayo sa akin.

Nanatili akong nakatingin sa dinaanan niya.

Sino ka ba talaga, Allaine? Kaibigan ka nga lang ba talaga ni Yaj?


***

Note: Pasensya na kung ngayon na lang ulit nakapag-update. I've been busy this past few days so... Yeah. Hope you like this chapter! Thank you for reading this, by the way. 

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon