Thousand Tears: Laughing together!

175 0 0
                                    


                    MAVE P.O.V

Nagmamadali akong pumasok sa mansyon ng mga Lancer. Tinawagan ako ni tita na doon na raw mag-dinner kasama si kuya pero may importanteng inasikaso si kuya kaya hindi nakasama.

Medyo busy narin ako dahil may trabaho na ako, sa hospital ng mga Lancer. Ayoko sana baka kasi may masabi ang iba pero mahirap tanggihan si tita, eh.

"Queen!." Agad akong napangiti ng patakbong lumapit si Brix sa akin na muntik pang mahulog sa hagdanan.

Tsk. Lalaking to talaga, parang bata.

"I missed you." At niyakap ako ng sobrang higpit. Oo, ganito siya lagi.

Minsan nga nakokonsensya ako sa tuwing nakikita ko ang bawat ngiti sa mga labi niya. Dama ko ang sobra sobrang pagmamahal ni Brix para sa akin.


Kaya naitatanong ko sa sarili ko, kung deserve ko ba ang pagmamahal ng lalaking minsan kong sinaktan.




Sa masayang pagpapatuloy namin ni Brix sa naudlot naming kwento, ni minsan hindi niya nabanggit ang nakaraan. Sa tuwing binabalik ko, lagi niyang iniiba ang topic.




"Atee!." Agad naman din akong sinalubong ni Brixa ng yakap.

"Teka, hindi ako makahinga sa yakap niyo." Natatawa kong saad..yakapin ba naman ako ni Brixa habang nakayakap din si Brix sa akin.


"Guys, hindi makahinga si Mave. Halina kayo sa dinning." Natatawang saad ni tita.


Nauna naring nagtungo si Brixa sa dinning at agad namang kinuha ni Brix ang bag na dala ko. Naka-uniform pa nga ako na pang hospital dahil matatagalan ako kung uuwi pa ako sa bahay para magpalit.



"How's your work, queen?." Tanong nito habang papunta kaming dinning.


"Ganon parin, busy kasi sunod sunod ang patient na dumadating." Sagot ko habang nakayakap sa braso nito.


Ipinaghila ako nito ng upuan at tumabi sa akin. Kaharap namin si Brent at Brixa.



Ganitong ganito kaming lahat dati. Parang wala lang nagbago maliban siguro sa naging matured na kami.


"I'm sorry tita kung wala si kuya, busy kasi siya sa projects na hawak niya ngayon." Paumanhin ko habang nasa kalagitnaan kami ng paghahapunan.



"Its okay Mave, I understand. I am very happy for your kuya, ang taas na talaga ng naabot niya sa buhay." Nakangiting saad ni tita.



"Nabanggit mong busy ang kuya mo, and I'm sure hindi siya makakauwi sa inyo ngayon. So, ang mabuti dito ka na magpalipas ng gabi." Saad ni tito at uminom ng tubig.


Even If I Cried A Thousand Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon