Chapter 22
"MALIGAYANG Pasko sa inyong lahat!"
Nagpalakpakan ang lahat nang matapos iyong sabihin ng pari. Tapos na ang misa. Tiningnan ko ang oras sa cellphome ko.
12:05 am. Pasko na nga.
Lihim kong sinulyapan ang katabi ko. Kanina, nang hilahin niya ako paupo sa tabi niya ay hindi na ako umimik. Hindi rin naman siya nagsalita. Hanggang ngayon na tapos na ang misa ay wala kaming kibuan. Naiilang ako, actually.
"Tara na sa bahay. Celeste, samahan n'yo na kami," narinig kong aya ni mama.
"Ay! Oo nga pala ano? O s'ya. Halina."
Nauna na sa amin sila mama na lumabas sa simbahan. Sumunod naman sa kanila sila kuya at ate Yaz pati na rin si Yaj. Napalunok naman ako.
Mas matagal ko pa nga pala siyang makakasama ngayon.
I sighed. Wala rin namang mababago kung tutunganga lang ako rito.
Agad akong sumunod sa kanila. Ilang saglit lang rin naman ay nakarating na uli kami sa bahay.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay. Agad ko namang nakita ang mga regalong pinamili ko na nasa ilalom na ng Christmas tree namin.
Napaisip ako. Siguro naman maibibigay ko ang regalo ko kay Yaj. Bahala na.
Akmang aakyat na ako sa silid ko nang tawagin naman ako ni papa.
"Saan naman pupunta ang aming prinsesa?"
Nakangiting nilingon ko si papa. "Sa taas lang po ako, Pa."
"Kakain na tayo. Mamaya ka na umakyat."
Wala na akong nagawa. Hindi ko naman matanggihan si papa. Sumunod na lang ako sa kanya papunta sa dining area. Nando'n na sila't nakaupo.
Muli na naman akong napalunok. Bakit sa lahat ng pwedeng bakantihing upuan ay sa harap pa mismo ni Yaj?
"Ano pang ginagawa mo dyan, Liel? Maupo ka na."
Agad na lamang akong umupo nang magsalita na si mama. Siniko ko naman si kuya na kanina pang nakangiti. Mukhang ewan lang.
"Ano na naman?" singhal niya sa akin na pinandidilatan pa ako ng mata. Nginisihan ko naman siya.
Sa totoo lang, pilit na pilit ang pagngisi ko. It's just a defense mechanism para hindi mahalata ang pagkailang ko. Iniiwasan ko rin ang mapatingin kay Yaj na nasa harap ko lang.
Nakakainis naman! Parang kanina pa ako nalalagay sa ganitong sitwasyon ah?
Tahimik kong sinimulan ang pagkain. Sila mama at tita Celeste ay masaya pa ring nagkukwentuhan, gano'n din si papa at tito Ysmael. Actually, kami lang talaga ni Yaj ang tahimik. Buti na lang at walang pumapansin sa amin.
"Ang tahimik n'yo naman yatang dalawa?" biglang puna ni Kuya. May nakapansin na sa amin. Naku!
"Oo nga. Akala ko ako lang ang nakapansin," segunda ni Ate Yaz. Napatingin naman sa amin ang aming mga magulang.
Hindi agad ako nakapagsalita. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko.
"Wala naman po kasi kaming sasabihin," agad na sagot ni Yaj.
BINABASA MO ANG
For the First Time
Teen FictionHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?