Chapter 35
“Cuevas, Liel C.”
Nakangiti akong nagmartsa paakyat sa stage at tinanggap ang diploma ko. Sa wakas! Tapos na ako sa high school!
Humarap ako sa nagpapalakpakang mga estudyante. Hinanap ng mga mata ko sina mama. Itinaas ko ang diploma ko nang makita ko silang nakangiting nakatingin sa akin. Bumaba rin naman agad ako matapos iyon.
Napasulyap ako kila Blaire at Freia at saka ngumiti sa kanila. Ngumiti rin sila sa akin. Magkakalayo kami dahil alphabetical order ang upo namin.
Tahimik at nakangiti kong pinanood ang iba pang kumukuha rin ng diploma nila. Hanggang sa sumapit na sa oras ng pagkanta ng graduation song namin.
“May we request Liel Cuevas to lead the singing of the graduation song,” tawag sa akin ng isang guro.
Tumayo ako at pumunta sa harap at kinuha ang mic. Tumingin ako sa mga kapwa ko nagsipagtapos na ngayon ay nakatayo na at nakatingin sa akin. Naging tahimik ang paligid. Ramdam ko ang nagsisimulang pag-usbong ng kalungkutan sa dibdib ko. Dahil heto na... matatapos na ang araw na ito.
Gumala ang paningin ko. Alam ko sa sarili kong may hinahanap ako. At kahit anong mangyari, ano mang layo ang gawin ko, siya pa rin ang hahanap-hanapin ko. Si Yaj pa rin. Tumigil ang tingin ko sa hanay ng boys at sa nanginginig na boses, sinimulan ko ang pagkanta.
“Thank you.. for teaching me how to love. Showing me what the world means. What I've been dreamin' of and now I know, there is nothing that I could not do. Thanks to you...”
Sumabay sila sa pagkanta ko. Nagsimulang mag-sway nang dahan-dahan ang mga katawan nila. Iniwas ko ang tingin ko kay Yaj at bumaling nalang sa iba.
Nang sumapit sa chorus, nagsimula nang mag-iyakan ang ilan.
No mountain, no valley.
No time, no space.
No heartache, no heartbreak.
No fall from grace.Ang ilan ay umalis sa kanilang pwesto at niyakap ang mga kaibigan nila. Mahigpit ang yakapan nila at umiiyak pa, parang hindi na sila muli pang magkikita. Nakikita ko ang lahat. Hindi ko maiwasang umiyak na rin. Ang kanina'y masayang paligid, ngayon ay malungkot na.
There's no mountain, no valley.
No time, no space.
No heartache, no heartbreak.
No fall from grace.Biglang lumapit sa akin sila Blaire at Freia at niyakap ako. Umiiyak na rin sila. Lalo akong naiyak at hindi na ako nakakanta.
“'Di ba dapat masaya tayo? Ang lungkot naman ng paligid,” umiiyak na sabi ni Freia.
“Ang drama natin. Parang di na tayo magkikita nito, e,” natatawa namang sabi ni Blaire. Natawa na rin ako.
“Sino ba kasing nagsabing umiyak kayo?” natatawang tanong ko.
Kumalas na sa pagkakayakap ang dalawa at nagpunas ng luha.
“Umiiyak ka rin naman, e!” Humikbi pa si Freia. “Tama na nga 'to!”
Napangiti ako. Napasulyap ako sa isang tabi at nakita ko si Yaj. Nakatingin siya sa akin, tila may gustong sabihin. And then I remembered something. Yung letter.
Napahinga ako ng malalim. I've decided to go with the flow on what's going to happen today. At kasama doon ay ang pakikipag-usap kay Yaj. Kahit sa huling beses man lang.
Narinig naming may sinabi pa ang isang guro. Inanunsyo niyon ang pagtatapos ng graduation. Imbes na mag-alisan, kani-kaniyang kuha ng marker ang bawat isa at pumirma sa suot naming damit.

BINABASA MO ANG
For the First Time
Novela JuvenilHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?