Thousand Tears: Sino ako?

754 10 2
                                    

Mave POV

Sino ako?


Ako nga pala si Taffny Mavelyn Samonte.
Wag nyo ng itanong kung San ako nakatira kung kelan ako pinanganak anong kinakain ko.

Bakit?

Sino ba kayo?

Di joke lang.

Na sa school ako ngayon sa may third floor.

Wala ng masyadong tao sa school gusto Ko na ngang umuwi pero sobrang lakas naman ng ulan.

Kaya wala akong choice.

Hinihintay ko rin naman ang tatlo kung best friend na hindi man lang ako sinisilip dito sa may hallway kung humihinga pa ba ako.

Ano sa tingin nyo ang nararamdaman ko ngayon?

O.k Sana kung may klase sila pero wala naman.

Bakit ko nga ba sila hinihintay?

Dahil mga kaibigan ko sila.

"Bye mave." dinig kung sabi nong classmate ko.

Binigyan Ko lang sya ng nag aalinlangang ngiti pero Hindi naman fake sadyang wala lang ako sa mood.

Hindi kasi kami classmate ng mga bestfriends ko. Si thalliah Keith at cashafia ay HUMSS ang kinuha nila. Si lasha naman ABM at ako STEM.

O diba?

"Mave kanina ka pa dito?." Wow! sakit non.

Parang di maka paniwalang tanong ni thalliah.

So Hindi nila Alam na mamuti na ang mga Mata ko kakahintay sa kanila dito at halos mamatay na ako sa ginaw dito dahil Hindi nila alam na nandito ako?.

Dahell!!.

e sa pagkakatanda ko sila yong nag sabing dito ko lang sila hintayin dahil mag me-meeting lang sila saglit.

At sa pagkaka intindi ko ang salitang saglit madali lang.

"Hindi." Fake smile.

Nag pati Una na akong lumakad.

"Hoy! anong problema?" Naka sunod na tanong ni casha sa may likuran ko.

Busy lang din si thalliah kaka text at busy lang din Si lasha kaka emagine.

Well. Ano bang pakialam ko. Galit ako sa kanila.

"Sige Una na ako. Byeeiirs."

"Teka ma-----------" Hindi na tinapos ni lasha ang sasabihin nya dahil alam nya na di ko rin naman sya papansinin.

Malungkot akong nag lalakbay habang nakayuko lang.

Wala ako sa mood tingnan ang beauty ng world ngayon.

O.k. para makilala nyo ako mag papakilala na ako.

Ako si taffny mavelyn Samonte 16 years old. Mave ang tawag ng lahat sa akin kaya tawagin nyo na rin akong mave. Grade eleven sa St.Luke Academy.

Academy ang peg ko diba?. Kala nyo mayaman ako no?

Pwes. Mali kayo.

Mahirap lang kami. nakapasok lang ako sa St.Luke Academy dahil ang Amo ng nanay ko sa pag tatrabaho nya bilang katulong ay ang may Ari ng academy.

Swerte ko no?.

Dalawa lang kaming magkapatid at second year college na sya ngayon.

Simple lang naman akong babae. Mahilig mang asar at malakas tumawa.

Ma pride din akong tao.

Love life?.

Wala pa yan sa bukabularyo ko.

Masyado na ba akong madaldal?.

Sensya na tao lang nag sasalita.

Sa wakas sa awa ng maykapal nakarating na rin ako sa bahay.

"Mano po nay TAAAAAAyYyyyy!!!!"

(Booooggggssssshhhh)

"Mave naman." Si inay

Pano ba naman kasi bigla akong na slide.

Well. Tanga rin pala ako.

"Mag ingat kasi. Ikaw bata ka." Si itay

Napapailing na lang Si kuya at inay.

Sanay na e.

"Sasama ka ba sa akin bukas mave?" Tanong no inay.

Ang tinutukoy nito ang pagsama ko sa mansyong pinag tatrabahoan nito. Gusto ko kasi makita ang Amo ni inay.

"Opo nay. Maaga rin naman akong makaka uwi bukas."

Sabi kasi ni inay sobrang bait daw ng pamilyang pinag tatrabahoan nya.

Halata naman e.

Pumanhik na ako sa taas para mag palit.

"Mave nakita kitang may kasamang lalaki." Nag sasalubong ang kilay ni kuya habang naka pamewang.

O my.

Ninja ba tong kuya ko? Pa sulpot sulpot lang e.

Teka.

Bat wala akong maalala?.

"Weah di nga?" Gawa gawa lang ng paraan.

Niloloko na naman ata ako nito e.

"kelan naman aber?" Nakapamewang ko ring tanong.

Kala mo kaw lang marunong.

"kanina habang pauwi ka------------aray!!!."

"E para nga akong loner kanina dahil mag isa lang ako."

"Haaahaahaha!!!! Joke lang. Kaw naman masyadong seryuso." Mamatay to sa kakatawa e.

"Dahil Hindi ako laruan para Hindi seryusuhin." Booooom.

"May pinag huhugutan ka ba?"

Meron ba?

"Wala." Maka alis na nga. Binubwisit ata ako non e.

As usual tapos mag hapunan. Mag huhugas ng pinggan. Manonood ng t.v at papanhik na sa taas.

At dahil gusto ko ng mag beauty rest. Byeeiirs muna sa ngayon. Total kilala nyo na ako.

********

Hanggang dito na lang po muna. Sana po kahit papano nagustuhan nyo ang Simula ko. Maraming thank you po kung meron mang nagbabasa nito.

Hindi po ako perpekto para maka gawa ng perpektong story kaya asahan nyo na pong napaka boring nito. phone lang po ang ginagamit ko kaya talagang magulo.
Kung may makita Man kayong Mali pake comment na lang para ma itama ko.

Please vote and don't forget to comment.

Alhamdulillah.

_muslimqueen09

Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon