Mave P.O.VPag-apak ko palang ng mga paa ko sa pinto ng class room namin mukha agad ni Brix ang nahagilap ng mata ko. Naglalaro ito ng rubrics cube. Inirapan ko lang sya kahit alam kong di naman nya makikita. Ang sarap talagang upakan. Kainis.
O my Ghad!!!
As in!! Malaking O.
Nakalimutan ko. First summative test nga pala namin ngayon sa physics.
Pano na to? Di ako nakapag-aral kagabi. Bat ang saklap ng araw ko ngayon?
"Get 1 whole sheet." Seryusong saad ni sir. Napaka terror pa naman nito.
Naiiyak akong kumuha ng papel sa bag. Ayokong bumagsak. Bat kasi ang tanga tanga ko?
Yan kasi. Si Brix di mo magawang kalimutan pero yang test nyo nakalimutan mo. Napasimangot ako dahil sa pangaral ng utak ko. Pano ko makakalimutan ang mga panira moment nya sa akin?
"Answer silently." Identification pa talaga. Nainis ako.
Napatingin ako kay brix na seryuso lang nakikinig kay sir at halatang lahat ng tanong nasagot nya.
Ayokong bumagsak. Ayoko talaga!!
Masakit man, mahirap man. Kailangan ko ng tulong ni brix.
Nakakahiya tong gagawin ko. Pero wala na akong choice.
As in. Walang wala.
"Brix!." Pabulong kong tawag sa kanya at bahagyang yumuko.
Please Brix, kahit ngayon lang. Magpakabait ka muna.
"Brix!." Langya! Brix pansinin mo naman ako.
Bat ayaw nyang lumingon? Nakakainis naman o.
"Any problem Ms. Samonte?." Sinasabi ko na nga ba eh!!
"He-he-he, wala po sir." O Sige na! Ako mang napahiya. Ako ng bobo, kayo na matalino. Kayong kayo na. Naiinis kong bulong sa isip ko.
"Brix!." Tawag ko uli sa kanya. O, Sige na, ako ng makapal ang mukha basta ayokong bumagsak.
Bigla akong nabuhayan ng palihim syang lumingon sa akin. Nakasalubong pa talaga ang kilay nya.
"Pinging answer." Puppy eyes please umepekto ka sa gago.
Nawala ang Pag asa ko ng taasan nya ako ng kilay. Brix wag muna ngayon. O'k lang tawagin mo akong stupid o ano basta pakabait ka muna ngayon.
"Please Brix, di ako nakapag-aral kagabi." Gustong gusto ko talagang maiyak sa ginagawa ko. Pride magtago ka muna.
"Can you stop talking?." Pairap nyang saad.
Lahat ng Santo tinatawag ko ngayon sapian nyo ng kabutihan si Brix.
"Brix, please. Babagsak ako Pag nagkataon." Ano bang gusto ng lalaking to? Umagos pa ang luha ko?
Nag focus na uli sya sa papel nya. Langya talaga ang lalaking to. May iba naman akong nasagotan ko pero di rin ako sure kung tama ba to tapos karamihan wala talaga akong maisagot. Meron ngang nakapag-aral jan ang damot damot naman. Lamonin nya ang answer nya.
Pano nato?
Ang sarap lang saksakin sa likod ang ugok nato. Nasa harapan ko kasi sya.
Nabigla pa ako ng ibigay nito ang isang papel sa akin.
OMA!! Brix kaw ba yan?
"Pass your paper." Agad naman akong nataranta sa sinabi ni sir.
Kukopya na sana ako ng mapatingin ako sa pangalan sa ibinigay nitong papel. Bat pangalan ko nakalagay dito? Ng balingan ko si Brix nakatingin ito sa akin habang nakataas ang isang kilay.
"Wala ng papers? O'k class dismiss!." Teka ang papel ko.
"Brix, pakiabot kay sir." Agad kong ibinigay kay brix ang papel since nakatayo lang naman sya at tsaka tinulak.
Pagkatapos ng subject nayon. Tuloy tuloy na sa ibang subject ang klase namin hindi ko na nga basabayan ng recess at lunch break ang mga kaibigan ko dahil nasa room lang ako nakatulala.
Naglalakad na akong pauwi sa bahay kasama ang mga kaibigan ko na todo chika sa mga crush nila. Lutang parin ang isip ko sa ginawa ni Brix.
Ano kayang inihanda ni nanay na almusal sa kanya? Bat bumait.
Hindi kaya?!......
Crush nya ko.?
Impossible!!. Malaking impossible. Paniguradong di ako type ng ugok nayon. Palagi nga akong sinasabihan na stupid. Hehehe kainis nga eh!.
Naisip ko na lang na kailangan ko rin mag thank you kay Brix.
"Wala daw klase bukas dahil holiday." Halata ngang ang saya ni lashah habang sinasabi yon.
Palihim lang akong napangiti. Yes! Makakasama na naman ako kay nanay sa mansion. Excited? Hindi naman. Hindi halata.
Naghiwahiwalay din kami ng daan ng mga kaibigan ko. Pagka uwi ko wala pa si nanay at tatay. Kaya nagluto na lang ako at naghuhugas naman ng pinggan si kuya.
"Mave!!." Muntik ko ng maihagis ang sandok kay kuya. Papatayin ba talaga nya ako sa gulat?
"Ano??!." Naiinis kong baling sa kanya.
"Kamusta school mo?." Tatawa pa nitong tanong. Ghadness!! Makapang gulat sya ta's yon lang pala tanong nya?. O ayon nangopya ako kay Brix.
"Ang saya kuya! Sa sobrang saya ang sarap lang ihagis tong sandok sa pagmumukha mo!." Ayon tumawa na naman.
Bago to lumabas ng kusina ginulo pa talaga buhok ko. Ganyan kaming dalawa. Kung baga yon ang paraan namin sa paglalambing namin sa isa't isa.
Pagkatapos kumain. Nagpunas ako ng mesa habang hinuhugasan ni kuya ang mga pinggang pinagkainan. Tapos, nood ng TV at panhik na sa kwarto.
"Nay, sama ako bukas wala kaming pasok." Baling ko kay inay.
"O Sige, basta gumising ka ng maaga."
Kelan ba ako gumising ng tanghali? Si nanay talaga oh. Di ako si kuya no! Na kahit hampas hampasin mo na ng unan ang hirap paring gumising. Parang bata lang eh.
***********
Pagpasensya nyo na talaga. Hope you enjoy😊😊😊. Don't forget to vote and feel free to comment.Always be,
Muslimqueen09👸.
BINABASA MO ANG
Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]
Romance"I learned that people leave. Even if they have promised a thousand times that they won't" - Brix Lance Lancer "I make mistake, I hurt people. But I'm only a human, sorry I'm not perfect" -Taffny Mavelyn Samonte Magagawa parin kayang patawarin ni Br...