Chapter 37

87 4 0
                                        

CHAPTER 37

Naging maayos naman ang sleep over namin. Matapos ang drama ko, nauwi sa ibang topic ang kwentuhan namin. Nagmovie marathon din kami. Hindi ko na muna inisip si Yaj at Craig.

Nakatulog na sila Blaire at Freia, tanging ako nalang ang natirang gising. Hindi ako makatulog. Bumabalik na naman sa isip ko ang mga nangyari. Ang daming bagay na pumapasok sa isip ko. And I know, I need to sort things out.

Pero nakatulog na lang ako na hindi alam ang gagawin sa mga susunod na araw.

Nagising ako dahil sa ingay ng mga kaibigan ko.

"Liel! Gising na!" ang nakakairitang sigaw ni Freia. Ang aga-aga nakasigaw na naman siya.

"'Wag ka ngang sumigaw, Freia! Nakakahiya ka," mahinang suway ko sa kanya.

Inaantok pa ako. Epekto ito ng pag-iisip kong wala namang kinahantungan.

"Duh. Normal na 'tong lakas ng boses ko."

"Ikaw talaga, Freia. Tumigil ka na nga. Mamaya mainis na iyang si Liel, sige ka," suway rin ni Blaire kay Freia.

Hindi ko na muna sila pinansin. Sandali pa akong nanatiling nakapikit. Maya-maya lang ay pupungas-pungas akong nagmulat. Napahikab pa ako.

"Hindi ka ba nakatulog nang maayos?" tanonng ni Blaire. Umiling lang ako bilang tugon.

Nakita kong napailing din si Freia ngunit nanatili nalang siyang tahimik.

"Oo nga pala. Yung cellphone mo kanina pa vibrate nang vibrate." Tinuro ni Blaire ang kinalalagyan ng cellphone ko.

Napatingin din ako doon. Mukhang alam ko na kung sino ang nagtetext sa akin.

Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko siyang makausap.

It will be a long day for me. I guess.

Abala ako sa pag-aayos ng buhok ko habang nakaharap sa salamin. Narito na ako sa kwarto ko. Kanina pa ako nakauwi.

Mataman akong nakatingin sa sarili kong reflection. And all I could see is a messed up girl. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maisip ang dahilan kung bakit ko nararamdaman ito. Kung bakit sa akin nangyayari ito? Nangyari ba ito sa lahat ng first timers? Sa lahat ng unang beses na naramdaman ang sinasabi nilang pag-ibig?

I don't know what to do anymore.

Napabuntong-hininga ako nang matapos na maayos ang aking buhok.

This is it, Liel. I said to myself.

Kanina, nang tingnan ko ang cellphone ko ay nakumpirma ko kung sino ang nagtetext sa akin. It's Craig. Halos pare-pareho lang ang laman ng text niya: Can I talk to you? Please.

Alam kong kailangan ko talaga siyang kausapin. Kailangan kong ipaintindi sa kanya na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Ayoko siyang saktan, pero kung iyon ang nararapat upang pumasok sa isipan niya na hanggang magkaibigan lang talaga kami...then I have no choice but to hurt him.

I replied to Craig as soon as I've read his text messages. It says: Okay. To the place where we first met. 4 PM.

Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko. It's only 3 PM. Maaga akong nag-ayos dahil gusto kong mauna sa usapan namin.

Lumabas na ako sa kwarto. Si mama ang naabutan ko nang makababa ako. Ngumiti siya nang makita ako.

"Saan ang lakad mo?" tanong niya. Tipid akong ngumiti saka summagot.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon