Chapter 17

135 9 1
                                        

Chapter 17


Awkwardness is in the air.

Ramdam na ramdam ko ang awkwardness. Sumabay sila Yaj at Craig sa aming kumain. At nang maupo sila ay nagkaroon na ng nakabibinging katahimikan sa table namin. Ang awkward lang talaga lalo pa at nasa magkabilang tabi ko nakaupo sila Yaj at Craig. Lumipat kasi ng upuan si Blaire. Pang-asar talaga! Samantalang hindi ko naman alam kung saan na napunta si Allaine. Bigla na lang siyang umalis kanina.

Isinantabi ko na lamang ang nararamdaman kong awkwardness at saka nagpatuloy na akong kumain. Mas maigi pang sa pagkain ko na lamang ituon ang atensyon ko.

Naeenjoy ko na ang pagkain nang bigla akong may maalala. Tiningnan ko si Craig na nasa kaliwa ko at siniko siya.

"Uy. Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Buti pinapasok ka ni manong guard?" untag ko sa kanya. Napansin ko pa ang pagtingin sa amin nila Blaire ngunit hindi ko na iyon pinansin.

Nakangiting tumingin sa akin si Craig. "Ah, pinuntahan ko kasi 'yung kapatid ko. Dito siya nag-aaral, eh."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. "Kaya pala," ang tanging nasabi ko bago muling ipinagpatuloy ang pagkain.

"Saka, nung huli—I mean, una't huli—kitang nakita, napansin ko 'yung suot mong uniform no'n. Kaya nagbaka sakali rin ako na makikita kita ngayon." Napatigil ako sa akmang pagsubo ng pagkain ko. Napatingin akong muli sa kanya. "And I guess, I am so lucky today. Nakita kita, eh."

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon tungkol sa sinabi niya. O dapat nga bang mayroon akong maging reaksyon? Siya lang ang nagsabi ng ganyan sa akin. Nagpapalipad-hangin ba si Craig sa akin?

I mentally slapped my face. Okay. Kung ano-ano na ang naiisip ko.

"Sus. Korni," narinig kong bulong ni Yaj na nasa kanan ko. Palihim ko siyang tiningnan. Patuloy lang naman siya sa pagkain.

Muli kong itinuon ang atensyon ko sa pakikipag-usap kay Craig.

"Sus. Buti na lang at naaalala mo pa ang mukha ko 'no?" baling ko kay Craig.

"Oo naman. Hindi ko makakalimutan ang mukha mo." Ngumiti siya sa akin.

"Sus. Oh, napuntahan mo na 'yung kapatid mo?" pag-iiba ko sa usapan.

Tumango siya. "Oo. Actually, nandito na rin siya kanina, eh. Kaso biglang nawala."

"Oh? Ano 'yun, bula?"

Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero bigla na lamang siyang tumawa nang mahina. Nababaliw na ba itong si Craig?

"Ewan ko nga rin, eh. Baka nga bula 'yung kapatid kong 'yon," aniya.

Magsasalita pa sana ako nang maramdaman kong tumayo ang kalapit kong si Yaj. Tiningnan ko siya. Hindi maipinta ang mukha niya. Napaano naman ito?

"Oh? Anong nangyari sa 'yo?" tanong ko sa kanya.

"Wala," sagot niya at saka umalis. 

Tiningnan ko naman ang mga kaibigan ko na parang kanina pa kaming tatlong pinapanood.

"Tara na. Time na, eh." Si Freia ang nagsalita.

Napatingin ako sa orasang nakasabit sa dingding ng canteen. Time na nga. Tiningnan ko naman si Craig. He smiled.

"Go ahead. It's nice to see you again."

Hindi na ako nagsalita. Tanging ngiti at tango lamang ang naging sagot ko sa kanya.

For the First TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon