Chapter 8
"Oo nga pala, kakain kaming pamilya. Sumama na kayo sa amin para tayo'y magkakwentuhan pa, Celeste," nakangiting paanyaya ni mama kay tita Celeste, mama ni Yaj.
Katatapos lang ng misa at ngayon nga ay kasama na namin ang pamilya nila Yaj. Nakita kasi ni mama si Yaj nang lumingon siya sa amin. Hindi ko rin inaasahan na magkaibigan pala ang mama ko at ang mama ni Yaj noong high school sila.
Ang liit talaga ng mundo.
"Sige ba, Carmela. Saan ba kayo kakain?"
"Saan pa ba? Wala namang restaurant dito sa bayan natin at Jollibee lang naman ang kainang malapit dito sa simbahan." Natawa si tita Celeste sa sinabi ni mama.
"Oo nga naman! Tara na sa lugar kung saan bida ang saya!" Pagkasabi niyon ay sabay silang naghagikhikan ni mama. Parang bumalik sa pagkabata ang mga magulang namin. Napapailing na lamang ako. Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang matatanda.
Nauna na silang lumakad papunta sa Jollibee kasama sila papa at tito Jay. Napakalapit lang naman niyon dito sa simbahan. Kailangan mo lang tumawid at nando'n ka na agad.
Tahimik lang akong sumusunod sa kanila. Nilingon ko si kuya at aba! Mukhang nag-eenjoy siyang kausap ang ate ni Yaj, ah! Muli na naman akong napailing. Ibang klase talaga itong kuya ko.
"Bakit iiling-iling ka diyan, bes?" biglang tanong ni Yaj na hindi ko man lang namalayan na kalapit ko pala. Umakbay na naman siya sa akin. Pansin ko lang, parang nagiging habit na niya ang ganito.
Nilingon ko siya. "Pake mo naman? Sa gusto kong umiling, eh! Saka paakbay-akbay ka na naman diyan! For your information, ang bigat po ng braso mo!"
Nakita kong bumusangot ang mukha niya. Pinipigilan ko ang sarili ko sa pagtawa. Ang panget ng mukha niya!
"Ano ba! Makasigaw ka naman. Kalapit mo lang ako, oh!" inis niyang bulyaw sa akin.
Hindi ko nalang siya pinansin, bahala siya sa buhay niya. Pumasok na ako sa Jollibee at saka sumunod kila kuya na papunta sa 2nd floor. Hahanap na yata sila ng pwesto. Naiwan naman ang mga magulang namin sa baba para umorder.
Pagkarating sa itaas ay agad na naupo sila kuya sa bandang gilid kung saan tanaw ang mga tao sa labas. Magkaharap sila kuya at si ate Yassi at hanggang ngayon ay nag-uusap pa rin sila. At himala! Nakakasilaw yata ang ngiti ni kuya ngayon. Bakit kaya?
Naupo ako sa tabi ni kuya na hindi man lang ako pinansin.
"Nandito na pala si Liel." Buti pa si ate Yassi napansin ako. Nginitian ko naman siya.
"Ah, hehe. Hello, ate Yas! Mukhang may pinag-uusapan kayo ni kuya."
"Ay, oo! Schoolmate ko pala itong kuya mo sa SNCC," nakangiting tugon niya sa akin.
Oh. Schoolmate pala sila. Tiningnan ko si kuya. Parang wala siyang naririnig at nakangiting nakatingin lang siya kay ate Yas. May iba talaga sa kuya kong ito ngayon, eh!
Tiningnan ko ulit si ate Yas.
Her skin is just like Yaj's. She has a pair of almond-shape eyes. Ang ilong niya, kasingtangos ng kay Yaj. Manipis ang mapupula niyang labi. Ang buhok, natural na kulot sa du—
Aha!
"Ate Yas, volleyball player ka?" Nakita kong nagulat siya sa tanong ko.
"Ah, oo. Bakit?" Halata sa mukha niya na naguguluhan siya.
I knew it! Muli kong tiningnan si kuya na ngayon ay nakakunot na ang noo. Mukhang nagulat siya kung bakit tinanong ko iyon kay ate Yas. Ngumiti naman ako nang pagkatamis-tamis. Akala niya siguro nakalimutan ko na 'yong nabasa ko sa notebook niya. Diary nga yata niya iyon, eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/72981128-288-k194017.jpg)
BINABASA MO ANG
For the First Time
Genç KurguHanggang kailan mo kayang umasa na mamahalin ka rin niya?